Chapter 15 - TOTAL MAKEOVER

2.3K 27 0
                                    

Hay.. Wala na si Ethan, fly fly na back to the States.. huhuhu! Dibale, one month lang hihintayin ko.. At eto na naman ako, back to normal.. School.. Friends.. Etc.. Syempre kailangan makapag report ako sa mga dabarkads ko.. Lahat lahat ay sinabi ko na ng matahimik sila.. Mahirap yata ang kinikilig ng mag isa.. haha!

"Ang haba ng hair!" sigaw ni Faye

"Grabe ang landi mo girl, ikaw na!" dagdag pa ni Lulu

"Hindi ko kasalanan na pinapaligiran ako ng mga gwapo'ng lalaki.." pangiti ko na lang na sagot

"Eh pa'no si Eros?" -Aaliyah

"Paano sya? Wala! Anu'ng gagawin ko sa kanya kung sya mismo hindi nya alam anung ginagawa nya.." -me

"Sayang si Eros, kagwapo pa naman kaso playboy.." -Lulu

"Pero sino mas magaling humalik sa dalawa?" -Faye

"Girls!!! Pwede ba???"-me

"Kunwari ka pa dyan! Pareho'ng di mo boyfriend pero nakahalikan mo na, magmalinis kapa dyan!" -Aaliyah

"Ok.. di ko masasabi, kasi magkaiba sila eh.. Iba yung feeling alam mo yun?"

"Eh kung sabunutan kita dyan? Ang simple lang ng tanong, sino mas magaling humalik sa dalawa?!" -Aaliyah

"Sagot na! Dami pang chechebureche eh!"- Faye

"Hmm.. Si Eros?" sigawan silang lahat!!!

"Pero sino mas gusto mo?!" - Lulu

"Si Ethan." walang pagdadalawang isip ko'ng sinagot

"Talaga lang ah?" -Lulu

"Kung ako siguro nasa katayuan mo, kay Eros ako! Gwapo, mayaman, at magaling pa'ng humalik! hahaha" -Faye

"Mas type ko ang Ideal Boyfriend, Husband material. Kay Ethan na ako.. Hindi ka naman sasaya sa badboy type!" -Aaliyah

"Pag kasi si Ethan ang kasama ko, wala ako'ng iniisip. Kumportable ako sa kanya na masasabi ko lahat ng problema ko.. Kay Eros naman, laging may adrenaline rush ang pagkikita namin, alam mo yung lagi ka'ng excited kasi hindi mo alam anung pwedeng mangyari.. Napaka unpredicatable nya!"- me

"Pero diba mas maraming beses kayo'ng naghalikan ni Eros? First meeting nyo pa lang lapangan na.." bago pa tapusin ni Aaliyah ang sinasabi nya, tinakpan ko na ang bibig nya.. Dami kaya'ng nakakarinig!!!

"Sabi ko nga diba, sobrang magkaiba ang feeling. Syempre kung pipili na rin lang ako, dun sa alam ko'ng hindi na ako masasaktan pa diba?" -me

"Mukhang boring naman kasi love story mo kay Ethan eh! Eh kung kay Eros, lagi'ng may thrill !!" -Faye

"May nanliligaw ba sa dalawa?"

Natahimik ako sa tanong ni Aaliyah.. Oo nga no, anu ba'ng nangyayari sa'kin?! Bakit pumapayag ako'ng basta basta nalang halikan ng hindi ko naman boyfriend?? Ni hindi rin nanliligaw!

"Ay haliparot ka talaga!" -dagdag ni Aaliyah ng di ako makasagot..

"May nagsabi ba sa'yo ng I love you okaya kahit I like you man lang?" napakamot nalang ako ng baba ko

"Ay tanga! Isa ka'ng dakilang haliparot!"

"Eto naman kung makapagsalita ka!!!" -me

"Girl ginawa mo'ng easy-to-get ang sarili mo!"

"Pwede ba, bago ka pahalik pahirapan mo muna?" napayuko nalang ako sa lahat ng sinabi ni Aaliyah..

Tinamaan ako dun ah! Tama nga naman si Aaliyah, pinagmukha ko lang mababa ang sarili ko. So I've decided to get a total makeover!!! Shopping with the girls!!!

First stop- SALON. Lahat kami, nagpa hot oil, footspa, manicure & pedicure. Syempre alangan namang ako lang diba? Nagpa digital perm ako ng buhok, yung may malalaking kulot para hindi ko na kinukulot mag isa ang buhok ko. Dami ko'ng pera no?! hahaha isang buwang ipon yan plus kupit kay mudra! hahaha joke humingi ako no, masama ang kumukupit sa magulang! hihihi..

Second stop- MALL. Wardrobe changed! Yes mahilig ako magsuot ng sexy at medyo revealing.. Try namin natin ngayon ang pademure at wholesome. Yung tipong cute pa rin tignan at hindi magmumukhang manang! 

Lastly- MCDONALDS! Syempre nagutom kami no. Di naman pwede'ng puro alak o kape laman ng tyan namin! hahaha. naka double chesseburger and large fries ako w/ my favorite apple pie! yumyumyum..

Hayy.. Kamiss ang ganito, ang bonding moments with my girls. Nabusy kasi ako kakalandi eh! joke XD

"Birthday mo na next week Lulu! Anu balak mo?" tanong ni Faye

"Hindi ko pa alam eh.. Pero sina mama ang sabi baka daw mgrent nalang kami ng resort tapos overnight swimming with friends.."

"Uy maganda yun ah! Makakapag two-piece na rin ako sa wakas!!!" Sigaw ni Aaliyah

"Sino lahat balak mo imbitahan?" tanung ko

"Baket, gusto mo ba invite ko si Eros?" hahahaha -Lulu

"Edi mas maganda! At ng ma figure out nya na yang feelings nya'ng yan pag nakita nya'ng naka two-piece itong si Cleofe!" hahahaha -Aaliyah

"Tse! Asa naman kayo. Naka drugs lang yun kaya anu-ano pinagsasabi.. Mag invite ka nalang yung mga hindi pa namin nakikita!" hahaha-me

"Ang haliparot mo talaga! Akala ko ba'ng may Ethan kana?!" - Faye

"Wala naman sya ah! Isa pa, hindi ko sya boyfriend, ni di nga ako sinabihan na gusto nya ko eh.." totoo naman diba?!

Pero parang ok lang din naman kung invite ni Lulu si Eros. To be honest, hindi ko alam ano nararamdaman ko para sa kanya.. Oo nagustuhan ko sya nung umpisa pero after ng ginawa nya sa'kin, nawalan na lang ako ng gana sa kanya. Pero hindi ko magawang iwasan yung tao. Alam mo yung feeling na kahit ano'ng iwas gawin mo, lagi pa rin sya lumilitaw sa harap mo? Kung lang sana matino yung gagong yun baka sineryoso ko pa. Kaso hindi eh, self-claimed gwapo pa! Mahangin talaga!!!

My Hot and Naughty LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon