XXV - OLD LOVE, LOST CHANCES
Tap. Tap. Tap.
Halos di na maipirmi ni Thoren ang paa habang nasa eroplano and hours suddenly felt like months while waiting to arrive in his destination. Hindi niya maalala kung kailan nangyari sa kanya na hindi siya makapag-antay ng ganito. He was too antsy to stay in one place for too long, he wanted to stand and pace around but being inside an aircraft prevented him from doing so.
Sobrang tagal ng pitong buwan. Sobrang tagal niyang inantay na dumating ang pagkakataon na sasabihin na ng pamilya ni Nes kung nasaan ito. Akala niya ay aabot pa ng taon bago sabihin ng mga ito ang kinaroroonan ni Nes sa kaniya sa sobrang galit ng mga ito sa nanay niya at sa kaduwagan niya.
Well, he may have been a coward before but not anymore. He lost too much of his time with her and he almost lost her to be dilly dallying around.
Hindi tulad ng ibang kwento ang kwento nila ni Nes. It was not love at first sight for him and definitely not some cliche love story to boast to their grandchildren in the far future. He was not someone whom little girls would want to be their prince charming as. Their story is raw, real and tragic. Malayo sa mga kuwentong buhay pag-ibig ng mga magulang niya at ng mga kaibigan nito.
Hindi pa man sila nabibigyan ng pagkakataon na makilala ang isa't isa ng lubusan pagdating sa pag-ibig, heto at parang pinaghihiwalay na sila agad. There was no assurance that everything would be okay, even after everything they've been through. Hindi pa rin sigurado.
Pero hindi na siya magdadalawang isip. He won't play safe anymore.
May ilang oras pa siya bago makarating ng America since it was not a near trip after all. Pinilit niyang kumalma ang sarili bago sumandal sa upuan. He breathed loudly to ease his nerves bago pinilit ang sarili na makatulog.
**
"...Here's your hotel card. Enjoy your stay!"
It's not his first time to be here in America but he feels like it is. The term 'dinadaga ang puso' might just be the phrase he's looking for to describe his feelings well. He wanted to just bolt out of his hotel room to Nes' apartment just to see her and how well she's fairing.
Gusto niyang malaman kung ayos lang ba ito, kung hindi na ba sumasakit ang ulo nito ngayon, at marami pang iba. Napakarami niyang tanong ngunit pakiramdam niya kapag nagkita na sila ay makakalimutan niya lahat ng 'yon.
Pero alam niyang walang magandang itutulot sa kanya ang pagmamadali. Haste makes waste, ika nga nila. Kailangan ay planuhin niya ang lahat ng gagawin niya sa pagkikita nila ni Nes. Nabanggit din sa kaniya ni Jonson na magkakaroon ng exhibit kung saan isasama ni Nes ang mga artworks niya sa susunod na araw. To be honest, hindi niya maalala kung ano ba ang mga ipinipinta ni Nes, and he feels a little shameful that he knows nothing about her passion.
Wala naman kasi talaga siyang kaalam-alam sa mga art. He buys art just for the sake of its value, since he is a businessman. Pero hindi niya pa nagawang magpunta ng mga exhibit at art gallery dahil lang gusto niyang mag-appreciate ng art. Masyado siyang busy at hindi niya ito naisip na maging hobby.
Pero kung para kay Kirsen...he doesn't mind it. Kahit alamin niya lahat ng klase ng painting na meron at kung ano pa ang dapat niyang malaman makilala lang lalo ang dalaga. Gusto niyang iparamdam dito ang pagiging espesyal. Bagay na hindi niya nagawa noon dito.
Ni sa hinagap hindi niya aakalain na magugustuhan niya ito. Biglang pumasok sa isipan niya ang itsura ng dalaga kaya napangiti siya. She's very pretty, now that he thinks about it. Kulot ang buhok nito at mahaba. Tuwing magkasama sila noon kahit madilim at hindi niya nakikita ang mukha nito ay alam niyang maganda ang buhok nito. May katangusan din ang ilong ng dalaga. Her lips are also full at parang laging nakanguso. He didn't think it'd look good but on her, it did. Bagay sa mukha nito ang labi nito. Para bang hinulma ng mabuti ng Diyos ang mukha nito na tila isang skulptor.
He felt a pang in his chest. He missed her. Noong inabala niya ang sarili sa trabaho ay hindi niya masyado ito naiisip pero ngayon na nandito na sila sa iisang lugar ay hindi niya maiwasang maisip ang dalaga. Ang huling memorya na meron siya dito ay ang itsura nito habang masama ang loob na nakatingin sa kanila ng kanyang ina.
He really wasn't good enough for her but he'll try his best to win her love again. He only wishes he still has a chance.
**
Tinupi niya hanggang siko ang sleeves ng suot niya habang nakatingin sa salamin. When he was satisfied enough with what he looked like in the mirror, he was out of the hotel room.
Ngayon ang araw ng exhibit at ngayon niya na makikita si Kirsen. Hindi mawala wala ang maliit na ngiti sa labi niya habang sakay ng taxi.
"You seem happy, sir." magiliw na pansin ng taxi driver sa kaniya.
"Ah," napakamot siya ng batok at mas lumawak ang ngiti, "Is it that obvious?" nahihiyang tanong niya rito.
Humalakhak naman ang driver. "Oh how nice it is to be young." komento lang nito na nagpangiti sa kanya.
Naaninagan na niya ang art gallery na pupuntahan pero pinatigil niya ang taxi sa tapat ng flower shop. "Good luck, sir!" ani pa ng driver sa kanya bago ito umalis.
Kung noon ito, hindi siya mag-aaksaya ng oras para makipag usap sa ibang tao but he is in a good mood so he doesn't mind being friendly. Pampawala na rin ng kaba. Sa tanda niyang itop hindi niya inakala na mag-aala teenager siya na ngayon palang manliligaw.
Pumasok siya sa flower shop at pumili ng bulaklak na tingin niya ay magugustuhan ni Nes saka niya nilakad ang art gallery. Napapansin niyang maraming tao ang nagpupunta. Siguro dahil abroad ito at mas marami ang nakakaappreciate ng art dito, or should he say nakaka-afford, kaya marami ang nagpupunta sa ganitong lugar.
He felt proud that his girl's artwork is also here. His girl. Yes, Nes is his girl. He smiled at the thought.
Inikot niya ng tingin ang paligid klase-klaseng nagmamahalan na mga painting ang nakikita niya. He used to buy paintings as investment so he knows that these artworks cost a fortune.
Tumigil ang mundo niya nang makita ang babaeng may maiksing buhok habang nakatayo sa tapat ng isang painting. He would know that back no matter how long it has been. Kilalang kilala niya ang babaeng ito. He took a shaky step toward her only to be stopped by an unpleasant scene in front of him.
"Wah! Thank you for coming, Rafa! Nawala na 'yung kaba ko kasi andito ka!" saad ni Nes saka niyakap ng mahigpit ang kababata nila, si Rafael.
Napakunot ang noo niya nang yumakap pabalik si Rafa at hinalikan ang tuktok ng ulo ni Nes. "Anything for you, sweetheart." saka ito napalingon sa gawi niya. Bahagya itong natigilan, bago naningkit ang mata at hinawakan ang kamay ni Kirsen. As if he was staking his claim on her. He felt his heart clenched painfully.
He's finally here after all those months. He's finally here after he manned-up and gained courage. He's finally here after receiving the approval of her family.
Pero bakit parang balewala na ang lahat ng iyon? Bakit pakiramdam niya, huli na ang lahat at natalo na siya?
BINABASA MO ANG
Dear Marco ✅
Ficción General"Dear Marco, Hindi ako kagaya ng ibang tagahanga mo. I can't let you see me. I can't let you know that I adore you. At lalong lalo na ang ipaalam sa'yong matagal na kitang mahal. You're my everything and the reason that I breathe." Nagsimula ang l...