CHAPTER 22

18 9 6
                                    

CHAPTER 22

***

Nasa loob na kami ng clinic, si Ryden nasa office na ni Sir Travis habang ako iniiwasan ni Russel na akala ko nalinawanan na sa lahat pero sabi ko nga kakausapin ko siya ulit, kasi siguro may mga bagay pa na gumugulo sa kanya at ayoko mag karoon yun ng effect sa friendship na meron kami.

Lalapit na sana ako kay Russel pero nakaramdam ata kasi biglang tinawag si Terrence.

"Ui! Ashhhy!" tawag ni Kia.

"Ano balita! Kwento ka naman samin ni Trisha at Viv! parang may something sa inyo ni Engr ah! Anong progress?! Paano na si Russel?" kinikilig pang tanong ni Kia, may nakakalusot ba kay Kia?

"Wala namang something. Trisha can you call Terrence? I just need to talk to Russel alone and please Kia wag kang sumingit."

Sumimangot naman sakin si Kia pero alam kong hindi naman siya galit sa sinabi ko. Ganun naman kami lagi ni Kia.

"Sure Ash, is everything okay? Anyway you don't have to tell me pero sana hindi masira ang friendship sa sasabihin niyo sa isat-isa." after nun tinawag na niya si Terrence kaya hindi ko na sasayangin yung time na ito para makausap ko na siya ayoko maging awkward ang araw na ito lalo na at mag ka trabaho din kami.

Lumapit ako kay Russel pero bago pa ko mag salita naunahan na niya ko" Ash pwede wag ngayon kung hindi tungkol sa work sasabihin mo wag ka na lang lumapit." sambit niya.

"We need to talk, hindi ko maintindihan kung bakit ganyan ka. Paano kita maiintindihan at paano mo ko maiintindihan kung ayaw mo makipag usap."

"Akala ko hindi ka lang talaga ready na mag mahal ulit, akala ko takot ka lang. Pero Ash, nauna 'ko pero bakit siya pinayagan mo? Mas matagal tayong mag kakilala. Ilang beses ako nag try, sabi ko gigibain ko yung wall sa puso mo ilang beses kong pinilit pumasok pero siya? Anong meron siya na wala ako? Bakit siya nakapasok sa puso mo?" he asked.

Bakit ba pag pinipili kong maging masaya, humahantong sa ganto. Bakit kung kelan nagiging masaya na ko ulit, may masasaktan. Akala ko nung nag usap na kami malinaw na ang lahat pero kasalanan ko din kasi nahulog ako, nahulog ako pero hindi kay Russell.

"Russell, akala ko malinaw na ang lahat nung sinabi kong hanggang friendship lang ang maiibigay ko sayo. Hindi ba ilang beses ko naman sinabi sayo na huwag mo pilitin kasi masakit? You are my friend a precious one kaya you deserve to know.." pinutol niya ang sasabihin ko.

" Ashley, please don't tell me anything.. Please Ashley ako na lang yung papasukin mo, wag na siya." umiling ako at pinagpatuloy ang sasabihin ko

"He is different, Russel. Hindi niya pinilit gibain kung ano ang nakaharang sa puso ko nagising na lang ako isang araw na nakapasok na siya dito." sabay turo ko sa puso ko.

"Hindi natin pwedeng ipilit ang mga bagay bagay na hindi naman nakalaan para satin. I'm not the one for you and I'm sorry na nasasaktan ka because of me pero I know someday you will find your happiness pero hindi kasi talaga ako yun e. The happiness that I can give is far different sa happiness na maiibibigay ng someone na para sayo." pag papatuloy ko, I just look straight into his eyes and all I can see is sadness.

"Bakit ganun Ashley? Alam ko naman na pwedeng mangyari ito pero bakit hindi pa din ako naging handa. Naiintindihan ko na. Mas maiintindihan ko na. Hanggang dito na lang talaga ako sa pagiging Friend mo. Hindi ko alam kung kelan mawawala tong nararamdaman ko para sayo pero sana pag nawala to bumalik tayo sa kung ano tayo noon. Wag ka lang din niya talaga sasaktan dahil pag ginawa niya yun aagawin na talaga kita, ipagdadamot na talaga kita. Thank you kasi mula noon hanggang ngayon napaka honest mo. Sorry din sa attitude ko ha, nasasaktan lang. Back to work na!" and then he smile.

Unseen BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon