V

143 4 0
                                    

V - NEEDLE IN A HAYSTACK

HE couldn't sleep. Not even a wink. He was bothered about his mystery girl. Ngayon na inisip niya ito at nasa matino na siyang kaisipan na walang impluwensya ng alak. The girl was damned familiar. Pakiramdam niya ay kilalang kilala niya ito. Mula sa buhok at boses nito pero hindi niya maisip kung sino. Ngunit alam niya kung sino ang maaaring makaalam.

He dropped by Rafa's office. Naalala niya na ang lalaki ang pinakaunang nakausap niya tungkol sa letters na dumarating sa kaniya.

"Is your boss inside?" Tanong niya sa sekretarya nito. Umiling naman ang sekretarya.

"No, sir. Wala po si Sir Rafael ngayon kasi may pupuntahan daw po siya sa ospital." Nagtaka naman siya sa sagot ng sekretarya nito.

"Hospital?"

"Yes sir. Sa may Makati po."

Napatango tango nalang siya at binilin sa sekretarya na tawagan siya agad pagkarating na pagkarating ni Rafa saka umalis.

Sunod sa listahan ng pupuntahan niya ay si Jonson. He remembered asking for a private investigator para malaman ang tungkol sa babae. Jonson has a friend who works in the government. Pwede nitong ipa-background check ang tungkol sa babae.

I wonder kung nagawa niya na.

He drove from Rafael's company to Jonson's house. May condo ito tulad niya at gaya rin niya ay bihira itong maglagi sa condo nito kaya alam niyang nasa bahay nito ito ngayon. Nabanggit nito sa kaniya noong lumabas sila na naka-on leave eto pansamantala. Kung bakit ay hindi niya rin naman naitanong.

Kilala na siya ng guard sa bahay ng mga ito gawa na rin nga ng kababata niya ang mga ito. "Andyan ba sila Jonir at Kirsen?"

"Si sir Jonir po kakabalik lang. Si ma'am Kirsen po wala po may lakad." Tumango tango naman siya at nagpaalam na.

Tila busy ata ang mga napupuntahan niya? Siya lang ba talaga itong walang magawa sa buhay? Napabuntong hininga na lamang siya at pinagpatuloy ang pagdadrive.

Ipinarada niya ang sasakyan sa tabi ng sasakyan ni Jonir. Mukhang aalis pa ito muli base sa pagkakaparada ng sasakyan nito.

Pagkapasok na pagkapasok niya ay binati siya ng mga katulong. "Si Jonir?"

"Bro!"

Nilingon niya ang pinanggagalingan ng boses at nakita anga kababata na pababa ng hagdan at may dala-dalang pulang gym bag. Hindi niya rin gaano pinansin ang gym bag ng kaibigan dahil tila nabibigla itong tinago ang bag sa likod nito.

"Naparito ka yata?" Tanong nito sa kaniya.

Napakamot naman siya ng ulo, "Naaalala mo pa ba yung pinakisuyo ko sa'yo? Yung pinapahanap ko sana sa kaibigan mo? Itatanong ko lang sana kung may progress na ba," Ngisi niya, "Pero mukhang nagmamadali ka kaya dibale na. Sa susunod na lang. Saan ka ba papunta?"

"Ah. Sa Makati. May pupuntahan lang."

"Ganun ba?" Tanong niya. "Si Rafa din nagpunta ng Makati e. Ospital daw. Dun rin ba punta mo?"

Umiling naman ito. "Hindi naman. Talaga ba? Sino daw ang naospital?" Tanong nito sa kaniya.

Umiling siya, "Hindi naman nabanggit ng sekretarya niya. Sige na, baka mahuli ka sa lakad mo. Traffic pa naman ng gantong oras."

"Oo nga eh. Pasensya na, pre ha?" Anito at lalagpas na sana pero sa hindi malamang dahilan ay napatigil ito.

Nagtataka naman niya itong tiningnan. May nakalimutan ba 'tong dalhin kaya tumigil?

Hinarap siya nito at tinapik ang balikat niya. "Bigla ko lang naalala na nakausap ko nga pala ang kaibigan ko tungkol sa pinapahanap mo. Hindi kasi siya pwede. Pasensya na pare ha. Hindi kita matutulungan." Saka ito nagpaalam sa kaniya.

Nakaramdam naman siya ng disappointment sa sinabi ng kaibigan sa kaniya. Akala naman niya mahahanap niya na ang babae.

Naalala niya ang maalon nitong buhok at ang manipis nitong labi na siyang natatandaan niya sa nakita niya kagabi. Alam niyang maganda ang babae, sigurado siya doon. May awra din itong pamilyar sa kaniya pero hindi mahina ang memorya niya.

Isa yun sa pinagtataka niya. Hindi niya alam kung papaanong nangyari na she seems so familiar yet so unfamiliar at the same time. Wala siyang steady girlfriend ngayon at iilan lang din ang naging ex niya noong nag-aaral siya dahil mas nagfocus siya sa pag-aaral gawa ng strikta niyang nanay. Ang mga babae na malapit sa kaniya ay ang mga kababata niya lang. Kung isa man ito sa mga kababata niya, dapat ay makilala niya ito kahit nakatalikod. Pero hindi. Isa ito sa rason kung bakit tingin niya ay hindi ito si Leila. Alam niya ang bulto ni Leila kahit pa malayo ito sa kaniya, lalo na naman kung madilim. Alam na alam niya ang boses nito.

Ayaw man niyang tanggapin pero mukhang hindi nga ang babaeng nagugustuhan niya ang nagpapadala sa kaniya ng mga sulat.

Saglit siyang napatigil habang nakatingin sa bahay nila Jonir. To be more specific, he was staring at the attic where he saw Kirsen. Biglang pumasok sa isipan niya ang studio ng dalaga. He wanted to check it out pero it's rude lalo na at wala ang may-ari. Napakamot siya ng buhok at tuluyan ng nilisan ang lugar.

While driving bigla niyang naalala ang kausap ng babae kagabi. Hindi siya sigurado kung sino nga ba ito. Malalim siyang nag-iisip kung sino nga ba ang nakausap ng babae kagabi bago siya nito samahan pauwi.

Looking for that woman was like looking for a needle in a haystack. Hindi niya alam kung saan magsisimula. Lumalapit at nagpapakita lang ito sa kaniya kapag gusto nito at itinataon nito na lasing na lasing siya.

Ngayon naman na gusto niya itong hanapin ay hindi ito nagpapakita.

Jacobo!

Naalala niya na kung sino ang nakausap ng babae kagabi. It was Jacobo, one of his friends. Agad siyang dumiretso sa opisina nito. This time he knows Jacobo can answer his questions.

Makikilala din kita, miss.

Dear Marco ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon