II

328 13 0
                                    

II - Leila

"TORENG! Anong masamang hangin ang nagdala sa'yo dito sa bahay namin?" Nakangising tanong ni Kirsen. Napailing nalang siya ng makita niya ang suot nito. Nakaputing tshirt at jumper. Magulo ang buhok nito at may iilang pintura ang buong katawan. Isang painter kasi ang dalaga.

"May kukunin lang ako sa kapatid mo, manang," aniya rito. Syempre mapang-asar yung manang na sinasabi niya.

Iningusan lang siya ng dalaga bago ito bumalik studio nito. Nacurious tuloy siya habang nakatingin sa babae. Wala pa daw kasing nakakapasok sa studio nito maliban dito mismo. Nakita niya na ang mga gawa ng babae at aaminin niyang kahit hindi siya eksperto sa larangan ng pagpipinta ay talagang magaling ang babae.

"Bro, tawag mo daw ako sabi ni ate?"

Napalingon siya sa nagsalita at nakitang si Jonson pala ito. Ngumiti siya. "Yeah... about that. Since may private investigator ka naman, pwede mo bang alamin kung sino ang nagbibigay ng sulat na ito?" Saka niya inabot ang isang envelope na kulay dilaw at may butterfly na maliit.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Jonson ng makita yon saka napatingin sa kanya. "Yours?"

"Err...yeah? Kinda. I need to know who sent those letters to me. I don't know if I should feel flattered or a bit creeped out." Seryosong tugon niya.

Matalino siya. Maraming nakapagsabi sa kanya nun. Normally, makikilala niya rin kalaunan ang nagbibigay ng sulat pero ilang buwan na ang nagdaan pero wala pa rin siyang nakikitang nagbibigay nito.

"Yeah. I'll do what I can, brother." Ani Jonson. Nginitian niya ang huli at tinapik sa balikat.

"Thank you. That's a big help. Gotta go." Saka siya umalis.

Hindi sinasadyang napatingin siya sa bintana sa may attic. At nagulat ng makita si Kirsen doon habang nakatingin sa malayo na tila may malalim na iniisip. Nag-aalala siya sa kababata. Para kasing kahit ganun ito kapalabiro ay may tinatago ito sa kanya, sa kanilang lahat.

Nagpunta siya sa isang coffee shop pagkagaling kina Jonson.

"Hi ms. Leila! Good morning!" Bati nga mga tao sa bagong dating. Napangiti naman siya ng makita ang ayos nito. She is years younger than him. She's a fresh graduate pero alam niyang malayo ang mararating nito.

Ganito siya lagi kapag may vacant time. Nakatambay sa coffee shop na pag-aari ni Leila. Minsan ay dito niya ginagawa ang mga trabaho niya. Pakiramdam niya kasi gumagaan ang lahat kapag nakikita ang dalaga. His personal breather.

"Kuya Marco?" Ngumiti naman siya rito.

"Hey, sweet cheeks." Bati niya sa dalaga. Napailing nalang si Leila bago umupo sa pinagpupwestuhan niya. He tensed pero hindi niya gaano pinahalata. Damn! He got it bad!

"Let me guess, nakiki-wifi ka na naman no?" Saka ito humalakhak. Ngumisi lang siya sa sinabi ng dalaga habang napatitig sa mukha nito. Ayaw niyang magmukhang stalker pero hindi niya mapigilan.

He loves this girl. Her soft hair, smiling eyes and beautiful smile. Everything about her. He adores it. At talagang mabait pa ito. Malayong malayo sa kapatid nitong si Jordan.

Kung ang kapatid nito ay isa't kalahating gago. Ito naman ay tila anghel na bumaba sa lupa. Maamo, mabait. Walang tulak kabigin kung baga.

"Huy! Kuya! Natulala ka diyan?" Pukaw nito sa kanya. Napakamot naman siya ng batok para doon itutok ang pagkapahiya. Not cool, man. Damn! 

"May naisip lang."

"Ayie! Babae 'yan ano? Ngiting-ngiti ka diyan eh." Ngumiti lang siya lalo. Kung alam lang nito kung sinong iniisip niya.

Dear Marco ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon