VII - IS IT YOU?
PAGKAGALING niya sa opisina ni Jacobo ay dumaan lang sa saglit sa opisina niya at inayos ang mga papeles na naiwanan. Pinirmahan at chineck niya ang mga due bukas ng umaga bago nagpasabi sa sekretarya niya na iclear ang schedule niya ng umaga. Kung tototohanin niya ang balak na paginom hanggang malasing nga todo ay baka hindi na siya makauwi sa kanila.
He then went to the bar to drink.
The moment he stepped inside the bar, he was bombarded by the smell of smoke and the loud music. Dire-diretsong naglakad lang siya papunta sa bar counter. He ordered his usual drink bago nag-obserba sa paligid niya.
Maliban sa mga taong kung magsayaw ay halos magdikit na ang katawan, wala siyang nakitang kakaiba. Pupunta kaya ang babae ngayon? Siguro naman. Laging nasa bar siya kapag nagpupunta ito. He may be trying his luck tonight at hindi siya siguradong pupunta ito.
He didn't know why he was so obsessed on knowing who she is. Dahil lang ba talaga sa curiosity? Well he's doing a lot just for the sake of curiosity.
Nang inilapag ng bartender ang inumin niya ay sinimsim niya muna ang alak. What the hell am I doing?
Bakit nga ba nag-aaksaya siya ng panahon dito sa bar na ito para lang hanapin ang babaeng ayaw magpakita? Bakit nga ba ayaw nito magpakita sa kaniya? What's up with that?
Ang dahan-dahang pagtikim ay naging tuloy-tuloy na pag-inom. Ngunit sa unang pagkakataon ay pinilit niya ang sariling huwag tuluyang bumagsak kahit nakakaramdam siya ng hilo.
Inikot niya ang paningin sa buong bar. Nasa paligid lang kaya ang babae? Is she watching him right now? Alam ba nito ang kalokohan niya para lang makita ito?
Hindi niya naramdaman ang paglapit ng isang tao sa kaniya hanggang sa magsalita ito.
"What are you doing? Bakit ka nag-iinom?"
He almost had a whiplash by turning so fast. Maalon na buhok ang unang niyang napansin sa babaeng katabi. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Was it because of the excitement? Hindi niya alam.
Bigla ay hinawi niya ang buhok ng babae na tumabing sa mukha nito. Nabitiwan niya rin ito agad ng makita ang mukha ng kaharap.
It was...Leila.
"I-Ikaw?"
"Anong ako?" Tanong nito sa kaniya.
"You're the one who sent me those letters? It's you, right?"
Hindi niya maintindihan ang sarili. Bakit parang disappointed siya na si Leila ang kaharap? Kung ito nga ang nagpapadala ng mga sulat, diba dapat ay masaya siya? Bakit parang may kulang? Para bang hindi ito ang ineexpect niya. Pero bakit? Hindi ba't isa ang dalaga sa pinaghihinalaan niya? Minsan nga'y inisip niya na baka ito nga ang nagpapadala ng sulat. Pero bakit ngayong katabi niya ito ay parang hindi naman ito ang kaniyang hinahanap?
Tinitigan siya saglit ni Leila. Tila ba may malalim na iniisip. Hindi ito sumagot. Hindi niya rin ito pinilit.
Walang imik silang umiinom ng magkatabi. siya ay naguguluhan samantalang ang katabi ay tahimik lang. Hindi niya mabasa kung ano ang iniisip ng dalaga. Kung ito nga ang nagpapadala ng mga sulat...bakit siya nito tinutulak na palayo?
Pinagdugtong dugtong niya ang mga nangyayari magmula sa pinakaunang pagkakataon na nakatanggap siya ng letter na iniipit lamang sa kaniyang sasakyan. Naroon si Leila. Noong mga pagkakataon na nakakatanggap siya ng sulat ay may koneksyon ito kay Leila. Noong magpunta ang dalaga sa playground sa subdivision nila. Dapat nagduda na siya. Too many coincidences that it's impossible for it to be a mere coincidence. Sabihin mang hindi ang dalaga ang nagpadala ng sulat, alam niyang may koneksyon ang sulat at ang dalagang nasa tabi niya ngayon.
"What gave me away?" tanong ng katabi kalaunan.
Sa sinabi nito ay mas napatunayan niya na tama ang hinala. Nilagok niya ang inumin at ngumiti ng pagak. "You weren't exactly discreet, you know?"
"Oh?"
"Yeah," aniya at nagkibit balikat. "You were always there. I mean, tuwing may bagong sulat, may koneksyon sa'yo halos lagi."
Tiningnan niya ang babae sa mata, "You're not lying to me, are you?"
Nagkibit balikat ang babae, "Suit yourself. Ikaw lang naman makakaalam niyan. Ikaw lang din ang maniniwala. Would you rather believe something without a proof or believe me, na nakaupo dito sa tabi mo. You drank because you wanted to see me, right? I'm here now, aren't you happy?"
His shoulders slouched without notice. Tama nga naman ito. Pagdududahan pa ba niya ang babae? Mukhang alam naman nito ang lahat.
"Bakit mo ako pinaglalaruan? Una, alam mo matagal na na may gusto ako sa'yo diba? You told me before that you can't see me as anything else more than a big brother. Tinanggap ko 'yon. Now that I know that you're the letter sender, what exactly do you want me to feel?"
Tumango-tango naman ang babae. Napabuntong hininga siya at tumayo. Aalis nalang muna siya para luminaw ang isip niya. Mukhang hindi maganda ang naging ideya niya.
"I still can't tell you the reason why I'm pushing you away. Rather, I won't tell you. Kung ayaw mo na sa akin, pagkatapos nito maiintindihan ko. I'll still send you letters, though." Nang lingunin niya ang babae ay nakayuko ito at pinaglalaruan ang yelo sa baso nito.
imbes na aalis na siya ay umupo siya sa tabi nitong muli. Nag-angat ito ng tingin sa kaniya. Namamasa ang mga mata nito at kagat-kagat nito ang labi.
"In one condition," aniya.
"A-Ano 'yon?"
Ngumiti siya dito at hinawi ang buhok nito. Napapikit naman ang dalaga sa ginawa niya.
"Date me."
![](https://img.wattpad.com/cover/72104451-288-k158656.jpg)
BINABASA MO ANG
Dear Marco ✅
Fiksi Umum"Dear Marco, Hindi ako kagaya ng ibang tagahanga mo. I can't let you see me. I can't let you know that I adore you. At lalong lalo na ang ipaalam sa'yong matagal na kitang mahal. You're my everything and the reason that I breathe." Nagsimula ang l...