CHAPTER 26

13 4 1
                                    

CHAPTER 26

***

Katatapos lang ng pag uusap namin ni Ashley, ano kaya problema? Bakit niya kaya ako pinapatigil na manligaw.


"Ma! Balik muna ko sa bahay."


"Ha? Gabi na. Bukas ka na bumalik, mahirap na mag-drive ng gantong oras."


Alam ko naman na hindi ako papayagan ng nanay ko pero kasi naman, ano ba kasi ang problema ni Ashley bakit pinapatigil na naman niya 'ko manligaw?


Baka naman umatake na naman yung mga negative thoughts niya, tuwing nag kakaroon ng anxiety attack si Ashley lagi niya tinataboy ang mga tao sa paligid niya at kauna-unahan na ako dun.


Si Ashley kasi parang bomba yan na bigla na lang sasabog. Hanggat kaya niya iipunin lang niya lahat, hindi yan hihingi ng tulong at ang nakakainis pa ayaw niya na tulungan ko siya.


Mahal ko talaga si Ashley, lahat ng tungkol sa kanya kahit na yung mga hindi magaganda at nakakabugnot na ugali niya ay minahal ko din.


Hindi naman kasi mahirap mahalin si Ashley. Minsan nga sa sobrang dali niyang mahalin nakakainis na din dahil ang daming gusto sumingit sa pila pero sorry sila nasa unahan na ko at hindi ako mag papasingit sa kung sino.


Mahirap na din baka kung kanino lang mapunta si Ashley at lalo lang siya madurog.


Kanina pa ko tawag ng tawag kay Ashley hindi naman na sagot, kanina ko pa din pinipilit na matulog pero hindi talaga ako tinatamaan ng antok.


Maiiyak ata ako pag nag kita kami bukas tapos kapag sinabi niyang ayaw na niya talaga ko manligaw.

5:00 AM pa lang ng umaga ay umalis na ako para makabalik na agad at maka-usap si Ashley, malapit na ko sa bahay at alam ko tulog pa siya ng mga oras na ito pero bahala na iintayin ko na lang siya magising hindi na kasi talaga ako mapakali hindi na nga ako na ligo makausap lang siya.

"Nay." tawag ko sa lola ni Ashley ng makita ko ito sa labas ng bahay nila, nag mano ako agad nung nakita niya ko.


"Oh! Ang aga mo naman tulog pa si Ashley, may lakad ba kayo?" tanong ng lola niya.

"Wala naman po, mag uusap lang po kami. Intayin ko na lang po siya gumising, okay lang po ba?"

"Ay! siya sige, tumaas ka na doon at mag aayos lang ako ng aking mga halaman wag mag lock ng pinto ha" bilin ni Inay.

Hindi lang naman kay Ashley ako naging close e pati na sa pamilya niya.

Dahan-dahan ko binuksan ang pintuan ng kwarto ni Ashley at gaya ng bilin ni Inay ay hindi ko na sinara ang pinto ng kwarto.


Unseen BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon