CHAPTER 29

556 26 5
                                    

KAIDEN POV

Mag iisang linggo na nang mag proxy si Lurein bilang Student council president ng School. Naging tahimik at puro pag hanga at papuri ang naririnig namin tungkol sa kaniya dahil sa galing niya daw mag pa deseplina nang mga estudyante.

Dapat pala hindi siya naging SC naging principal na lang sana pala si Lurein

Natatawang sambit ko sa sarili ko na patingin naman agad saakin si Luxeen nang mapansin niyang naka ngiti ako.

"Woi Luxeen sasabay ka ba ulit sa kanila mag Lunch?"

Takang tanong ni Kyle sa kaniya lagi kasing may nag susundo sa kaniya para sabihin na pinapasundo daw siya nila Lurein para sumabay sa kanila mag Lunch

"Hindi wala sila diyan ngayon nasa Sierra High sila may Exam ata sila ngayon. diba kahapon yung exam natin"

Sambit ni Luxeen habang ipinapasok ang iilan niyang note sa bag niya.

"Ah kaya pala hindi sila pumasok kahapon dito sa room akala ko nga tinatamad lang silang pumasok." Natatawang sambit ni Kyle habang naka tayo sa tabing gilid ng upuan ni Luxeen.

"Si Jacob nakita niyo?" Kunot noo kong tanong sa kanila nang mapansin kong wala si Jacob sa loob nang classroom namin.

Napatingin kami nang bigla may tumatakbong isang 1st year papasok dito sa loob ng classroom namin pagka pasok niya sa loob ng classroom hinihingal pa ito.

"L-lucas.... Si.. si.. si Jacob.. nakikipag ayaw kila Oliver" Pilit na sambit niya kahit hingal na hingal na ito.

Sabay sabay kaming napatayo kahit mga classmate namin ay na patingin sa kaniya.

"Nasan sila?" Pag tatakang tanong ni Luxeen

"Nandoon.. sa Field bilis!." Sambit niya.

Sabay sabay kaming tumakbo papalabas nang classroom para sundan siya. Kahit ang mga classmate namin ay nag si sunuran na din sa'amin sumama din si Luxeen.

Pag dating namin sa Field nakita na lang namin si Jacob na naka upo habang naka patong ang kamay niya sa tuhod.

"Oh ngayon nasan ang yabang mo! Wala ka pala!" Gigil na sambit ni Oliver sa kaniya.

Bahagyang natawa si Jacob at pinunasan niya ang dugo na ng mula sa labi niya gamit ang daliri nito at saka tumayo at pinag pagan ang sarili.

"Bakit ba napaka pikon mo?" Walang ganang sambit sa kaniya ni Jacob at saka siya nginisihan.

"At isa pa alam mo sa sarili mo na hindi mo ko kaya. kaya wag kang mag tapang tapangan diyan!" Mahinahon na sambit sa kaniya ni Jacob.

"Gago! Kaba sinong may sabing hindi kita kaya wag kang mayabang!!" Sambit sa kaniya ni Oliver. At saka niya sinuntok si Jacob sa pisngi pero agad naka iwas sa kaniya si Jacob.

Sinundan niya pa ito nang isa pang suntok hanggang sa natamaan na si Jacob sa mukha. Nang matamaan siya ay sumuntok na din si Jacob sa kaniya unang suntok pa lang ay tinamaan na si Oliver sa panga yung pangalawa namang suntok ni Jacob ay yung bandang sikmura na niya kaya napa atras si Oliver at bahagyang napa yuko.

"Gago ka!!" Malakas niyang sigaw na sinundan niya nang sipa. Pag ka sipa niya tumama yun sa tagiliran ni Jacob.

"JACOB!!!!" sabay na sigaw nila Luxeen at Kyle

Kaya gumanti din ng sipa si Jacob at tumama naman yun sa dib-dib ni Oliver

"Awatin niyo na sila" sambit ni Luxeen

"Subukan nyong makialam sa kanila asahan nyo malaking gulo ang mang yayari"

Sambit nang isa sa mga kasama ni Oliver.

The Only Girl In The OXFORD ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon