XXIV

83 2 0
                                        

XXIV - HEART OF THE CANVAS


"HMM..." Nakanguso siyang nakaharap sa canvas niya, iniisip kung ano ang ilalagay dito. Tiningnan niya ang mga portfolio na nasa gilid niya. Lately ay parang mas nagugustuhan niyang magpaint ng mga tanawin. Mas kumakalma ang utak niya. Siguro, parang exercise na lang din sa utak niya at therapy kung maituturing habang nagpipinta siya ng mga tanawin. Napuntahan man niya ito o hindi pa. 

Napahawak siya sa buhok niyang maiksi. Medyo matagal tumubo ang mga buhok niya at sabi naman ng doktor ay natural lang na maging ganon 'yon. Medyo manipis din ang kaniyang buhok ngayon kumpara doon sa dati na maalon at makapal niyang buhok. Medyo nai-insecure siya minsan kapag nakaharap sa salamin pero sa kabila ng lahat ay laking pasalamat niya na ganoon ang nangyayari, na bagaman di man kagaya ng dati e may pagbabago pa rin. Ibig sabihin lang noon ay gumagaling na talaga siya, that she's finally healing in all ways possible.

Noong makarating sila sa Germany ay hindi na talaga siya naniniwala na makakasurvive pa siya. Sobrang labo na ng milagro para sa kaniya. Pero siguro ay hindi pa talaga niya panahon. Hindi pa siya binawi ng Diyos at binigyan pa ng pagkakataon.

The operation was obviously successful. Pagkarating nila ng Germany ay nagpahinga lang siya ng dalawang linggo at isinagawa na agad ang operation.  Pero nagkaroon din ng matinding pangamba pagkatapos ng operasyon dahil hindi naman siya agad nagising sabi ng mga doktor at magulang niya. Noong nagising naman siya ay umatras ang memory niya 2 years ago.

Wala naman daw masyadong ipagaalala dahil mariregain naman daw niya eventually ang mga memory niya. May posibilidad din na humina na ang mga memorya niya sa mga bagay bagay gawa ng operation. May pamamaga pa rin daw kasi sa brain niya pero temporary naman daw 'yon. Although under observation siya just in case na hindi agad bumalik ang mga alaala niya.

Tingin niya naman ay wala na talagang ipagaalala dahil dahan dahan namang bumabalik ang alaala niya sa mga bagay bagay. Adn she's not in a rush. The most important thing is that she's finally okay. She's finally free from her tumor. 

"Hey," Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses. There stood her good friend.

"Hey ka rin." bati niya kay Rafa saka bumaling sa canvas. "Ano kaya sa tingin mo ang magandang ilagay ko dito? Nauubusan ako ng idea lately, eh." 

Kumuha naman ito ng upuan bago tumabi sa kaniya. Nakita niyang seryoso itong nakatingin sa canvas na nasa harapan nila. "Kung ako kaya ang ipinta mo?" nakangisi pang saad ng lalaki na nagpairap sa kaniya. 

"I don't paint people, Raf." aniya at ngumuso. 

Well, that's not exactly true. Oo nga't hindi siya nagpipaint ng tao pero hindi totoo na hindi niya ito ginagawa. Noon, ginawa niya ito. For him. 

For Marco. 

Naaalala niya ang art room sa bahay nila sa Pilipinas. Wala siyang pinapapasok sa art room niya sa dahilang ayaw niyang makita ng mga tao ang sikreto niya. And her secret? Her art room is full of Marco's portrait. Iba't ibang pagkakataon, sa iba't ibang panahon.

The doctor did say na may makakalimutan siya dahil nga umatras ng dalawang taon ang memory niya pero hindi naman dalawang taon lang ang nakakalipas mula ng magkagusto siya kay Marco. She's been in love with him since they were kids. And that's not something so easy to forget. 

"Natulala kana. Ako nalang kasi ilagay mo diyan, natapos kana sana." napalingon siya sa kaibigan na nakahalumbaba habang nakatingin sa kaniya. Natawa naman siya sa sinabi nito at hindi nalang ito pinansin. Tumayo siya at nagstretching. 

"Saka ko na itutuloy ang ginagawa ko. Naiistress lang ako." pang-aasar niya kay Rafa. 

"Aba't!" tinusok nito ang bewang niya kaya natatawang umatras siya dito. "Heh!" anito ng makalayo siya. 

"Kelan nga pala ang uwi mo sa Pinas? Pwede ka na ba raw bumyahe sabi ng doctor mo?" tanong nito kalaunan sa kaniya. Napaisip naman siya. Uuwi pa ba siya? Siguro. Pero medyo nagugustuhan niya na kasi ang buhay dito sa America. Isa pa, mas napagtutuunan niya ng pansin ang gallery niya dito. Hindi naman sobrang laki ng art gallery niya, pero malaki rin ang kita na pinapasok nito sa bank account niya. May mga newbie painters din siyang kasama na nagdidisplay sa art gallery niya. 

And speaking of art gallery, may art exhibit siya sa susunod na linggo. Inaantay niya lang dumating yung ilan sa mga painting niya na nasa Pilipinas. Isasama niya kasi 'yon sa nasabing art  exhibit. 

"Oo naman wala naman nang problema kung babyahe ako pauwi ng Pinas. Siguro, uuwi ako pagkatapos ng exhibit. Mga 2 weeks siguro, ganon. Mauuna ka pa umuwi niyan. " sagot niya. 

Tumango tango naman ito bago bumalik ang tingin sa painting na ginagawa niya. "I really don't understand art. Why do you even bother?" tanong nito sa kaniya at ngumisi, "No offense though." 

"Tse. Na-offend na ako." biro niya rito bago sinagot ang tanong nito. "To be honest, hindi naman talaga minsan kailangan maunawaan mo ang isang painting. Hmm, kung ano ang nararamdaman mo habang nakatingin dito, minsan that's all that matters." playing safe niyang sagot rito. 

Nahalata naman agad iyon ng lalaki. "Playing safe, huh? Atsaka, may artist ba naman na magsasabing di naman kailangan maunawaan ang painting? Ikaw lang siguro." tudyo nito sa kaniya. 

"Hoy hindi ah!" natatawang sagot niya, "Ganito kasi 'yan! May nabasa ako dati na sabi eh 'every canvas is a journey of its own' kaya para sa akin, hindi man maintindihan ng nakakakita yung painting ko, proud pa rin ako doon. Kasi lahat ng painting ko, may ibig sabihin. Lahat ay may kwentong gustong ipakita. A journey of its own, ika nga. Hindi naman lahat ng tao naiintindihan yung nilalakbay mo eh at lahat ng pinagdaanan mo, kaya parang ganon lang din sa painting." mahabang paliwanag niya. 

Ngumiti naman ng tipid si Rafa sa kaniya. "Ganun ba talaga kapag artist? Madrama-este malalim?" asar nito sa kaniya. 

"Ah, madrama pala ha?" winisikan niya ito ng pintura gamit ang brush na nahawakan niya. 

"Uy! Huwag ka nga! Mahal 'tong suot ko! Isa!" 

A journey of its own. Bigla niyang naalala ang mga painting niya na mukha ni Marco. Tipid siyang napangiti. Yes, even those too had a journey on their own. Lahat ng painting niya tungkol kay Marco, naglalahad ng tinatago niyang nararamdaman sa binata mula pa noon hanggang ngayon. 

Dear Marco ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon