Chapter 4 - THE TRANSFEREE

2.8K 32 2
                                    

First day of class na. Syempre yung mga classmate ko nung 1st year sila pa rin. Una ko'ng hinanap si Rose at sa kanya ako tumabi ng upuan.

"May mga bagong classmate kaya tayo? Sawa na'ko sa pagmumukha ng mga kaklase natin eh" sabi ni Rose 

"Oo nga sana lalaki yung gwapo para ganahan naman ako'ng pumasok.."

Habang hinihintay namin dumating ang professor, isa isa ng nagsidatingan mga dating kaklase namin. Same old faces. Nang biglang may bagong mukhang pumasok sa classroom. Lalaki. Uy may bago! ilang sandali lang hanggang sa mamukhaan ko... OMG. Si pogi !!!

"Shet ang gwapo nya!" bulong sa'kin ni Rose

Pinagtitinginan ng mga classmate kong girls si pogi. Di tumagal, dumating na rin ang professor namin.. 

Kinabahan ako'ng bigla. Si pogi classmate ko! Kilala pa kaya nya ako? Sana hindi na! Nahihiya ako! Biglang pumasok ulit sa isip ko yung nangyari sa'min nung gabing yun. Pilit ko iniiwas ang mukha ko at humihiling na sana di nya ako mamukhaan. Pero di ko rin maiwasan sumulyap paminsan minsan.

Nakaupo si Pogi sa may bandang likod. Sa harapan kasi kami pumwesto ni Rose, dating lugar. Yung mga mahaharot ko naman na classmates tingin ng tingin kay pogi, ang obvious na kinikilig!

"I guess you're all familiar with each other already. This is a blocked section right? That means same faces. Any new comers?" nakatayo si prof sabay tingin sa amin

Tumayo si pogi.

"Shifted from what course?" tanong ni prof

"No sir. Transferee." matikas na sagot ni pogi

"Oh. From what school?"

"AUF."

wow susyal. AUF ang kakumpitisyon ng school namin. Maliit lang pero may aircon lahat ng room, di tulad ng sa'men ceiling fan lang. Mas mataas din bayad ng tuition fee nila doon, mayaman nga talaga si pogi. 

"Please introduce yourself ." sabi ni prof kay pogi

"Eros Paulo Lim. Same course from my previous school."

"Ok. Brief introduction huh? Well you're on your own to get to know all your classmates."

Eros Paulo Lim. Kaya pala singkit, may lahi. Small world. Can't wait to tell my friends about this. 

Natapos ang maghapon na classes namin na hindi pa kami nakakapag usap ni Eros. Ayoko syang iapproach, nahihiya ako. Pero infairness ha, lagi ako'ng nagreretouch every class break. Ihh kinikilig ako. 

At ng pauwi na kami, nagsisilabasan na isa isa ang mga kaklase ko. .

"Cleofe, kanina ka pa tinitignan nung transferee.." sabi ni Rose habang nag aayos ng gamit sa bag nya

"Huh? Totoo?" kilig ko'ng tanong pero iniiwasan ko pa rin sya'ng tignan

"Kanina ko pa napapansin tingin ng tingin banda dito simula kaninang first class. Type ka siguro!" pabulong ni Rose

"Ihh shet kinikilig ako. Pero wag natin pansinin, pabayaan natin'g sya una mag approach.."

Lumabas na rin kami sa classroom. Si Eros mukhang nakikipagkilala sa mga classmates namin'g boys.. Umupo ako sa may canteen dahil hinihintay ko sina Aaliyah, lagi naman kami'ng sabay sabay umuuwi ng mga yun eh. Ng biglang umupo sa tapat ko si Eros. Natigilan ako.

"I knew it, you're that girl." pangiting sabi sa'kin ni Eros

Kunwari pa ako'ng nagpanggap na hindi ko alam ano sinasabi nya. 

"Have we met before?" nakangiti ko'ng tanong

Shet wag sana ako mabuking nito.

"Uhm, last 2 weeks at the club. May nakaaway pa nga ako dahil sa'yo eh. Then we had a drink at my car and..."

Bago pa nya matapos and sinasabi nya sumabat na'ko..

"Oh yeah! Tama. I remember now. " paiwas ko'ng sagot

"I didn't get your name at that time. I'm Eros."

"Cleofe. Cleofe Fajardo." pangiti ko'ng sagot

"You waiting for someone?"

"My friends."

"Can I give you a ride?"

Oh how i want to ride in your car again Eros! Kaso nahihiya pa ako, hindi ko alam paano kita kakausapin! Saktong pagdating nina Aaliyah, Lulu at Faye.

"Maybe next time. May pupuntahan pa kasi kami eh. Sige ha, i'll go ahead." nginitian ko lang sya tsaka na ako tumayo papunta sa mga kaibigan ko..

At ng makalayo na kami...

"Sino yung gwapong yun?!" tanong ni Faye

"Classmate ko, transferee." sagot ko

"Swerte mo naman! Buti pa ikaw! Sana sa amin nalang sya pumasok!" kinikilig na sabi ni Lulu

"Type ka ata?" tanong ni Aaliyah sa'kin

"Guys, sya yung sa club! Yung kinukwento ko sa inyo na nakipagsuntukan dun sa kumukulit sa'kin!" nakangiti ko'ng sabi

"OMG. Destiny! Ang swerte mo talaga naiinggit ako!" - Lulu

"Ano'ng name nya?" -Faye

"Eros Paulo Lim." -me

"Pangalan pa lang pamatay na!" -Faye

"Chance mo na yan bez! Akitin mo na!" -Aaliyah

"Tse. Akitin agad? Di pwedeng friends muna?" -me

"Gaga! Di na uso yun ngayon! Sa text lang nga may nagiging mag ON eh!" -Lulu

"Nga pala bez, classmate ko ex mo!" -Aaliyah

"Oh talaga? Eh anu naman ngayon sa'kin?" -me

"Wala lang, share ko lang. Kinakausap nga ako eh sinusungitan ko." - Aaliyah

"Sus. Pabayaan mo yun, wala na'kong pakelam sa kanya. May papa Eros na'ko!" - me

"Papa pala ah? Tapos gusto mo friends muna?" kurot sa'kin ni Faye

Kinikilig kami'ng nag uusap usap habang naglalakad pauwi. Pagkakataon nga naman.

------------------------------------------------>>>>>>>>>>>>

SI PAPA EROS PO YAN ^_^

My Hot and Naughty LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon