VI

131 5 0
                                    

VI - PSYCHE AND EROS

PAGKARATING na pagkarating niya sa opisina ay diretso na siya sa opisina ng lalaki. Only to see someone na hindi niya inaakalang naririto rin.

"Jacobo, my baby! Dali na kasi. Samahan mo na kasi ako mamili para sa interview ko mamaya. Sige na, please!"

Halos hindi maipinta ang mukha niya ng makita ang bunsong kapatid sa opisina ng kaibigan.

Bigla siyang napahilot sa sentido niyang sumasakit habang tinitingnan ang kapatid niya na nilalambing ang kaibigan niya. Ang huli naman ay halos himatayin na at simangot na simangot na. Kung pwede lang siguro nitong hawakan ang babae ay naitapon na nito palabas ng opisina nito.

"Tamari, what the heck are you doing here?" Matigas na tanong niya rito.

Tila nakahinga naman ng maluwag si Jacobo sa nakitang pagdating niya. Ang kapatid naman niya ay kabaliktaran sa relief na ipinakita ni Jacob ang pinapakita. Nanigas ito at hindi humaharap sa kaniya.

Alam nilang lahat kung ano ang sitwasyon ni Jacobo. Dalawang bagay lamang ang inaayawan nito. Girls and deep waters. Ang babaeng nalalapitan nito ay ang tita Nicole niya lang, na siyang nanay nito. Kahit ang kapatid nitong si Mackenzie ay hindi ito gaano lumalapit. Kahit ngayong matatanda na sila.

Alam niya rin ang obsession ng kapatid niya sa kaibigan. Simula ng maliit pa sila ay nagpapakita na ng interes ang bunso nila kay Jacobo. Nung una ay akala nila panandaliang interes lamang ito ng dalaga. Ngunit ng tumanda ito sa ganitong edad at ganoon parin ang trato nito kay Jacob ay pinagbawalan na nila itong lumapit sa lalaki.

Kaibigan niya ang lalaki at kapatid naman niya ang dalaga. Mas mahalaga ang kapatid niya kaya't pinapalayo niya ito dahil alam niyang masasaktan lang ito kapag ipinagpatuloy pa nito ang kahibangan.

"Kuya..." Mahinang tawag nito sa kaniya. Sinamaan niya ito ng tingin kaya napakislot ito sa takot at yumuko.

"Go home. And don't come back here." Aniya. Nagmamatigas parin ito at ayaw gumalaw. Tinapunan nito ng tingin si Jacob na halata namang walang pakialam dito. Nakita niya ang sakit na bumalatay sa mga mata nito at napabuntong hininga na lamang siya. Eto na nga ba ang sinasabi niya.

"Umuwi ka na or I'll tell dad."

Kinagat nito ang labi bago padabog na nagmartsa paalis. Alam niyang masama ang loob ng kapatid pero para din naman iyon sa kapakanan nito.

Nang masigurong nakaalis na ang kapatid ay pinuntahan niya na ang kaniyang pakay. "I apologize for my sister's behavior."

Iwinasiwas ng kausap ang kamay nito, "Don't worry. Thank you for distracting her." Anito bago siya hinarap.

"You seldom come here, what's up?" Tanong nito sa kaniya bago sumandal sa upuan nito.

Saglit niyang tiningnan ang lalaki sa harapan. Normal na normal ito kung gumalaw at makipag-usap basta huwag lang sa babae. Alam rin ng mga empleyado nito na hindi ito nakikipag-usap sa babae. Doon lamang sa mga malapit dito at kahit doon ay bilang ang mga salitang sinasabi nito. Hindi isang beses na napagkamalang bakla ang kaibigan dahil na rin sa sitwasyon nito. Pero lahat ng iyon ay bale-wala lang dito.

"You were with us yesterday. Sino yung babaeng kasama ko? Yung naghatid sa akin sa bahay?" Diretsahan niyang tanong rito.

Tumahimik ito saglit bago umatras at sumandal sa swivel chair neto. Nakaangat ang dulo ng labi ng kausap. "You... don't know her?"

"I won't be asking if I did."

"Interesting," anito sa kaniya. There was a glint in Jacob's eyes that he couldn't understand.

"I'm sorry. I told her I won't tell you. She knew you'd ask and she told me not to tell you." Nagkibit balikat ito sa kaniya.

"You're lying."

"Suit yourself."

"Fine," Napahilamos siya sa mukha niya. "What the hell is with her? Bakit ba ayaw niya na lang magpakilala? Kung hindi ko siya magugustuhan edi reject kung magugustuhan ko naman edi we'll try. What's with the mystery?"

"Have you ever heard about the story of Eros and Psyche?" Biglang tanong ng kausap niya sa kaniya habang nakatingin sa kawalan.

"Yeah. Of course. I read about it before. What about it?"

"Psyche was a beautiful woman. Even Aphrodite herself became jealous of her beauty."

"First of all, I'm not a damn woman," he grumbled pero hindi siya nito pinansin. Pinagpatuloy nito ang pagkukwento.

"Eros wasn't supposed to fall in love with her. He was supposed to make her fall in love with a monster. Failing his supposed duty, he even became her unseen husband. One who only appears at night." Nilingon siya nito. May ngiting naglalaro sa dulo ng labi nito.

"Because of curiosity, even though her husband warned her not to look at him, she did it while he was sleeping. Realizing that he married not a monster but a god." Pinagkrus nito ang mga bisig at tumingin sa kaniya.

"You and psyche have an almost the same situation, minus the evil step mother," he teased, "She told you not to look for her, right?"

"Yeah,"

"Then stop looking for her. Baka may rason siya kung bakit nagpapakita lang siya sayo tuwing lasing ka." Payo nito sa kaniya.

Nangunot ang kaniyang noo. Hindi niya ata magagawa na hindi alamin kung sino ang nagpapadala ng sulat. He didn't know if it was because of her kisses or the way she unconsciously entered his system through her letters. Either way, he's not about to let her go.

"You made up your mind." Saad ni Jacobo ng makita ang ekspresyon ng mukha niya.

Nagkibit balikat ito. "Go on, then. But still, I can't help you. Aside from the fact that I'm interested in how this will play out, I did promise her not to tell you."

"It's fine," labas sa ilong niyang saad. Siyempre hindi ito ayos lang. Para bang sinasadya na ang mga taong maaring makatulong sa kaniya, kung hindi wala ay ayaw naman siyang tulungan. Fine, then. Mahahanap niya rin ang babae. Kung kailangan niyang maglasing gabi gabi para puntahan siya nito ay hindi siya mag-aatubiling gawin.

Nagpaalam na siya sa kaibigan. Sisimulan niya na ang balak ng maglasing pagkatapos ng pag-uusap na ito. Didiretso na siya sa bar kung saan siya nanggaling kagabi.

Di pa man siya nakakalayo ay biglang nagsalita si Jacob, "Psyche suffered the consequences from her actions. You might not like the consequences for yours, buddy."

Hindi niya ito pinansin at lumabas na ng opisina ng kaibigan.

NANATILING  nakaupo si Jacob sa swivel chair niya at pinagkrus ang mga daliri niya bago ipinatong ang baba niya rito.

"He's planning to get drunk until his mystery girl show up." Napailing iling pa siya. Marco's smart but he can read him. He's smart but he's also naive. He faces things head on and is very straightforward. Kaya alam niya na iyon ang gagawin ng binata pagkaalis na pagkaalis sa opisina niya.

"Too bad his efforts are futile." He said because he knows she won't come. Too bad Marco doesn't know that.

Dear Marco ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon