Chapter 16 - THE BET

2.1K 29 0
                                    

Eto na, birthday na ni Lulu. Natuloy ang balak ng parents nya na sa Resort sya magcelebrate. Syempre, kami'ng solid friends maaga dumating. Kailangan tumulong maghanda para sa mga darating na bisita, moral support baga! Dalawang villa ni rentahan nila, yung isa para sa mga kamag anak at yung isa naman para sa mga kaibigan na darating ni Lulu. Bawat villa ay may dalawang kwarto lamang, malaki na yun! Mayaman sina Lulu, hindi lang halata kasi masyadong low-profile itong kaibigan namin. Turning 21 palang si Lulu, sya pinakabata sa aming lahat. Overnight ang party pero syempre hindi naman lahat mag i-stay. 

Maya't maya nagsisidatingan na ang mga bisita, hindi naman lahat sabay sabay.. Greet dun, greet dito. Nagbigay ng gifts yung iba, yung iba wala. Kami? Natural meron no! Ang sabi ni Lulu may mga classmates din daw sya'ng darating. At dahil napagod kami kakaayos, kaming tatlo nina Faye at Aaliyah ay nahiga muna sa isang kwarto habang busy si Lulu na nag-eentertain sa ibang bisita nya..

"Haay, may darating kayang papabols?" -Aaliyah

"Boring naman kung wala!" -Faye

"Oo nga! Sayang pa man din outfit ko kung sa mga girls lang ma eexpose ang beauty ko.." -me

Tabi tabi kaming nakahiga sa kama ngayon. Sa bawat isang kwarto may dalawang kama. Malamang kaming apat ang mag i-stay dito. Pero di rin natin masasabi, madalas kasi hindi naman nasusunod ang nakaplano. Depende sa kung ilan ang bisitang darating ni Lulu.

Nilamig ako.. Makalabas nga muna!

"Uy saan ka pupunta?" - Faye

"Nilalamig ako eh, magpapainit lang sandali sa labas.." -me

Medyo marami na rin pala ang bisita ni Lulu. Di ko kilala yung iba, hindi naman kasi nya pinapakilala mga kaklase nya sa'men eh. Tirik pa ang araw, excited na ko na mag gabi.. Para makapag swimming na kami, takot kasi kami mangitim. Skin conscious? haha! Tsaka for sure mas exciting ang party mamayang gabi dahil inuman na! hahaha mga bata, walang iinom ng alak hanggat di kayo umaabot ng college ha? XD

 Malapit ng bumaba ang araw, yung ibang bisita ni Lulu nagsialisan na. May iilang bisita na lalaki pero wala ako'ng type. Sina Aaliyah at Faye nagpapacute na sa ibang bisita ni Lulu.

"Uy andito ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap!" -biglang sulpot ni Lulu sa tabi ko

"Malamig sa loob eh, nagpapainit lang sandali.."-me

"Halika dali !!!" hila sa'kin ni Lulu

Dinala ako ni Lulu sa villa kung saan nag i-stay mga kamag anak nya..

"Matthew, you remember my friend Cleofe right?" -biglang pakilala sa'kin ni Lulu sa pinsan nya'ng pagkagwapo gwapo!

Matagal ko ng kilala pinsan ni Lulu, half british. Foreigner no? ehe. Bawat may occassion kasi andun sya. But we never had the chance to be introduce to each other kasi lagi nya kasama girlfriend nya.. Bakit kaya ako pinapakilala ni Lulu ngayon??

"Cleofe, this is Matthew my cousin. Uhm, why don't you entertain him first for me? Ang dami kasing bisita eh..and insan, sama ka muna sa'min dun sa kabilang villa. Puro oldies at kiddies andito, maiinip ka lang!" sabay hila sa'ming dalawa ni Lulu papunta sa kabilang villa

Nag ngitian lang kami ni Matthew, medyo nagkakahiyain din pero masyado'ng awkward kung magkatabi nga kami eh di naman nag uusap.. so I had to break the silence..

"Di mo yata sinama yung girlfriend mo?" -wala ako'ng maisip itanong eh!

"Girlfriend? Ah.. Wala na kami nun.." -smile lang nya

Ayun! Kaya pala biglang pinakilala sa'kin, single na pala. Ang swerte nga naman! hahaha. Wala man kami masyado'ng mapag usapan nito kaya sinenyasan ko si Aaliyah na lumapit, type nya rin kaya to'ng pinsan ni Lulu! Kahit gaano kapa kagwapo, kung walang chemistry, wala talaga. Oo nagwagwapuhan ako dito dati pero dati yun nung single pa ako. Teka! Single pa rin naman pala ako! haha. Pero hindi, try ko naman magpaka faithful para kay Ethan kahit di naman kami. Baka kasi karmahin ako at maghanap sya ng puti sa States.tsk

My Hot and Naughty LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon