Kabanata 7

22 4 0
                                    

(Chapter 7)

"BINIBINING SELINA," Tawag naman sa akin ni Anacleto at nilapitan ako. Hanggang ngayon naman ay naguguluhan ako kung babalikan ko pa ba si Danico sa taas o hindi. Baka kasi siya pa ang madisgradiya roon, imbis na ako.

"Lumabas ka na muna, hayaan mo muna si Danico. Kaya na niya ang sarili niya. At, batid kong batid niya naman ang kaniyang ginagawa" Dagdag pa ni Anacleto at hinawakan pa ako sa pulso sabay hinila ako palabas. Napatingala pa ako sa bintana ng silid kung nasaan si Danico, ako tuloy yung kinakabahan sa pinagagagawa niya.

Tatakbo na sana kami ni Anacleto papalayo pero may humarang sa amin na dalawang kawatan. Muli kaming natapatan ng kutsilyo at pinagtinginan ng masama. Bakit nga ba kasi may mga kawatan na umaatake rito kina Aurelio? Basta nalaman ko nalang nung nag ingay sila!

Sabay kaming umatras ni Anacleto at napatago pa ako sa likod niya. Muli akong siniklaban ng takot at kaba ngayon. "A-at saan kayo pupunta?!" Mariin na tanong sa amin ng mga kawatan. Pakiramdam ko ay nagkabuhol buhol ang sikmura ko dahil sa kabang nararamdaman ko. Baka ito na yung katapusan ng buhay ko.

"A-ano po ba ang naging kasalanan namin sa inyo at kami'y inyong sinasalakay?!" Balik tanong ni Anacleto at tumataas na rin ang kaniyang boses. Nanatili akong nakatago sa likod niya at napayuko nalang. Ayoko na sa sitwasyon na ito, gusto ko na matapos.

"Talagang bumoboses ka pa, ha! Gusto mo bang mamatay ka ng maaga?!" Sigaw ng isang kawatan kay Anacleto. Mas natakot naman ako boses nito. Napahawak nalang ako sa kamay ko na nanginginig. Bakit pa pinapatulan ni Anacleto? Puwede namang tumakas nalang kami agad!

"W-wala ka ngang naibigay sa amin, ang lakas pa ng loob mo na bumoses!" Banat pa ng isa at naglabas ng baril. Naestatwa naman si Anacleto sa gulat. Pati siya ay hindi alam ang gagawin. Ako rin ang natatakot rito.

Puputok na sana ang baril sa harap ni Anacleto pero biglang dumating ulit si Danico at muling nanulak ng mga kawatan na natumba naman sa lakas ng pagkakatulak niya. Ang iilang mga kapitbahay nila Aurelio ay nagkakagulo na rin. Mga nagsisigawan o nagtitilian, dinadala ang mga gamit nila at mga nagsisitakas na. Damay rin pati sila.

"Lumayo muna kayo rito, Anacleto. Mapanganib ang inyong buhay" Wika naman ni Danico at napatingin rin sa akin. Tumango siya kay Anacleto at humawak ulit sa pulso ko at muli kaming napatakbo.

"Ate Amor, nakuha na ng mga kawatan lahat ng alahas ni tiya Kristina, pati ang mga armas ni ama. Hindi naman kami makalaban ni Aurelio bagkus baka ikamapahamak lamang namin iyon," Saad ni Anacleto nang makarating kami sa panig kung nasaan si ate Amora at Amira. Napakapit na rin sa akin si Amira dahil halatang pati siya ay takot na takot. Teka pala, nasaan si Aurelio?

"Wala tayong magagawa, Anacleto. Sinasalakay nila tayo, hindi natin sila kaya" Sambit naman ni ate Amora at napahimas sa kaniyang mukha maging siya ay nalilito na sa nangyayari.

"HINDI KAMI TITIGIL HANGGA'T HINDI NIYO PA NAIBIBIGAY SA AMIN ANG LAHAT NG KAYAMANAN NA MAYROON KAYO! MALIWANAG?!" Malalim na sigaw ng malaking kawatan kaya halos mag iyakan ang ilan na nasa paligid namin. Napaluhod nalang rin ang iba, napapaisip kung bakit nangyayari ang ganito.

"WALA TALAGANG KIKILOS, HA!" Sigaw pa nito kaya mas lalong nagkagulo. Napatigil ako nang may mga magtulakan sa harapan namin at nagmamadali. Hinawakan ni ate Amora ang kamay ko at lihim kaming tumakbo papunta sa likod ng kanilang bahay. At sana naman ay walang nakakita.

Pero nakailang hakbang pa lamang kami ay kaagad na kaming nahuli, muling tinapatan ng baril,  pare-parehas kaming natigilan, at natahimik. Halos mangiyak na pati si Amira na isinubsob ang mukha sa balikat ko.

"Talagang nagmamatigas ang mga ito, aming pinuno! Sabay sabay pa tayong tatakasan!" Nang iinsultong sabi ng isa at naglabas ng napakatulis na maliit na balisong. Napahawak nalang ako sa malamig na kamay ni ate Amora.

Selina (Heartless: The Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon