Chapter 5 - SECOND TIME AROUND

2.7K 34 0
                                    

Hindi naman kami masyado nag uusap ni Eros sa classroom, paminsan minsan lang. Nagpapansinan din pero saglit lang. Lagi kasi sya'ng dinudumog ng mga kaklase ko'ng babae. Pati yung mga may boyfriend na nakikipag flirt pa. Ako? Nahihiya ako'ng unang lumapit sa kanya, baka isipin nya gusto ko sya. Although type ko naman talaga sya, pero syempre pa hard-to-get dapat. Ang pride ko, hindi pwedeng bumaba para sa kaninong lalaki. Kahit kay Eros pa.

"Cleofe sama ka mamaya?" sabay upo sa tabi ko si Carl

"Saan?" tanong ko

"Coffee Acad."

"Pass muna ako, wala ako'ng pera eh."

"Ito parang bago ng bago, syempre sagot kita.."

"Sama ka?" tanong ko kay Rose

"Di naman ako invited, tsaka baka ikaw lang ilibre nyan." sagot ni Rose

"Hindi, sige sumama ka na rin Rose!" sabi ni Carl

"Sigurado ka? Pinopormahan mo lang si Cleofe eh!"

Nagbibiruan at tawanan lang naman kami. Wala pa yung next prof, CR muna ako.

Pagkalabas ko ng CR, nakaabang si Eros sa labas. Wala ako'ng balak pansinin, didiretso nalang ako ng classroom..

"Kumusta?" sabay titig sa'kin ni Eros

"Uhm, ok lang naman. Ikaw musta?" sagot ko

"Sama ka mamaya ha.."

"Kasama ka rin ba?"

"Bakit, ayaw mo?" nakangiting tanong sa'kin ni Eros

"Wala naman akong sinabi, meron ba?" ngiti ko rin sa kanya

Biglang lumapit sa'kin si Eros, napaurong ako hanggang sa mapasandal ako sa may pinto ng CR. Lalo syang lumapit hanggang sa magkaharap ang amin'g mga mukha. Ang mga labi nya, hayy pareho lang kaya ang lasa kung hahalikan nya ko ulit? Napapikit ako. I can't help but sniff him. Ang bango nya. Binuksan ko mga mata ko ng marinig ko sya'ng biglang tumawa.

"Did you just sniff me?" tawa ni Eros

"No." i lied

"Yes you did." ngiti nya'ng sagot

"You wish!"

"Mas maganda ka talaga sa malapitan" muling paglapit nya sa'kin

Ng biglang may dumaan na teacher at mabilisan kami'ng lumayo sa isa't isa.. Hindi ko na hinintay pa si Eros at dalidali na ako'ng bumalik sa classroom. Naramdaman ko'ng bumilis tibok ng puso ko kanina ah. Sigurado ako'ng nagblush ako. Hayy..Kinikilig naman daw ako!!! Sayang di natuloy!!! hahaha

After class pumunta at nagpaalam ako kina Aaliyah na hindi muna ako sasabay umuwi dahil nagkayayaan mga classmates ko. Ang usapan, magkita kita nalang sa Coffee Academy. Si Rose sumabay na kina Carl. Paglabas ko ng school, may pumaradang sasakyan sa harap ko. Si Eros.

"Get in." -Eros

Hindi na'ko nagdalawang isip pumasok sa sasakyan nya.

"Bakit di ka sumabay sa iba?" -me

"I was waiting for you."-Eros

"Why?"-me

Pero ngumiti lang si Eros. Maya't maya napapansin ko na iba ang daan na dinadaanan namin. Hindi kami papuntang Coffee Acad.

"Teka, saan tayo pupunta?"-me

"You'll see."-Eros

ilang sandali pa at tumigil ang sasakyan sa isang Chinese Restaurant. Pinagbuksan ako ng pinto ni Eros, kinuha ang kamay ko at dinala sa loob ng restaurant. Ang lambot ng kamay nya. As if naman hindi ko pa nahawakan (Refer to Ep1). Kusa ng umorder si Eros. Ako? Nagtataka pa rin bakit ako nandito.

"I made the orders. May gusto kapa ba'ng iba?"

"Ah wala naman..Eros? Anu'ng ginagawa natin dito??" 

"Bakit, mas gusto mo ba'ng pumunta sa Coffee Acad?"

"Eh diba, doon naman talaga ang usapan?"

"Hindi kita masolo sa school eh. Ito lang nakita ko'ng pagkakataon."

Masolo? Bakit gusto nya ko'ng solohin? Kilig naman daw ako. hehe. Dumating na mga order namin. Hmm. Mukhang masarap ah. Buti nalang mahilig ako sa chinese food. Naka chopsticks pa kami oh susyal diba? Susubo nalang ako ng biglang may babaeng lumapit kay Eros. May itsura, sexy, maputi.. 

"Hi there.." sabi ng girl kay Eros.

"Hey" sagot ni Eros

"You didn't call me back.."

"Sorry, just got busy.."

Makikipag flirt nalang sa harapan ko pa..

"Girlfriend mo?" sabay turo sa'kin

"My classmate.." pangiting sagot ni Eros

Classmate? Lang? Sabagay classmate lang naman talaga. Gwapo, matangakad, maputi, maporma, mayaman. What do you expect? A total playboy. Dibale, i'll play along. What do i have to lose diba? Nothing.

Una na ako'ng kumain kay Eros. Busy sya'ng nakikipagflirt, bahala sya. Wag ka'ng papahalatang affected Cleofe, wag. Pagkaalis nung flirt na babae sakto'ng tapos na'ko kumain. Akala ko sasali pa sya'ng kumain sa amin eh.

"Hindi na ba tayo susunod kina Carl? Kanina pa sila nagtetext eh.." -me

"Ayos lang ba sa'yo kung hindi na?"

"Sabagay late na rin.."

"Hatid nalang kita pauwi.."

Pauwi na kami. Himala kabisado pa ni Eros ang daan papunta sa'min. Sabagay madali lang naman puntahan ang bahay ko. Pumarada sa Eros sa tapat ng gate namin. Pinagbuksan nya ulit ako ng pinto ng kotse nya. Uy gentleman? ehe..

"Thanks. Ingat pauwi." c:

"Hindi mo na ba ako papapasukin sa loob?"

"Ah late na rin kasi, baka nagpapahinga na parents ko.."

Si Gab ang kahuli huliang lalaki na pinapasok ko sa bahay namin. Sya rin ang kahuli huliang guy na pinakilala ko sa parents ko. After him, wala na. Ayoko ng magpapasok pa ng lalaki, sa buhay ko. Papasok na'ko ng gate ng hilain ni Eros braso ko. Pinakatitigan nya ako, yung titig nya'ng nakakatunaw.. ng bigla nya ko'ng halikan. Simpleng halik lang tsaka nya hinawakan ang pisngi ko at tuluyan ng sumakay sa kotse nya nakangiti sa'kin. 

It was the second time he kissed me. And it was the second time I gave in. Si Eros, I guess he's a man of few words. Pero sa actions nya, talaga namang mamamatay ka sa kilig. Shet! sigurado'ng di nanaman ako makakatulog nito!

My Hot and Naughty LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon