CHAPTER 07

64 60 69
                                    

CHAPTER 07

***

Tahimik lang kami habang nasa sasakyan. Mag sasalita na sana ako pero naunahan niya ko.

"Ash, don't you feel it?"

"Feel what?" I answered back.

"He's into you."

Alam ko na kung sino ang tinutukoy niya pero ayoko isipin na tama ako. He is my workmate and my friend.

"Sino?" patay malisya kong tanong.

"Russel." straightforward namang niyang sagot.

"How can you say that? Hindi mo naman kami lagi nakikita." curious ko lang din na tanong.

Yan ang hindi ko ma gets sa mga tao. Ang bilis nila mag bigay ng meaning kahit hindi pa naman nila kakilala ng sobra at hindi din nakakasama palagi.

At isa pa hindi ba pwede friends lang talaga ang isang babae at lalaki, ng walang na huhulog ni isa sa kanila? At wala malisya sa ibang tao?

"Just because." See he can't even explain it.

"May girlfriend siya." Siguro naman wala na siya masasagot pa diyan. Ayoko na pag-usapan pa yun.

"I see, but what do you think of him?" pag tatanong na naman niya.

"Can we just not talk about him? Russel and I are just friends. Let's just talk about you. May girlfriend ka?" Pag iwas ko sa topic.

"Noon." maikli niyang sagot but there is a hint of sadness written all over his face.

Ayoko pilitin na mag kwento ang isang tao. Meron silang sariling time kung kelan nila feel na mag share.

"Gusto mo kumain muna bago umuwe?"

"Saan mo gusto kumain?" tanong niya sakin.

"Maarte ka ba?"

Nag tataka siya sa tanong ko kaya sabi ko mag hanap siya ng parking. Agad akong bumaba pag ka park niya. Nakasunod lang siya habang nag lalakad ako.

Nakita ko ung Big-Atin na bilihan ng street food. Paborito ko tong kainan pag trip ko kumain ng street food.

"Upo kana." sabi ko sa kanya at tinuro ang bakanteng table at upuan.

Kumuha lang ako ng kwek-kwek, isaw, beta-max, kikiam, fried kangkong at chicken balls. Umorder din ako ng cucumber juice at blue lemonade.

"Charan! Kain na tayo." sabay lapag ng tray.

"Kumakain ka pala nito?" tanong niya sakin.

"Syempre ano tingin mo sakin?"

Ngumiti na lang siya at kumain.

"Ate apat na lumpiang gulay po, sweet sauce po." patuloy na pag order ko para matikman niya lahat.

"Ui! Tama na order. Mauubos pa ba natin to?"

"Oo naman! Kulang pa nga yan e." Mahina ata kumain tong lalaking to e. Hindi pwede isama sa food trip.

"Kakahiwalay lang namin ng ex ko mga ilang buwan na din." pag kwekwento niya.

Gulat ako napatingin sa kanya di ko kasi alam na i oopen niya agad yun.

"Pinili niya yung iba e. Nilaban ko naman pero wala talaga ayaw na niya talaga. We have the same eyes when I first met you. Full of sadness is written all over it pero wala yung sakin kesa sa pinag daanan mo."

"Kanya-kanya naman tayo ng pinag dadaanan. Wag mo nga icompare sa iba yung sakit na nararamdaman mo. People don't know the meaning of your pain and vice-versa. It is still pain."

Unseen BattleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon