CHAPTER 06

61 64 86
                                    

CHAPTER 06

***

Nagising ako na masakit ang ulo ko. Iniisip ko kung paano ako nag end up sa kwarto ko. Inaalala ko lahat ng nangyari kahapon. Napasapo ako sa ulo ko ng maalala ko na kwenento ko ang mapait kong past kay Engr.

"Shet! Ano ba iniisip ko!" kinuha ko cellphone ko at balak ko na sana mag message kay Engr. pero naalala ko na wala nga pala ko number niya. Dahil si Russel ang may contact niya.

Nag madali na ko mag ayos dahil balak ko mag byahe na lang dahil parang mabibiyak ang ulo ko sa sakit.

Suot ko ung scrub suit namin and white shoes. Nag high pony tail na lang ako at sinuot ko din ang specs ko. Bitbit ko na pag baba ang tote bag ko pati na din ang hydro flask ko, nag salin lang din ako ng warm water dun at nilagyan ko ng lemon, cucumber and honey.

"Inay alis na ko."

"Kakilala mo pala yung nakabili ng bahay ng tita mo. Mamaya mag dala ka ng ulam doon at nakakahiya naman at pinag drive ka pa."

Dahil sa sinabi ni inay naalala ko na naman ang mga pinag sasabi ko iniisip ko pa kung ano yung huli niya sinabi kaso di ko talaga naintindihan e.

Kelangan umalis na 'ko agad at baka maabutan pa ko ni Engr. na nag aabang ng Jeep. Wala ako mukhang ihaharap ngayon.

Mag babago na ko ayoko na ng alak. Hindi na talaga 'ko iinom pa! Itaga ko pa sa bato.

Pag labas ko pa lang ng gate...

"Hi Ash" bati sakin ni Engr.

"Ay! Palaka ka" nagulat ako e, bakit kasi bigla bigla to sumusulpot.

"Ui Engr.! Kamusta?" bati ko na lang sa kanya.

"Una sa lahat hindi ako palaka, pangalawa sumabay kana sakin at mukhang ikaw naman ang commute ngayon." sagot niya sakin.

Hindi ko napansin na nakasandal pala siya sa isang sasakyan. Nakasuot lang siya ng Black Tshirt pair with maong pants and black na vans.

"Wag na Engr. nakakahiya e" gusto ko man sumabay pero may hiya pa din ako ano tsk. Tsaka iniisip ko pa lang na ang dami ko sinabi ka gabi nahihiya na talaga ako.

"Sige na para wala na 'ko utang na loob, ilang beses na 'ko nakisabay sayo nahiya ka pa"

Tumango na lang ako dahil mukhang ipipilit pa din naman niya dahil sa utang na loob na sinasabi niya. Hindi ata to nakakatulog dahil dun e.

Tahimik lang ako habang focus siya sa pag dadrive ng maalala ko ulit ang mga sinabi ko.

"Engr. yung kagabi pwede satin na lang yun." nagaalala ko na baka makalabas yun, hindi ko pa naman siya ganun ka kilala para pag katiwalaan siya sa story ko.

"Wag ka mag isip ng mag isip. It's not my story to tell. Thank you for sharing your story."

Ngumiti na lang ako, dahil di ko na alam ang sasabihin ko. Ngayon lang ata dumaldal si Engr. ng ganyan.

Tumigil siya sa entrance ng clinic. Pababa na sana ako ng sasakyan...

"Ash, breakfast tayo." alok niya sakin.

Tumango na lang ako since yun din naman ang plano ko.

"Gusto mo Engr. bili na lang tayo sa karinderya? Tapos sa clinic na lang tayo kumain?" tanong ko sa kanya wala kasi ako sa mood kumain sa coffee shop ngayon. Gusto ko ng kanin.

"Okay lang naman, pabor pa nga e mas tipid. Kala ko di ka na kain sa ganto e." sagot naman niya sakin.

"Ate Zeny! Dalawang fried rice, 2 itlog, 2 skinless longganisa" order ko kay Ate Zeny kilala na ko dito dahil dito kami bumibili lagi ng Lunch.

Unseen BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon