XIII - CONFESSIONS
"TELL me, kuya Marco. May nararamdaman ka ba talaga sa akin? O nakuha na ng misteryosong letter sender na iyon ang damdamin mo?" naiiyak na tanong sa kaniya ng dalaga.
Hindi naman siya agad makasagot. Bakit nga ba niya ito hinahanap? Bakit ba masyado siyang curious kung sino man ito? Ni hindi niya ito kilala. Bigla na lamang itong pumasok sa buhay niya sa pamamagitan ng isang sulat. Ni hindi nga ito nagpapakilala ng maayos sa kaniya wala na itong ibang ginawa kundi guluhin ang buhay niya niya.
At ang bigyan ng kulay ang buhay mo. isip niya.
Hindi niya naramdaman na nakalapit na pala ang babae sa kaniya. "Oo, kilala ko kung sino ang nagbibigay ng sulat. Pero pipiliin mo ba talaga siya? Hindi mo naman siya kilala eh!" anito at naluha. Nagulat siya sa naging reaksyon ng babae sa harapan niya. Hindi siya makaumang.
"Leila... Bakit ka ba umiiyak? Stop crying," aniya rito. Umiling naman ito.
"I hate you!" biglang may kung anong sumikip sa dibdib niya sa sinabi ng dalaga. "Lagi mong sinasabi na nandiyan ka lang para sa akin. Lagi kang nakasuporta sa akin. Tapos dahil lang sa isang misteryosong letter sender mawawala ka sa akin?"
"Alam ko," anito. "Alam kong tinutulak kita palayo. Pakiramdam ko kasi hindi mo naman talaga ako gusto. Tingin mo sa'kin kapatid lang. Kasi kaibigan ka ni kuya Jordan."
"You know how I feel about you..." aniya rito. Hinawi niya ang maalon nitong buhok na tumabing sa mukha nito.
"Really?" pasarkastiko nitong tanong. "What love, then! Ilang taong pagmamahal mapapalitan lang ng dose-dosenang sulat? I don't want your love kung ganon din naman pala!" saka ito tumayo. Hindi alintana na nahakot na nila ang atensyon ng mga staff nito sa shop pati na rin ang iilang mga costumer.
Sinundan niya ang dalaga. Maigi na rin siguro na makalabas sila sa shop para hindi na sila pagkaguluhan.
"Leila, wait!"
"Leave me alone!" sigaw nito sa kaniya at hindi siya nilingon. Tuloy-tuloy lang ito sa sasakyan nito kaya't tinakbo niya na ang distansya nila. He was slightly panting for breath when he reached her. Wala sa isip na nasuklay niya ang buhok na nagulo sa kaniyang pagtakbo gamit ang daliri niya.
Nakasunod ang mga mata ng dalaga sa kaniya. "Bakit mo ba ako sinusundan? Go follow that damn letter sender! Doon kana!"
Ngumisi naman siya sa dalaga at inilapit ang mukha niya rito. Napaatras naman ito habang kinakabahang nakatitig sa kaniya. "H-Hoy lumayo ka!"
"Nagseselos ka ba, Leila?" tudyo niya rito.
"As if! Sinong nagseselos? Go away!" saka ito pumasok sa sasakyan at pinaharurot ito paalis. Nanatili siyang nakangiti habang tinatanaw ang papalayong sasakyan ng dalaga. Habang nakatingin sa sasakyan nito ay biglang pumasok sa kaniyang isipan ang sulat pati na rin si Nes.
Nes... who the hell are you?

BINABASA MO ANG
Dear Marco ✅
Aktuelle Literatur"Dear Marco, Hindi ako kagaya ng ibang tagahanga mo. I can't let you see me. I can't let you know that I adore you. At lalong lalo na ang ipaalam sa'yong matagal na kitang mahal. You're my everything and the reason that I breathe." Nagsimula ang l...