Chapter 32 - THE WEDDING

1.9K 27 1
                                    

Chapter 32 - THE WEDDING

*EROS

A week after that incident sa hotel, wala na ako balita kay Cleofe. She changed her mobile number. Ayoko naman pumunta sa kanila dahil baka magkita na naman kami ni Ethan. I would at least want to apologize and tell her na kung talagang mahal nya si Ethan, i'll respect that decision.

I broke it up with Aubrey since that day pero makulit pa rin sya, lagi nya ako pinupuntahan sa bahay at tinatawagan.

I really miss Cleofe. Ofcourse I want her to be mine pero parang imposible na mangyari yun. I blew it off, sinira ko lahat.

"Babe bakit di ka pa bihis?! Diba sabi ko manonood tayo ng sine!" sabi ni Aubrey na kadarating lang sa bahay ko

"Aubrey, please go home. And don't call me babe anymore.." walang ganang sagot ko sa kanya

"Ano ka ba? Hanggang ngayon ba iniisip mo pa rin si Cleofe?! She even changed her mobile number para di mo nga sya ma contact eh! Move on Eros!" sabay upo ni Aubrey sa may tabi ko

"Shut up. Leave me alone." tumayo ako para pumasok na sa kwarto ko. Nasa sala lang kasi kami ngayon

"I saw Cleofe today." napatigil ako sa kinatatayuan ko. Kahit kasi ano'ng gawin ko, hindi ko sya nakakasalubong mapa bar man o mall.

"She was at a Bridal Shop, nagpapasukat ata ng gown. Not sure if it was a wedding gown." Napatingin na lang ako kay Aubrey pero tumuloy pa rin ako sa kwarto ko. Nilock ko ang pinto at tumalon sa kama ko ng padapa. Kusa na siguro'ng aalis si Aubrey nyan.

Ikakasal na sya. Takteng puso ito. Minsan nalang magmamahal palpak pa! First time ko'ng mainlove at sumeryoso, di rin pala sa'kin babagsak ang babaeng pinapangarap ko. Kinagabihan niyaya ko mga barkada ko gumimik. Nag inuman kami sa isang bar, may mga chicks silang sinama. May pinapakilala pa sila sa'kin pero wala ako gana makipag usap sa kahit sinong babae ngayon. Naiisip ko lang si Cleofe. Ang sakit rin pala na malaman na ikakasal sa ibang lalaki ang babaeng pinakamamahal mo. Naramdaman ko na lang na may luhang tumulo sa kabilang mata ko na sya naman'g mabilisan ko'ng pinunas. Dyahe naman kung makikita ng barkada na umiiyak ako.

"Pare tama na yan uwi na tayo.." yaya sa'kin ni Mike. pero gusto ko pa'ng uminom, gusto ko'ng magpakalasing!

"Mauna na kayo.." sabay lagok ng alak

"Dude lasing ka na! Hindi naman saýo yang iniinom mo! Tira lang ng katabi mo yan kanina dude!" shet hindi ko napansin ah.. yuck nalawayan ako ng kung sino man uminom nito!

"Ang aga pa bakit nagyayaya na kayo?!" medyo nahihilo na rin nga ako eh kaso ayoko pa talagang umuwi.. sigurado pag bagsak ko sa kama ko, siya na naman ulit ang iisipin ko.

"Dude 4am na nagsasara na to'ng bar kanina pa ikaw nalang hinihintay! Tara na!" ayoko man tumayo pero binuhat ako ng mga barkada ko palabas sa bar.. 

Hindi ko matandaan paano ako nakauwi. Basta ang alam ko nagpupumiglas pa ako kanina ayoko pa tumigil ng kakainom.. Nagsuka suka ako ng marami bago ako tuluyang nakatulog..

"Eros! Wake up! Wake up!" hmm? boses ng babae? anu ba inaantok pa ako eh! sakit ng ulo ko!

"I said get up!" sabay alis ng kumot ko. "nabosesan ko ng si Aubrey pala yung babae.

"Anu ba?! Leave me alone!" pagtalikod ko kay Aubrey at nagbabalik na matulog ulit

"Pag hindi kapa bumangon dyan tuluyan ng mawawala sayo si Cleofe." Huh?! Bigla ako'ng nagising sa sinabi nya at napaupo

"What are you talking about?" medyo hinahanap ko pa ang diwa ko dahil sa bwisit na hangover na ito!

"Ngayon ang kasal ni Cleofe. If you don't get your ass up right now, kahit kailan hindi mo na sya mababawi pa." seryosong sabi sa'kin ni Aubrey

My Hot and Naughty LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon