Kabanata 2

51 7 16
                                    

(Chapter 2)

1897, San Miguel, Bulacan.

RESPÓNDEME! De lo contrario, morirás"  (Answer to me! Otherwise, you will die) Patuloy pa ng kastilang guwardiya at nanginginig pa ang kamay na may hawak na baril dahil sa inis. Ang baril ay nakatapat sa aking noo na tila handa niya akong patayin ngayon. Kung kaya niya.

Kinakabahan ako na naiirita, wala akong idea sa sinasabi niya pero alam kong nagagalit siya. Tinatanong niya ba ako? Bakit parang nag hahamon siya ng away? Ubod ng yabang, isa rin namang dakilang mang aagaw ng pilipinas.

Kahit na pinag titinginan kami ng mga tao ay buong tapang akong bumwelta. May iba pang pumipigil sa akin na huwag ko nang patulan ang kastilang ito dahil mapapahamak lang ako pero hindi ako natibag.

"Yúchǔn de xībānyá rén" (Stupid Spaniard) Inis kong wika kaya natahimik ang apat na guwardiya at wala ring naintidihan mula sa akin. Tiningnan ko naman sila ng masama isa-isa.

Ibinaba naman ng espanyol sa baril na nakatutok sa akin at marahas akong hinatak sa braso. "No tengo ni idea de lo que dice. ¡Arresten a esta chica!" (I have no idea what it says. Arrest this girl!) Mariing wika niya kaya kinapitan na pati ako ng mga kasama niya, na pilit ako pinapasama sa kanila.

Teka, saan ba nila ako balak dalhin? Nabangga ko lang, pinapalaki na agad ang usapan. I am just a quiet and innocent woman. I don't have an intention to do bad things. Tapos ganito pa ako tratuhin dito? Kilalanin nila binabangga nila.

"Děngdài!" (Wait) Sigaw ko naman at pilit na pumipiglas sa hawak nila sa akin. Nais pa sana akong tulungan ng iba pero sa tuwing gagalaw sila ay mag papaputok ng baril ang mga guwardiya sa hangin. Na naging dahilan rin ng paghihiyawan ng karamihan.

Natigilan ang lahat nang may lalaking malakas ang loob na sumabat kaya binigyan siya ng daan ng mga taong  nakikiusyoso. Sinundan ko siya ng tingin at hanggang sa tumigil siya sa harapan namin. At sino naman ang lalaking 'to?

"Sandali ho, señor!" Wika nito at laking pagtataka ko nang lapitan niya ako.  Kahit na ipinagtataka ko ay muli akong natahimik. Wala ba siyang nakaramdam ng konting takot kahit may mga espanyol nakapaligid sa akin? Tapang niya, who's him?

"Kaibigan ko po siya. At pinuntahan niya ako rito sa Bulacan upang muling bumista sa akin. Nag mula ang babaeng ito sa malayong probinsiya. Kaya't kung maaari ay magkaroon rin nawa siya ng pagkakataon na makapamasyal sa bayang ito" Patuloy ng lalaking lumapit sa akin na ikinagulat ko. Ang haba ng sinabi niya ha? Pero, bakit niya namang naisipang tulungan ako?

Tulong na rin ang tawag dito. Tinulungan niya ako na makawala sa mga guardia civil na 'to na balak pa akong arestuhin kahit wala naman akong nagawang kasalanan. Hanggang rito ba, may pa recitation? But, excuse me, I am second year college student that has a beauty and brains.

Pinaliwanag naman ng isang guardia civil sa boss nila na nagtapat sa akin mg baril kanina ang sinabi ng estranghero na napaeksena kung kaya't napabitaw na sila sa akin. Napaatras nalang ako at nginisihan sila nung mapadaan muli sila sa harap ko. Kala niyo matetegi nila ako? Never.

"¡Estúpida!" (Stupid!) Giit pa ng pinuno nila na wala nang nagawa kundi umalis dahil may paliwanag na narinig. Kaya mas lumawak ang ngisi ko. Sige na, ako na si Selina stupida, papatay pa kita kay Zihao Chen.

Ang iilang mga tao kanina na nakachismis ay nag alisan na pero may mga tingin pa ng tingin sa akin dahil sa kasuotan ko ngayon. Napatingin nalang ako sa damit ko. Naka red cheongsam dress kasi at medyo kita ang gilid ng hita ko dahil design 'yun. Nakasuot rin ako ng black heels. Galing kasi kami nila kuya Ling sa Bell Church o Taoist temple roon sa Baguio kaya ganito ang suot ko.

Selina (Heartless: The Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon