CHAPTER 09

54 56 83
                                    

CHAPTER 09

***

Tumigil kami sa tapat ng Public Cementery. Yes, I'm here to see my angel.

"Intayin mo na lang ako dito, saglit lang ako."

"Wait Ash, sasama ko."

Sumunod lang sakin si Ryden, dumaan muna ko sa malapit na flower shop at bumili na din ako ng kandila at posporo.

We are just walking side by side papasok ng Cementery.

"Do you find it peaceful here?" pag tatanong ko kay Ryden.

"Peaceful in the sense na tahimik but still it's scary na pumasok dito mag-isa."

"Maybe it's peaceful for those who rest here. Pero hindi sa mga taong naiwan nila. Sana may visiting hour ang heaven ano."

I just stop nung nasa puntod na kami ng Angel ko, na gulat din ako na nandun si Josh.

"Ui." bati sakin ni Josh.

"Why are you here? Ngayon ka lang dumalaw ulit dito." pag tatanong ko sa kanya. Hindi niya ginagawa to unless sinabi ko, sapilitan pa lagi na parang di niya anak ang nakalibing dun.

"Ngayon lang ulit, since nung nag hiwalay tayo. I just remember na lagi mo ko pinipilit na pumunta dito na hindi naman dapat. May kasama ka pala." sabay lingon niya sa likod ko at tinignan lang si Ryden, isang titig na alam ko ang ibig sabihin. Titig na kung kami pa malamang nasaktan na ko.

"He is my friend Ryden. Ryden si Josh ex ko, tatay ng angel ko." pag papakilala ko naman sa kanilang dalawa.

"Alis na din ako." pag papaalam ni Josh may binulong pa siya kay Ryden pero 'di ko narinig. Tinulak pa niya si Ry ng bahagya.

"Ano sabi sayo?" pag tatanong ko kay Ryden, baka kasi mamaya kung ano-ano na naman ang pinagsasabi ni Josh.

"Wala yun. Ingat daw" yun ang sabi ni Ryden but I don't believe him. Alam ko when people are lying. Hinayaan ko na lang din kasi baka pag nag tanong pa ko ulit kasinungalingan lang ulit sasabihin niya.

"Ryden meet Jessica Ashley, baby namin"

"Jessica Ashley so babae pala siya."

"Actually we don't know kung ano ang gender niya. Josh and I had a dream before few days after mawala ni baby."

"Dream about?" curious niyang tanong.

"I had a dream na may tumatawag sakin na mommy tapos ung boses niya boses ng isang babae. Then Josh had a dream about us holding a little girl na kamukha naming dalawa. Kaya naisipan namin na dinalaw kami ng angel namin, tapos babae. Kaya ayun Jessica Ashley"

"Did you dream about it again?"

"Alam mo I always wanted to dream about it again, Pero nung nag decide na kami ng name niya hindi ko na ulit narinig yung boses niya kahit sa panaginip lang."

I just sit there and talk to my Angel for a few minutes dahil hindi naman kami pwede mag tagal dito.

"Jessy, uuwi muna ulit si mommy ha. Guide us always ha. Till we meet again."

Lumingon ako kay Ryden na naka tingin lang sakin. "Hindi mo ba kakausapin ang baby ko?" pag bibiro ko sa kanya.

"I already did." he answered me back.

"Really? What did you say?" out of curiosity lang, bakit ba baka mamaya sinisiraan na ko nito sa baby ko e.

"Secret samin lang yun. Respect our private conversation. Tsk." aba at may pa secret pa sila ngayon.

Unseen BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon