Chapter 21 - DETENTION

1.8K 26 1
                                    

Chapter 21 – DETENTION

Pagdating ko ng classroom, pansin ko agad na wala pa si Eros. Absent siguro. Mabuti nga, sana di muna sya pumasok dahil ayoko sya makita baka masampal ko na naman ulit yung gago! 

"Ano nanaman ba nangyari sa inyo ni Eros? Diba sabay pa kayo dumating ng school, ok pa lang kayo tapos biglang.." tanong ni Rose

"Hindi na talaga magbabago ang taong yun, kahit kailan playboy talaga.." sagot ko

"Sigurado ka ba? Sana pinakinggan mo muna explanation nung tao.."

"Kanino ka ba kampi?" biglang tayo ko

"Easy.. San ka pupunta?"

"CR, sama ka?"

"Hintayin na lang kita dito.."

Pagpasok ko sa cubicle ng CR, may narinig ako'ng mga babaeng dumating..

"Bakit kaya absent si Eros ngayon?" ..

"Siguro masakit pa yung ANO nya.. ikaw ba naman ang lalaki biglang tuhudin sa ANO diba?"

Teka, parang nabobosesan ko mga to ah.. classmates ko! Sina Jane!

"Kawawa naman, bakit kaya ginawa sa kanya ni Cleofe yun no?"

"May secret ako, wag mo sasabihin kahit kanino ha.." -Jane

"Oo naman, anu yun?!"

"Naghalikan kami.." kinikilig pa'ng boses ni Jane

"Ows totoo?! Ano'ng feeling? hehehe" kinikilig din na sagot

"Syempre masarap no! hahaha" 

"Eh akala ko ba nililigawan nya si Cleofe?"

"And so? Di naman sila no.."

Hindi ko na matiis to, lumabas ako ng cubicle at bakas sa mukha ng dalawang classmates ko ang pagkabigla..

"Cleofe andyan ka pala.."

"Alam ba ng boyfriend mo ang ginagawa mo ha?" sumbat ko kay Jane

"Baket, magsusumbong ka? Go! Sinong tinakot mo?" malditang sagot ni Jane sa'kin

"Sorry, hindi ako tulad mo na naninira ng relasyon ng ibang tao kaya hindi ko gagawin yun.." sagot ko

"Naninira ng relasyon? Baket, kayo na ba ni Eros? hindi pa naman ah!"

"Since last year magkaklase na tayo.. Oo nga hindi tayo close pero diba kahit sana respeto man lang sana sa'kin ang hindi mo landiin si Eros?"

"Alam mo Cleofe, sa totoo lang naiinis ako sa'yo. Akala mo kasi sino ka'ng maganda.. Paimportante ka masyado.. Akala mo lahat ng lalaki magkakagusto sa'yo.."

"Kung may problema ka sa'kin noon pa Jane, sana sinabi mo na.. Kailangan ba talagang ibaba mo sarili mo dahil lang sa insecurities mo?"

"Ang feeling mo naman Cleofe! Hindi lahat naiinsecure sa'yo.. Unang una kung seryoso sa'yo si Eros hindi sya makikipaghalikan sa'kin knowing na may boyfriend na'ko.. But no, we both enjoyed the kiss..."

"Nakakaawa ka Jane.. Kahit gaano ko kagusto ang isang lalaki, kung may boyfriend man ako hindi pa rin ako manloloko.. Yun ang kinaibahan natin.. If you cant stick your lips to one person, then don't commit! It's as simple as that.. But I guess hindi mo naintindihan ang sinabi ko, english kasi eh no?"

"Tangina mo!"  sabay sabunut sa'kin ni Jane

Nagsabunutan kami sa loob ng CR, habang pumipigil yung isang classmate namin.. Dumating si Rose at ibang classmate namin na girls, yung iba pumipigil yung iba nanunuod lang.. Hanggang sa ayun, eto ako ngayon nasa Dean's office kasama si Jane.tsk

My Hot and Naughty LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon