Chapter 30 - THREE IS A CROWD. FOUR IS CHAOS.

1.7K 24 0
                                    

Chapter 30 - THREE IS A CROWD. FOUR IS CHAOS.

*CLEOFE

right now i'm watching tv habang mag iisang oras ng nakaharap sa laptop nya si Ethan while talking to someone on the phone. Super busy naman pala nito. Buti nagkakaroon pa sya ng time na puntahan ako.

Kanina, kausap nya sa phone si Aubrey. Nagpa reserve daw ng late lunch yung bruhang yon sa baba tapos nagyaya din magswimming. I wonder kung sexy din sya like me. Pero hindi muna ako magswimming dahil tirik pa ang araw ayoko umitim, solohin nya ang pool at inumin lahat ng tubig dun!

Eto ako palipat lipat ng channel dahil wala ako'ng magustuhan na palabas. Ano ba yan! Tapos may naramdaman ako sa may puwitan ko! Ay naupuan ko pala cellphone ko nagvibrate! May text ako!

Message Receive

From: EROS

--- BLANK MESSAGE ---

Ano na naman kaya trip nito? osige wala naman ako'ng magawa, sakyan ko nalang trip mo!

Reply to : EROS

--- BLANK MESSAGE ---

Bilis naman magreply nito! Wala ba sialng magawa ng jowa nya??

From: EROS

Boyfriend mo na pala.

Reply to: EROS

Oo. Kayo na rin pala ni Aubrey.

Tapos hindi na sya nagreply! Oh diba napaka walang kwenta ng usapan namin, nasayang lang ang unli !

"Sino katext mo?" biglang sulpot ni Ethan sa likod ko. Nakayuko sya sa'kin nasa likod ng inuupuan ko

"Ay kamote! Wala.. Uhm, kaibigan ko lang.." sabay baba ng cellphone sa tabi ko

"Are you already cheating on me?" seryosong tanong nya sa'kin na sya naman'g kinagulat ko!

"W-what?? Ofcourse not!" nabulol pa tuloy ako sabay napatayo

"I'm just kidding!" sabay tawa nya'ng malakas

"It's not funny." sabi ko sabay upo ulit na padabog tapos bigla nya ko'ng niyakap mula sa likod, nakayuko pa rin sya dahil nakaharang ang upuan ko sa kanya

"I know you wouldn't do that to me." nung sinabi nya yun, naramdaman ko'ng nag skip ng beat ang puso ko. I wasn't cheating right? Ayoko lang ipaalam sa kanya ang tungkol sa amin ni Eros dahil magiging super awkward lagi sa tuwing magkikita kami'ng tatlo.

"Oo naman. Hindi ko magagawa yun sayo." yan nalang nasabi ko para mapanatag ang loob nya.]

Mayamaya, bumaba nakami ni Ethan kasi nga diba nagyaya yung plastik na bruha dun sa kabilang kwarto. Try lang nya ako pahiya ngayon tignan ko lang kung di ko sya lunurin sa pool.tsk

"Cleofe, i'll just meet someone really quick. Is that ok?" paalam sa'kin ni Ethan habang nakaupo pa ako sa labas, dun sa mga beach chairs malapit sa pool.. di ko kasi alam ano'ng table pinareserve nung burha tsaka hintayin ko na si Ethan dito para sabay kami pumasok

"It's ok, hintayin nalang kita dito.." i smiled and then he left. 

-----------------------------

*AUBREY

(Uy! 2nd POV ni Aubrey to ah?! Kailangan ko na talagang magawan si Ethan bago matapos ang istorya. eheh)

"Mauna ka na, susunod na lang ako.." sabi ni Eros sabay pasok sa banyo. So ok, mauna na nga ako sa baba. Ang daming arte sa katawan ni Eros!

My Hot and Naughty LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon