IV

169 8 3
                                    

IV - THAT GIRL

SOMETHING doesn't feel quite right. Pagkatapos ng meeting nila ay hindi niya maintindihan kung bakit parang may kulang sa kaniya. What is it?

"Sir," pagkatok ng sekretarya niya sa kaniya. "May mga ipapapirma po ako sa inyo."

"Okay,"

Aalis na sana ang sekretarya ng may maalala. "Ay sir, nakita ko po pala ito sa table ko." Anito at may inabot na envelope sa kaniya. He stilled at the familiar envelope and just smiled at his secretary. The poor woman was so surprised that she wanted to thank the letter sender.

Hulog ka ng langit kung sino ka man! Badtrip na badtrip ang boss niya kaninang nagmimeeting kaya ang makita itong ngumiti ay nakahinga siya ng maluwag.

Pagkaalis ng sekretarya ay tiningnan niya ang envelope pero di muna ito binuksan. It has been weeks mula ng huli itong magpadala ng sulat sa kaniya.

Not that I'm anticipating for a damn letter... Okay he was. He was waiting for the damned letter he used to hate so much.

Inisip niya kung kelan nagsimulang tumigil ang sulat...natigilan siya at napapantastikuhang napatingin sa envelope.

It stopped arriving after that kiss he shared with Leila. Bigla niya ring naalala na naroon din si Leila ng una niyang makita ang sulat. Napaisip pa siya kung papaano at bakit naroroon ito ng ganoong oras.

Pero tinutulak siya nito palayo. Imposibleng si Leila ito. Pero paano kung si Leila nga? To think na pinagtawanan niya pa ang unang sulat because he found it corny.

Dali-dali niyang binuksan ang envelope at binasa ang sulat na nakapaloob rito.

Dear Marco,

I used to hate the darkness. It makes me feel useless, helpless and lost. Not until I met you. You are the light at the end of the tunnel that is calling to me after walking around in circles. You made me realize that walking in the dark wasn't so bad as long as I have you waiting for me at the end of the road.

"She's getting better at writing these things," di maiwasang puri ni Marco pagkabasa ng sulat saka ito inilagay sa isang drawer kung saan niya nilalagay ang ibang sulat. Aside from the first letter, he kept the other letters in the said drawer. 

Hindi niya alam pero bigla niyang gustong mag-inom.


**


BLASTING music here and there. Sumasayaw ang mga katawan ng mga tao sa musika but not him. The music made his head ache more kaya bahagya siyang nagsisisi na nagpunta rito. Nilingon niya ang mga kasama na may mga kabi-kabilaang babae sa tabi maliban na lamang sa kaibigan niyang si Jacobo. 

Niyaya niya kasi ang mga kaibigan na ikinagulat ng mga ito. Partying was never his cup of tea. It's just that there are things they'd rather drink than talk about. Speaking of drinking, sunod sunod ang naging pag-inom niya at bahagya ng umiikot ang paningin niya. He was always weak when it comes to drinking.

Biglang may tumabi sa kaniya. Sa pag-aakalang isa lamang ito sa mga kaibigan ay hindi niya pinansin. Umub-ob siya sa sa mesa. 

"You'll fall," ani ng boses. Boses babae. Nilingon niya ito pero dahil na rin siguro sobrang dilim at hindi naman nakatulong ang ilaw ng bar, hindi niya talaga ito mamukhaan. 

"Who are you?" tanong niya rito. Hindi naman ito sumagot at inayos lamang siya ng upo para makasandal siya habang ang ulo niya ay nasa pagitan ng balikat at leeg nito. He smelt her perfume at hindi niya ito maiwasan amuyin.

Dear Marco ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon