Chapter 29 - SMALL WORLD

1.7K 29 0
                                    

Chapter 29 - SMALL WORLD

* CLEOFE

Ng matapos na ako mag empake, tinawagan ko si Aaliyah para kumustahin . Bukas na kasi ang alis nila papuntang probinsya para magbakasyon at kasama ko si Ethan by that time kaya hindi ko sya makikita ng matagal.

"Bez kumusta?" biglang nagsisisigaw sa phone si Aaliyah kaya medyo nilayo ko muna sandali sa tenga ko.. ng wala na ako'ng marinig, binalik ko ulit..

"Kailangan sumigaw?! Nabingi ako dun ah! Oo nga kaya nga ako tumawag! Hindi ko nga maalala ano nangyari.. Paggising ko andito na si Eros sa tabi ko!" maya't maya tumitili na naman si Aaliyah at nilayo ko na naman ang cellphone sa tenga ko

"Hihinahon ko ba o papatayin ko na to? Wala! Walang nangyari no! Ang kulit ah! Sasabihin ko naman kung meron! Tsaka may damit pa ako paggising ko, yung suot ko kagabi ! Oh talaga?! Shit nakakahiya bez! " medyo mahaba haba pa pinag usapan namin, 30 minutes din ata kami'ng nag uusap.

According to my bestfriend Aaliyah, nalasing daw kami'ng lahat pero pinaka nagwala ako. Tapos dumating daw si Eros nakipagsuntukan dun sa guy na kasayaw ko. Baka siguro minamanyakis ako hindi ko na napapansin sa sobrang kalasingan. Si Eros din daw naghatid sa'kin pauwi. Wow. So dapat pala talaga nagpa thank you nalang ako kaysa sinungit -sungitan ko pa sya. Matawagan nga ang ungas na yon bago pa makadating si Ethan dito.

Nasa sala na ako ngayon, hinihintay nalang si Ethan. Tinawagan ko si Eros. Sa unang beses di nya sinasagot, pangalawang beses wala pa rin. Pangatlo? Hmpf. Galit siguro. Di na nga bale!tsk

ilang sandali pa narinig ko ng bumusina sa labas ng bahay si Ethan.

"Ma alis na po ako andyan na si Ethan!" hinatid ako ni mama sa labas at sinalubong si Ethan

" Oh mag iingat kayo ha. Tatawag kayo sa'kin pagdating dun. " bilin ni mama sa amin

"Yes tita, don't worry." assurance ni Ethan sa mama ko

Nilagay ni Ethan sa likod ng sasakyan nya ang mga gamit ko tsaka na kami tuluyang umalis.. On the way sa hotel, nag ring ang phone ko. Fudge! Si Eros! I ended the call, mahirap sya'ng kausapin ng matino, nakakahiya naman kay Ethan. wala pa'ng isang minuto tumatawag ulit! napatingin ako kay Ethan..

"why don't you answer it?" pagtataka siguro nya bakit hindi ko sinasagot ang cellphone

"Ah eh.. di naman importante.. hehe" i sent a message instead of answering Eros' calls

To: EROS

Can't talk. Ako nalang tatawag sa'yo mamaya.

Message Receive

From: Eros

Why can't we talk? Are you with that guy again?

To: EROS

He's not just some guy. And yes I am.

From: Eros

Whatever. Don't bother to call me again.

Hindi ko na nireplyan, nakakahalata na kasi si Ethan na iniiwas ko na makita nya ang tinitext ko. Ano naman problema nito? Sabi ko ng mamaya nalang eh, atat much?

----------------------------

*EROS

Tatawag tawag kasama naman pala yung unggoy na yun! Then I remembered what happened last night, when I told her i love her and she kissed me. I can't believe she doesn't remember a single of it! Magtatapat nalang kasi, sa lasing pa eh! ilang sandali pa nag ring na naman ang phone ko.. agad ko itong sinagot baka si Cleofe ulit!

My Hot and Naughty LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon