(Chapter 12)
BUKANG-LIWAYWAY nga kami naglakad ni Danico pabalik kaya mahamog pa ang kapaligiran. Tumatatak pa rin sa isipan ko ang mga nasabi niya sa akin kagabi, ngayon lang ulit ako nagkaroon ng kausap na motivational kung magsalita. Malalim ang ibig sabihin ng mga salitang binibitawan niya.
"Binibini, magsabi ka lang sa akin kung kailan handa ka na muli sa paghahanap. Sa ngayon ay kapahingahan ang iyong kailangan," Panimula pa ni Danico kaya tumingin ako sa kaniya. Lagi niya nalang sinasabi na kailangan ko parati ng pahinga. Lagi ko nalang naririnig sa kaniya. Wala naman sigurong deep meaning 'yun, hindi ba? Nakikita niya lang kasi akong madalas na pagod.
"Pwede ba, huwag mo na akong tawaging binibini?" Wika ko nalang at napahinga ng malalim. Hindi ko siya narinig na tawagin lang akong Selina. Tinatawag niya nga rin ako sa apelyido ko para may kasama pa rin na 'binibining.' Alam ko namang sign yun ng respeto para sa mga kababaihan pero hindi lang ako sanay. Magkakilala man tayo o hindi, basta pangalan ko lang itawag mo sa akin.
"A-ano bang nais mong itawag ko sa iyo?" Tanong ni Danico at ngumiti ng kaunti. Mahina akong napasinghal. Akala niya naman madadala niya ako sa mga ngiti niya. Magtatanong na nga lang, may kasama pang ngiti tsk.
"Selina nalang. Basta 'wag na binibini" Diretsong sagot ko kay Danico. Tumango-tango naman siya at napatingala sa maaliwas na kalangitan ngayong umaga kaya nakita ko rin ang linya ng kaniyang panga. Napatingin nalang rin ako sa araw na unti-unti nang umaangat. Lahat tayo ay may mga pangarap, ni kahit isang tao ay hindi mawawalan ng pangarap sa buhay.
At, tulad ng buwan at araw, pare-pareho tayong bibigyan ng pagkakataon kung kailan ba tayo dapat na magliwanag sa tagumpay pagdating ng panahon. Ang kahirapan ay katumbas ng katagumpayan. Kung gaano ka naghirap, mas malaki rin ang tagumpay na iyong makakamit.
"Kung iyan ang iyong nais, pakikinggan kita, Selina" Sambit pa ni Danico sa akin. Mas okay kung tatawagin niya lang ako sa pangalan ko. Kung pangalan niya lang rin tawag ko sa kaniya, dapat ganoon rin sa akin para quits. Nakadepende rin naman sa isang tao ang magiging ugali ko.
"Edi salamat" Saad ko nalang at dahan-dahan nang naglakad ulit sa pababang daan. Maingat lang ako sa aking paghakbang at ganoon rin naman si Danico na nakasunod sa akin. Trauma sa akin itong nilalakaran ko ngayon. Muntik ko pang ikabagsak.
"Siya nga pala, S-selina. Ako ay may pakiusap lamang sa iyo," Giit ni Danico kaya lumingon ako sa kaniya at naghintay sa susunod niyang sasabihin. Parang kinabahan naman ako sa tono ng pananalita nito ni Danico.
"A-ano?"
"Huwag mo na sanang ipagsabi sa iba na ika'y ilang beses ko nang nahawakan. At, iyong nakita rin ang aking katawan," Sagot sa akin ni Danico. Okay, yun lang pala. Alam ko na naman ang ibig sabihin niya. Ayoko rin ikasal sa kaniya ano. Dito kasi sa era na ito, kapag ilang beses nang nagkahawakan ang lalaki at babae may ibig sabihin na. Tapos itatakda nalang ng kasal.
"M-mayroon na kasi akong lihim na inaakyatan ng ligaw. Ang pakiramdam ko tuloy ay nagawa ko na siyang pagtaksilan" Para akong sinabuyan ng magkahalong mainit at malamig na tubig nang nagpatuloy si Danico sa kaniyang mga salita. Ang nananahimik na katulad ko ay biglang ginulat ng reyalidad. Whut? Seryoso ba siya?
"Ikaw pa lamang ang unang nakakaalam nito, kahit na si Dulce o ang iba ko pang mga kaibigan na malapit sa akin ay walang nalalaman tungkol rito. Handa na rin akong pagsabihan ka ng aking mahahalagang sikreto, Selina" Wika pa ni Danico at muling nagpamalas ng tipid na ngiti. Bagsak-panga kong pinagmasdan ang likuran niya dahil sa hindi ko inasahan yung mga words na mula sa kaniya. Ako? Sasabihan niya na ng hidden secrets niya?
BINABASA MO ANG
Selina (Heartless: The Series)
Misteri / ThrillerDahil sa isang masamang nangyari kay Jea, pito niyang mga kaibigan ang maiipit sa isang sitwasyon kung saan kailangan nilang hanapin ang gamot---isang extinct na gamot na siyang matatagpuan lamang sa lumang panahon. Si Selina ay matulungin at masiy...