CHAPTER 01

138 87 71
                                    

CHAPTER 01

***

Nagising ako sa tunog ng alarm ko sa phone ko. Nag alarm na ko para maiwasan ang traffic mas okay na ung maaga 'ko kesa naman na ma-late na naman ako sa traffic. Sa coffee shop malapit sa clinic na lang ako mag iintay ng shift ko.


I'm just wearing my blue scrub suit and white rubber shoes inipit ko na lang din ung buhok ko in high pony tail and wear my specs. Bitbit ko na ung bag ko nakita ko pa ung lola ko na ngayon pa lang mag luluto ng breakfast.

"Inay, matulog pa kayo sa labas na lang ako mag breakfast maaga pa naman."

Lola being the best lola, pinagbaon pa din niya ko ng sandwich kasi baka mahimatay pa daw ako habang nag dadrive. Hindi na talaga maalis sa isipan nila ung pagiging himatayin ko.

"Inay alis na ko"

"Ingat ka ne, magdasal muna"

I start the engine of my car. Dumaan din muna ko sa gasoline station para mag pa gas. Siguro next time sasabay lang din ako sa shuttle para naman di sayang ung gas ko at makapag pahinga din ako.

Maaga ako dumating sa coffee shop. Konti lang din ung tao since ang aga pa, mga estudyante na nag rereview at mga pauwe pa lang galing sa shift sa call center. Pumunta na ko sa counter and nag order.

"1 caramel macchiato, grande and 1 croissant" sabi ko sa cashier.

Pag kakuha ko mg order umupo na lang ako sa medyo dulo na ng coffee shop. Nag update na lang din ako kay Joshua na nasa coffee shop ako sabay picture sa lugar at sa sarili ko para mapakita ko na mag isa ko at walang kasama. Ako lang ata ang may boyfriend na ganto.

Napatulala ako habang nag iisip sa relasyon namin ni Joshua. Worth it pa ba na ilaban ko ang meron kami? Mahal ko pa ba siya dahil mahal ko siya o nasasayangan na lang kami sa tagal ng relasyon namin? Baka naman takot lang ulit ako na mag-isa, kaya kahit nasasaktan na ko hinahayaan ko lang? Yan ang mga pumapasok sa isipan ko ng biglang nag ring ung phone ko.

Incoming call "Best"

Hindi ko alam kung sasagutin ko, kasi baka pag sinagot ko malaman ni Joshua. Dahil nag seselos si Joshua kay Benedict, iniwasan ko lang naman ang best friend ko para kay Joshua ung best friend ko na kasama ko for 4 years.

"Hello best?" namiss ko un marinig ung may tumawag sakin ng best. Nakakaiyak naman, nakaramdam ako ng guilty since nilayuan ko siya ng wala man lang explanation.

"Oi best, andyan ka ba o baka si Joshua to? Kung si Joshua man to wag ka papakita sakin ha! Gago ka! An-"

Di ko na pinatapos sasabihin niya

"Best ako to, wala din si Joshua dito bakit ano ba nangyari? May ginawa ba si Josh sayo?"

"Sakin wala, sayo meron ano akala mo sakin hindi nababalitaan lahat ng nangyari sayo. Alam ko lahat best."

Nagulat ako sa sinabi niya kasi sa loob ng halos 4 yrs na relasyon namin ni Josh ngayon lang ulit kami nag usap. Hindi kaya alam din niya na... Hindi niya pwede malaman yun.

"Lahat? Ano sinasabi mo?"

"Best, lahat alam ko lahat lahat akala mo ba hindi sasabihin sakin ni Sheena? Best tarantado yang Joshua na yan! Mas masahol pa sa demonyo yang boyfriend mo! Hiwalayan mo na yan o sasabihin ko kay tita lahat ng hindi niya alam. Sinasaktan ka niya! Hinayaan kita kasi kala ko masaya ka dyan at iniingatan ka pero pag katapos ko malaman lahat, tingin mo pababayaan kita?! Gumising ka! Andito naman ako hindi naman ako nawala!"

Tumulo ang luha ko nung narinig ko yan sa kanya. Ano na gagawin ko ngayon, bakit hindi ko makita ung nakikita nila. Bakit di ako makabitaw.

Binaba ko ung call bago pa siya makapag salita ulit, ayoko marinig niya ung pag iyak ko.

Pumunta ko sa rest room para ayusin yung sarili ko. Niretouch ko ung powder ko at nag lagay na lang ako ulit ng liptint. Panay ring din ang cellphone ko kaya pinatay ko na lang, kelangan ko mag focus sa trabaho ko.

Dumiretso na ko sa clinic after ko mag ayos.

Ni ready ko na din ung room and materials na gagamitin ko for the therapy habang nag iintay ako ng client namin.

"Hi Ava, I am Teacher Ashley" pagpapakilala ko, Teacher ang tawag samin dito sa clinic.

Ava, is a child with limited verbal skills and had a difficulty in social interactions. 4 hours ang tagal per ABA session 5 days per week kaya focus talaga kami sa growth ng mga bata her session is from 8:00 AM to 12 PM.

Nag simula na yung session namin

After ni Ava may isa pa ko client after. Dalawa lang ang session ko every day 1 sa umaga at 1 sa hapon since 4 hours ang actual session ng bata kung walang ibang factors ang mangyari during the session.

Dahil sa work nawala sa isip ko ung mga sinabi sakin ni Best. After work, dumiretso ako sa mall, ayoko muna umuwe. Gusto ko muna mapag isa para makapag isip isip ako. Naiisip ko din naman na makipagbreak nung mga panahon na may hindi ginawa si Josh sakin, lalo na nung every month na ko nasasaktan physically. Pero kapag binabanggit ko na yun kay Josh lalo lang ako sinasaktan at tanga ako kaya umabot kami ng gantong katagal.

Bibitaw ba ko o ilalaban ko pa kasi baka mag bago naman siya e, baka mabago ko siya pero ilang taon ko na din to sinasabi sa sarili ko.

Habang nasa byahe ako pauwe hindi pa din mawala sa isipan ko ang tungkol samin ni Joshua.

Ayoko matapos tong araw na to na hindi ako nakakapag decide.

Binuksan ko ung phone ko para makita kung sino ung mga nag message.

2 messages from: Best

"Best, ayaw ko lang ng ginaganyan ka alam mong nangako ako kay tita na ako ang mag babantay sayo habang malayo sila ng papa mo. Alam ko na sasabihin mo na wag ako makigulo sa inyo, pero best hindi ba ilang taon naman ako hindi nakigulo kasi akala ko masaya ka pero pag ganyan best ay aabangan ko talaga yan sa sakayan nila. MAG ISIP KA!"

" Madami pa dyan best. Ako nga e nakahanap ulit ng gf. Ikaw pa kaya. Hindi ka mag hahanap, mahahanap ka niya"

Hindi na lang muna ko nag reply since ayoko nga muna ng kausap.

14 messages from: Baby ❤️

"Ano wala na namang update?"

"Hahanap na ko ng iba kung ganyan ka lang din naman"

"Gago"

Yung mga sumunod na message puro mura, panlalait at kung ano pang pambabanta ang nabasa ko.

To: Baby
From: Ashley

"Ayoko na, mag hiwalay na lang tayo"

sent.

Shit! Na send ko. Napaiyak na lang ako sa sinabi ko, natakot ako. Natatakot ako mag isa. May tatanggap pa ba sakin?

Pinatay ko ung phone ko nung nakita ko na tumatawag si Josh. Wala akong lakas na makipag usap sa kanya o kung kanino man. Pagod na ko pagod na pagod na ko.

***

ABA means Applied Behavior Analysis.

ABA is important, it is known to be the best practice treatment for children with autism, the intervention has been studied through extensive and credible scientific research. This research has led to the finding that ABA is effective at helping children with autism in a variety of ways from reducing challenging behaviors, improving self-care and life skills, and supporting the child's social and communication skills to help them improve their overall quality of life.

Unseen BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon