XV

107 4 0
                                    

XV - TRUTH


SA loob ng halos dalawang linggo ay nagpakasubsob sa trabaho si Thoren. Pansamantala niyang winaglit sa isipan ang tungkol sa nangyayari sa kaniya. He went back to being the boring office-guy that he was. 


Hindi pa rin siya iniimikan ng mga kapatid. Although it was bothering him, hindi niya ito pinakita. Tahimik lang siya sa tuwing umuuwi sa kanila at bibihira na lamang din siyang umuwi sa bahay ng kaniyang mga magulang. He kinda wanted to be alone to think. Pakiramdam niya kasi ay disappointed siya sa mga nangyayari. Noong nagsabi siya sa kaniyang mama na sa condo na siya maglalagi ay napagalitan siya nito pero tinuloy parin niya.


Hindi niya rin kinontact si Leila. Maliban sa dalawang miscalls ng dalaga sa kaniya nung unang araw ay wala na itong ni isang text man lang sa kaniya. Sa hindi niya maintindihang dahilan ay hindi rin siya nag-aalala kung ano man ang isipin ng dalaga. 


Para bang bigla na lamang nawala ang kaniyang nararamdaman para rito. 


"Thoren!" 


Seryoso ang mukha niyang nag-angat ng tingin. He's busy. At bilin niya sa sekretarya na hindi magpapapasok ng kahit sino kapag busy siya. 


Nakita niya ang galit na mukha ni Rafael pati na rin ang kinakabahang sekretarya. PEro bago niya itanong rito kung ano ang ginagawa nito sa kaniyang opisina ay mag-asawang suntok agad ang ibinigay nito sa kaniya. Halos mabuwal siya sa swivel chair niya. Inawat naman agad sila ng kaniyang sekretarya. 


"Sir Marco! Sir Rafael!" 


"Gago!" mura nito sa kaniya. Lalo namang nalukot ang mukha niya sa mura nito kaya binawian niya rin ito ng suntok. Kinwelyuhan siya ng lalaki. "Napaka-gago mo, Thoren!" 


"Bitiwan mo ako." aniya at tinanggal ang kamay nito sa kaniyang kwelyo at tinulak ito. Napalayo ito sa kaniya ng ilang hakbang. Hindi parin nawawala ang galit sa ekspresyon ng mukha nito. 


"You should probably act like a civilized person and greet me first, Mendoza." malamig niyang saad sa lalaki. Inayos niya ang kwelyong nagulo nito at sinamaan ito ng tingin. 


Tumawa ito ng mapang-asar na para bang ang lahat ng lumalabas sa bibig niya noong araw na iyon ay puro biro at hindi dapat seryosohin. "Civilized? With you? What for?"


"What the hell is this about, Rafa?" pagod na binalikan niya ang pwesto niya ng mapansing kumalma na ang lalaki. Pinalabas niya na rin ang kaniyang sekretarya. Bagama't nag-aalangan ay sinunod siya nito. "What's with the hostile approach?" 


"Is it true?"

"What?"


"That you're dating Leila? Is it true?" tanong nito sa kaniya. Napakunot naman ang noo niya. Where the hell did the guy got the news from? Since when was he dating Leila? 

Dear Marco ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon