Chapter 3 - BRINGING THE MEMORIES BACK

3.1K 35 0
                                    

*FLASHBACK

"Monthsary namin kahapon. Ni ha ni ho wala! Ni tumawag o magtext man lang wala! Makapag comment or message lang din sa Facebook wala! Isang buwan sya'ng di nagpaparamdam." habang nasa kwarto kami

"Hay naku bez, baka busy lang sa school.." 

"Busy? minuto lang naman para makapag comment sa fb diba? Ni wala naman bayad yun!"

Araw araw ako nagmemessage sa fb ni Gab, nagtatanong kung kumusta na sya, ano nangyari bakit di sya nagpaparamdam. Pero wala, never sya nagreply sa mga messages ko. 

"Nakausap mo ba mama nya?" tanong ni Aaliyah

"Oo, ang sabi sa'kin hintayin ko nalang daw sya makabalik tapos dun kami mag usap ng anak nya.."

"Nge. bakit ganun, wala ba'ng alam mama nya?"

"Ewan ko nga eh, kinakabahan ako. Alam ko may hindi tama sa mga nangyayari.."

ilang araw ang makalipas, walang gabi'ng hindi ako umiiyak. Lagi ako'ng naka online nag aabang na baka bigla sya'ng magparamdam. Minsan, niyayaya ko uminom sina Aaliyah. Di naman kami malakas uminom, tama lang. Pero noon yun, iba na ngayon.

Sa araw ng pagbalik ni Gab sa Pinas, nagdasal pa ako na sana hindi tama ang mga duda ko na may hindi magandang nangyayari. Puro kaba nararamdaman ko. Alam ko dumating na sya. Nag aabang nalang ako ng tawag nya. Umabot ng gabi, wala pa rin balita sa kanya. 

"Wala pa rin ba?" tanong ng mama ko dahil pansin nya'ng kanina ko pa tinititigan cellphone ko na para ba'ng nag aabang

"Wala pa po eh.. Pero kanina pa naglanding eroplano'ng sinasaknyan nya, kanina pa'ng umaga.."

"Teka, tatawagan ko mama nya.."

Sa loob ng dalawang taong pagsasama namin ni Gab, naging close na rin family namin. Kahit wala si Gab, pag may okasyon sa kanila sinusundo kami ng mama nya.

"Mare, dumating na ba si Gab?" mukhang kausap na ni mama ang mommy ni Gab. "Pakausap nga ako sa kanya.."

"Gab, ano'ng nangyari bakit hindi mo kami sinasabihan dito na dumating ka na pala? Teka eto gusto ka'ng makausap ni Cleofe.." binigay cellphone sa'kin ni mama

The moment na nahawakan ko ang cellphone hindi ko na napigilan sarili ko. Para ako'ng bulkan na sumabog. Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko sa magkabilaang mata. Hindi na ako nakapag isip ng maayos kaya kahit alam ko'ng nasa tabi ko si mama, napasigaw pa rin ako.

"Ano'ng problema mo?! Bakit hind ka nagpaparamdam sa'kin?!" umiiyak ako habang sumisigaw..

"Cleofe magbreak na tayo.." sabi sa kabilang linya

Parang gugunaw mundo ko. I was expecting this pero mas masakit pala pag sa mahal mo na mismo nanggaling.. Hindi tumigil ang luha ko, lalo lang ako nagalit sa narinig ko..

"Bakit, ano'ng dahilan? Sabihin mo muna sa'kin anong dahilan?!" lalong napalakas ang boses ko

"May nakakita sa'yo na may kasamang ibang lalaki eh.."

"Ano?! Kailan?!"

"Di ko na matandaan basta last month pa yun. May nakakita sa'yo na lagi ka daw may kasamang lalaki sa mall.."

"Naniwala ka naman? Ni di mo man lang ako tinanong kung totoo?! Gab naman! Hindi lang puro babae mga kaibigan ko, naisip mo ba na baka nakasabay ko lang umuuwi? Na baka bading yon? Bakit ka naman ganyan?!"

"Cleofe tama na, ayoko na rin.."

"Gag* ka alam mo ba yun? Pinaghintay mo ko ng isang buwan! Sana umpisa pa lang sinabi mo na! hindi yung nagmukha ako'ng tanga kakahintay kung magpaparamdam ka pa ba! Ang dali mo'ng magpaniwala sa ibang tao.. Kung di mo na'ko mahal sabihin mo nalang! Hindi yung magdadahilan kapa!"

Hindi na sumasagot sa kabilang linya si Gab pero ramdam ko'ng nakikinig pa rin sya. Naririnig ko ang mabigat nya'ng paghinga. Pero hanggan dito nalang ako. Tama na.

"Tatandaan mo ito Gab. Wala ka ng babalikan!" sabay patay sa cellphone

"Oh anong nangyari?" sabay yakap sa'kin ni mama...

Simula ng araw na yun, lagi na ako lumalabas ng bahay.. Tuwing weekends gumigimik, umiinom kasama iba't ibang kaibigan. Lagi ako lasing kung umuwi. Di naman ako pinapagalitan ni mama, alam ko naiintindihan nya pinagdadaanan ko. Simula noon tinatak ko sa utak ko na hindi ako dapat magmahal ng sobra sobra, na dapat mas madali para sa akin ang mang iwan sa lalaki. Pinangako ko sa sarili ko na hindi na'ko iiyak pa dahil sa isang lalaki.

ilang araw lang nakalipas kumalat sa mga common friends namin ni Gab ang balitang hiniwalayan daw ako dahil nag TWO-TIME ako. Nagdilim ang paningin ko. Hindi ko alam kung susugurin ko ba si Gab o ano. Hindi ko na kailangan malaman pa paano kumalat ang balitang iyon. Pero ayoko sya'ng makita, baka ano pa magawa ko sa kanya. Dinelete ko na sya sa FB friends' list ko pero makakapag message pa rin naman ako kaya yun nalang ginawa ko..

To: Gab Villafuente

Message: 

"At ang kapal naman ng pagmumukha mo para pagkalat na nag two-time ako! Hindi porke long-distance relationship tayo eh mag aasume ka ng nagloloko ako. Hindi ka man lang nahiya sa mama ko! Hindi ko kasalanan kung hindi ka kagwapuhan at maraming nagkakagusto sa'kin. Huwag mo isisi sa'kin ang INSECURITIES mo! Pinagmukha mo na nga ako'ng tanga, pagmumukhain mo pa ako'ng masama? T*NG*NA MO!!! Mamatay ka na sana'ng G*GU ka!!! Ikaw ang pinaka kinamumuhiyan ko'ng tao sa buong mundo! Pasalamat ka pa nga minahal pa kita! You don't deserve me you jerk!"

Walang katapusan ang pagmumura ko. Kung pwede lang sabihin lahat ng mura sa kanya ginawa ko na! At ang kapal naman talaga nya! Hindi ko kasalanan kung intimidated sya sa'kin. Sana umpisa pa lang di nya na'ko niligawan kung magiging big deal pala sa kanya yun. Oo nga, mas kaya ko'ng magloko kaysa sa kanya pero never ko'ng gagawin yun sa kahit sino pa'ng tao dahil takot ako sa karma. I deserve so much better than this.

Then finally, all the hatred and bitterness faded away in time. 1 year din nakalipas. Wala ako'ng panahon para pag aksayahan sya ng isip ko. I made myself happy by making the best out of my life. Life is too short to dwell on the past sabi nga nila. Kaya magpapakasaya nalang ako! Heto ako ngayon, hindi ganun kaganda pero maporma ma-appeal at malakas ang dating. 

AANHIN ANG GANDAKUNG WALA NAMAN APPEAL?

-yan ang motto ko. Umaapaw ako sa appeal yun lang masasabi ko. At siguro yun na din ang dahilan kung bakit maraming nagkakagusto sa'kin. Marami naman gusto manligaw pero hindi ako pumapayag. Ayoko ng commitment, hirap na'ko magtiwala ulit sa lalaki. Hindi ako nagyayabang, totoo lang sinasabi ko.  Honest lang. xp

--------------------------------------------------->>>>>>>>>>>>>>>>>>>

MEET THE BESTFRIEND, AALIYAH ^_^

My Hot and Naughty LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon