CHAPTER 03

85 82 71
                                    

CHAPTER 03

***

Sabado ngayon kaya late na ko gumising. Nag check muna 'ko ng phone ko bago bumangon. Uminom muna 'ko ng mga dapat kong inumin bago 'ko bumaba para mag breakfast.

As usual, handa na lahat ng kakainin ko. I have the best lola in the world. Kami lang dito sa bahay since both parents ko nasa ibang bansa...

"Inay, alis po ako mamaya birthday kasi ng ka trabaho ko. Baka bukas na ko ng umaga makauwe. Dito naman daw po matutulog sila tita para may kasama kayo mamaya."

"Siya sige, mag iingat ka ha mag message ka din sa mama at papa mo para alam nila kung nasaan ka." bilin ni inay.

As if naman na pag sinabi ko sa kanila kung nasaan ako e mapupuntahan nila kung may mangyari...

Nag laundry muna ko ng mga damit ko para bukas pahinga na lang talaga ko.

Naligo na ko after ko mag laundry, 3:00 PM na nung nag simula ako mag ayos. Nag suot lang ako ng black na oversized tshirt pair with white short and white rubber shoes. Tinali ko na lang din ung buhok ko into a messy bun.

May extra naman akong damit sa sasakyan kaya toiletries and skincare ko na lang ang inayos ko.

Sa mall kami mag kikita kita nila Russel since sasabay na lang daw sila sakin papunta kay na Viv.

To: Russel

Paalis na ko ng bahay. Text niyo ko san kayo naka tambay. Ingat!

Sent.

Pag ka text ko kay Russel inopen ko na yung gate para makalabas na ko ng garahe. Nakita ko pa si Engr. na papasok sa bahay nila nag jogging ata.

"Good afternoon Engr!" bati ko sa kanya since nakita din naman niya ko baka sabihin niya suplado ko.

"May pasok kayo?" tanong niya.

"Ah, wala po." maikling sagot ko.

Pumasok na siya sa bahay nila so, sumakay na ko sa sasakyan ko at lumarga na.

Bago pa ko makarating ng mall tumatawag na si Russel.

Incoming Call: Russel

"Oi! Asan kana?" Bungad niya sakin, sa lakas ng pag kakasabi niya ng oi muntik na ata ako mabingi.

"Malamang nasa byahe pa! Kelangan nakasigaw ang bungad mo? Kayo saan na kayo?"

"Driving ka pa? Siya sige ingat ka. Dito na kami sa mall sa may Starbucks. Ano gusto mo? Para pag dating mo di kana oorder."

Maganda ata ang tulog ni Russel simula kahapon ah, ang bait naman ata niya ngayon. Sinabi ko na lang sa kanya kung ano ang lagi ko inoorder sa starbucks.

Pag dating ko sa starbucks, nakita ko kaagad sila na pinag titinginan na ng mga tao dahil sa malakas na tawa nila.

"Guys! Tara na!" bungad ko sa kanila.

"Ha? Kadadating mo lang, mag pahinga ka muna" sagot naman ni Kia.

Gusto ko din syempre mag pahinga kaso ayoko ng atensyon ng mga tao, kung di lang sila pinag titinginan ngayon baka mag tagal pa kami talaga dito hanggang maubos ang iced coffee ko.

"Ano ka ba okay lang ako, tara na baka kanina pa nag iintay si Viv. Masama pinag iintay ang may birthday!" sabay hila ko kay Kia.

Dinala ko na lang ung coffee na inorder ni Russel at pumunta na kami sa parking.

Unseen BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon