CHAPTER 13

46 36 57
                                    

CHAPTER 13

***

Madaling araw pa lang gising na ko kaya andito lang ako sa may balcony, Nag check lang ako ng mga emails at mga inquiry sa clinic. Sayang binabayad samin kung di kami mag tatrabaho.

Nagulat ako ng may nag lapag ng coffee sa table.

"Aga gumising ah!" bati ko kay Russel.

"Hindi ako makatulog ng ayos pag hindi sa kama ko." sagot naman niya.

Sumilip naman siya sa ginagawa ko.

"Tumatakbo ka ba for employee of the year?" pagbibiro niya.

"Sira! Kung di naman ako gagawa nito. Ikaw naman gagawa. Wag kang ano dyan.. Minsan lang to, next time ikaw na ulit." tumango naman siya bilang pag agree.

Tahimik lang siya sa tabi ko, malalim ang iniisip. Mas maigi nga na tahimik siya pag kami lang dalawa. Baka mamaya may masabi na naman siya e. Tulog pa naman si Kia para sumingit sa usapan at sagipin ako.

Nag focus na lang ako sa ginagawa ko, ng mapansin ko ang oras, 9:30 A. M. dapat ready na kami. 7:26 A. M. na ang bagal pa naman kumilos ni Kia.

"Una kana maligo, gigisingin ko pa si Kia." basag ko sa katahimikan na bumabalot samin ni Russel.

"Ako na gigising kay Kia. Saglit lang naman ako mag-ayos. Ang tagal niyo kaya kumilos."

Gaya ng sabi ni Russel nauna na ko nag ayos. Nakasuot lang ako ng plain black mini dress short sleeves at nude heels. Kinulot ko lang yung dulo ng buhok ko para mag karoon naman ng volume. Nag lagay na din ako ng light make-up para ma complete ang look.

Napansin ko na tulog pa din si Ryden kaya naisipan kong gisingin na baka pumunta na sila sa site ngayong araw na to.

"Ui Ry, gising na!" hinawakan ko pa siya sa braso para magising pero pag hawak ko naramdaman ko na mainit siya "Huy! Nilalagnat ka!" pag inform ko sa kanya nung nakita ko na gising na siya.

"Okay lang yan." halos pabulong na sambit niya.

Kinuha ko ang bag ko at hinanap ang first aid kit ko. Nag decide ako na bumili na lang ng pang breakfast, para makakain na itong isang to at makainom na ng gamot.

"Inumin mo to pag kakaen mo. Bibili na lang din ako ng breakfast. Pupunta ba kayo sa site ngayon?" tumango naman siya bilang sagot sa tanong ko. "Gusto mo sabihin ko kay Sir Travis na may sakit ka?"

"Wag na kaya ko naman, gamot lang katapat nito. Thanks"

"Oh dalhin mo na to lahat, para pag may masakit sayo. May pang pahid din dyan at inhaler if sumasakit ulo mo o nahihilo ka." pag abot ko sa kanya ng first aid kit ko.

"Wow girl scout" nakuha pa talaga mag biro ng isang to.

Nag palit muna ko ng slippers at inipit ang buhok ko dahil baka pag pawisan ako. Lumabas muna ko para bumili ng pang breakfast namin. Nag hanap pa talaga ko ng lugaw para kay Ryden, ang layo tuloy ng narating ko.

Pag dating ko sa airbnb namin ni ready ko na lang yung pag kaen namin. Nilagay ko na lang din sa side table yung lugaw malapit kay Ryden ng hindi na siya lumakad pa.

"Ubusin mo yan! Hirap hanapin niya. Wag ka mag titira sinasabi ko sayo!" pag babanta ko sa kanya.

Umaga pa lang pagod na ko.

"Wow parang mag asawa lang, ang aga nilalanggam na agad ako." maagang biro naman ni Kia.

Lalagnatin tong si Kia pag hindi to nakapang asar e. Buti na lang mahaba pa pasensya ko.

"Engr.! Bat ka naman ni Lovenat? Kung nandito naman si Ashley?" pag kasabi nun ni Kia sinubuan ko na lang siya ng saging ng matahimik na.

"Ayan Kia kumain ka muna ha, hindi ung ang aga dami mo na banat? Okay?" hinila ko na lang siya sa may balcony para kumain.

"Russel, kain na tayo" pag tawag ko kay Russel. Tumabi naman agad siya sakin pag ka tawag ko.

"Inuman tayo mamayang gabi ha" yakag naman ni Kia.

"Umaga pa lang, gabi na agad ang nasa isip mo."

"Eh paano hindi niyo ko pinagbigyan kagabi, isang bote lang! Sige na." pangungulit naman ni Kia.

"Hindi mo naman kami tinatanong kung gusto namin di ba? Statement yan, in short no choice kami." pag sagot ko naman sa kanya.

"Edi tayo lang tatlo may sakit si Engr" sabay tingin ni Russel kay Ryden na kumakain mag isa sa loob. Nakatalikod si Ryden kaya hindi ko makita ang reaction niya.

Pinagmadali ko na sila dahil nag iintay na si Dra. Laura sa labas. Kami pa talaga ang inintay, sayang lang ang pag gising ko ng maaga.

"Ry! Gamot mo ha! Mag sabi pa pag di mo kaya, text mo ko." bilin ko sa kanya.

"Yes ma, ingat ka ma, mag text ako ma." pangiinis niya.

Ganto ba talaga to pag may sakit. Lakas lang mangasar. Parang mas okay na sakin ung tahimik na lang siya. Nahawa na ata kay Kia to.

Kanina pa nag start yung conference, may mga nag present ng mga studies nila and ng mga new therapy na develop sa ibat-ibang bansa na pwede ma-apply dito sa Pilipinas.

Nag check lang ako ng chat sa facebook ko. Napatawa pa ko ng bahagya sa chat ni Ryden.

"Ma, uminom na po ako ng gamot. Punta na po kami site ni Sir. Balik ka kaagad ma. 😂"

"Pinababalik mo ko kaagad? Bakit miss mo ko? Baka ung 'ma' na sinasabi mo mauwe sa MAHAL." pag sagot ko naman sa chat niya.

Na-seen naman agad niya yung chat ko pero hindi nag reply baka busy na kaya hinayaan ko na lang.

"Kuha ako ng food, ano gusto niyo?" pag tatanong naman ni Russel.

"Sama na lang ako dun para makapili ako" sabi naman ni Kia.

Lumingon sakin si Russel at nag iintay ng sagot ko. Tumayo na lang din ako para sumama sa kanila ng hindi na din mahirapan si Russel.

Pag kakuha namin ng food bigla na naman may nag chat sakin, kaya chineck ko.

"Sweet niyo naman po. Sana all" chat ni Ryden.

Nag tataka naman ako sa dun sa chat niya. May sweet ba sa huli kong chat, joke lang naman yun ah.

"Ha? Anong sweet dyan e joke yan" reply ko naman sa kanya.

Nag send siya ng picture sakin screen shot yun namin ni Russel na nag tatawanan habang kumukuha ng food at malapit pa sa isat-isa. Naka-post yun sa story ni Kia sa IG.

"Sana all pina-follow sa IG" reply ko naman sa kanya at hindi pinansin ang picture na yun. Wala naman ako makitang sweet or ano dun e.

Mabilis lang dumaan ang mag hapon at natapos na din ang conference. Dapat pinauna na lang kami ni Dra. pauwe kala ko naman 5 days ung conference talaga. Sayang oras.

Bumili lang kami ng food para dun na lang kami kakain since may balak nga mag-inom, pag balik namin wala pa si Ryden medyo malayo ata yung site dito.

Nag palit na lang din kami ng damit ng makakain na. I'm just wearing a white oversize shirt and black dolphin shorts.

"Okay! Inuman na!" pag kasabi ni Kia nun nag patugtog siya ng mga pang party na kanta para kunwari daw nasa bar kami.

Bat hindi na lang talaga kami ng bar di ba?! Labo din nito e.

"Laro tayo! Two truths and a lie!" pag yayakag naman ni Kia.

"Ano tayo? High school? College?" pag depensa naman ni Russel, agree naman ako kay Russel mga trip kasi ni Kia haynaku.

"Sige na kasi pag mali ung pinili niyo na lie shot kayo! Okay?" Tumango na lang kami dahil ipipilit pa din naman niya yan hanggang makuha gusto niya.

2 truths and a lie.. Baka manalo ko dito sarili ko nga napapaniwala ko na okay ako e, ibang tao pa kaya tsk.

Unseen BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon