CHAPTER 15

43 34 52
                                    

CHAPTER 15

***

Tumayo na ko sa pagkakahiga sa buhanginan. Habang si Ryden, pinagmamasdan pa din ang buwan.

"Tara na! Baka hindi ka gumaling" sabay abot ko sa kanya ng kamay ko, naalala ko na nilalagnat nga pala siya kanina.

Inabot naman niya ang mga kamay ko. "Thank you Ash, kasi nakilala kita." bigla ako napalingon sa sinabi niya.

"Ikaw ata lasing e! Kung ano-ano na sinasabi mo e." sagot ko naman sa kanya. Ngayon lang ata may nag pa salamat dahil na kilala nila 'ko yung iba kasi nagsisi nung nakilala ko. Nagulo daw buhay nila nung nakilala ko e.

He walk towards me, he put his arms around me and give me a warm hug. Then he whispered in my ear "I will make sure, you will see your worth Ashley. I will be your light in your darkness." then he just walk away.

Ang hilig din talaga ng lalaki na to na mag sabi ng mga ganun tapos iiwan ako dito na tulala dahil sa mga words niya!

Napahawak ako sa dibdib ko ng dahil sa bilis ng tibok ng puso ko." Wag ka ganyan! Umayos ka ng tibok! Ayoko ng ganyan, tandaan mo nasaktan ka na noon!" bulong ko sa puso ko.

Pag pasok ko ng kwarto nakita ko sa may balcony si Russel, umiinom mag isa. Naisipan kong lapitan siya para makapag usap na din kami. Hindi naman habang buhay ay kaya ko siyang iwasan lalo na at workmate kami.

Umupo ako sa ka tapat ng upuan niya, sabay kuha ng isang bote ng Smirnoff. Mukhang hindi na naman siya na gulat sa presensya ko.

"Usap na tayo?" Tanong sakin ni Russel..Tumango naman ako bilang pag sagot.

"Hindi ko alam kung pano mag sisimula. Actually matagal na kitang gusto sa totoo lang pero yun nga hindi ko alam if gusto lang ba kita bilang tropa o higit pa dun, tsaka di ba nga may girlfriend ako nun. Pinigilan ko naman e. Kaso wala lakas lang talaga ng personality mo sakin tumatak dito, sa puso at isip ko." he said seriously.

"Bago ang lahat Russel, kaya ka ba nakipag hiwalay sa girlfriend mo d-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko

"No, you are not the reason why we broke up if yan ang itatanong mo. Matagal na naming problema yun. Tsaka siya ang nakipag hiwalay sakin hindi ako."

"Pero bakit yun ang sinabi mo sakin last time na wala na kayo ni Khate kasi nahulog ka sa iba?" I just want to clarify it one last time.

"Kinakabahan kasi ako hindi ko alam paano ko sasabihin sayo na gusto kita, ewan ko ba bakit yun ang lumabas sa bibig ko. Ayoko din naman na sabihin pa ang rason kung bakit kami nag hiwalay ni Khate because I still respect what we had."

Mabuti na yung malinaw, ayoko ng mga third party issue na yan.

"Russel, Alam mo naman na hindi pa ko ready ulit di ba? Tsaka hindi mo pa ko ganun ka kilala. Good side ko lang siguro ang nakita mo pero kung sino ang nakilala mong Ashley hindi ko alam kung yun ba talaga 'ko. I can't reciprocate kung ano nararamdaman mo for me, all I can offer right now ay yung friendship na meron tayo. I hope you understand." pag papaliwanag ko ng side ko. Straight forward akong tao ayoko ng may paligoy-ligoy pa.

"I understand, pero sana hayaan mo lang ako sa kung ano ang nararamdaman ko. Hayaan mo lang na iparamdam ko sayo kung ano man nararamdaman ko. Hindi ako humihingi sayo ng approval mo sa bagay na to kasi gagawin ko pa din kahit ayaw mo. Wag mo lang ako itulak at iwasan. Hayaan mo 'ko subukan na gibain yang pader na nakaharang sa puso mo." he said with so much sincerity.

"Ayoko lang na masaktan ka pag dating ng araw dahil kahit ang pag giba ng isang pader ay nakakasakit at nakakapagod din. Hindi mo pa alam kung ano ang makikita mo sa kabilang bahagi ng pader, baka masayang ang effort mo dahil puro dissapointment ang makita mo." sagot ko sa kanya.

Kahit ako hindi ko din alam kung ano ang nasa kabilang bahagi ng pader. Matagal kaming natahimik pag katapos kong sabihin yun.

"Ash, walang nag mamahal na hindi ready masaktan. We learn something from everyone who passes through our lives. Some lessons are painful, some are painless. Pero lahat yun priceless. Kahit ano mangyari, you are worth it kahit na pain pa kapalit."

Natapos ang usapan namin ng wala ng umimik samin after ng sinabi niya. Dahil totoo naman yun e we cannot learn without those pain.

Mabilis dumaan ang mga araw at huling buong araw na namin dito sa Palawan. Bukas ng hapon ang flight namin pabalik. Gusto ni Kia na uminom ulit but this time kasali na daw dapat si Ryden.

Hindi naman tumanggi si Ryden pero hindi daw talaga siya mahilig uminom talaga.

"Okay lang yan Engr.! Sasaluhin ka ulit ni Ashley or baka si Russel din kasi mabait yang tropa naming yan e." sagot ni Kia

Napailing na lang kami pareho ni Russel dahil mukhang ganun nga ang mangyayari. Dati si Kia lang ang sinasalo namin sa mga shot dahil kahit ang hilig niya mag inom ang baba naman ng alcohol tolerance niya.

Nag lalakad lang kami papunta sa bangka na ni rentahan namin dahil gusto nila mag island hopping, gusto ko din naman kahit hindi ako marunong lumangoy.

Nag simula na ang tour namin medyo malakas ang alon ng dagat. Kaya ayun si Russel nakapikit lang dahil nahihilo daw siya, si Kia naman panay picture lang at si Ryden as usual tahimik lang.

"Bat pag mag kakasama tayo ang tahimik mo, pero pag ako lang kasama mo madaldal ka din naman?" pag basag ko sa katahimikan niya.

"Ganto lang talaga ko. Kinikilala ko kasi muna talaga ang tao bago ako mag open up. Ikaw kasi ang unang nag open up, kaya hindi ka mahirap kilalanin." sagot naman niya.

Tumango na lang ako bilang pag sagot. "Nakita ko kayo nag uusap ni Russel nung nakaraang gabi." kala ko tulog na siya nun.

"Mukhang malalim pinag uusapan niyo kaya hindi na ko sumingit sa moment niyo." natawa naman ako sa pag kakasabi niya ng moment.

"Hilig niyo mag singitan ano?" pag tatanong ko sa kanya.

"Anyway, nag usap lang kami about sa matagal ko ng iniiwasan na topic and actually naging maganda naman ang usapan namin." pag papatuloy ko.

"And?" tanong naman niya na parang nag iintay pa siya na may sabihin pa ko, ano pa ba gusto malaman nito ayoko naman ikwento lahat kasi syempre I respect Russel and our conversation together.

"And? that's all. The end. Confidential topic yun. Wag kang chismax" pabiro kong sabi sa kanya.

May sinabi pa siya pero masyadong malakas ang hampas ng alon sinabayan pa ng malakas na hangin kaya hindi ko narinig. Tinanong ko siya kung ano sinabi niya kaso hindi naman siya sumagot at ngumiti lang kaya hinayaan ko na lang.

Unseen BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon