Kabanata 18

16 4 0
                                    

(Chapter 18)

NANATILI kami ni Danico na nakatago sa likod ng malaking bato dahil narinig na rin namin na unti-unti nang papalapit yung mga humahabol sa amin, sa balak kaming ipadakip ngayong gabi. Hinihingal naman akong tumingin sa gilid para suriin kung ano na nga ba ang nangyayari. Hindi pa rin kami maaaring mahuli rito.

"MAGSILABAS KAYO! NGAYON RIN!" Nanginig nalang yung kamay ko nang muling nahagip nang pandinig ko yung malalim na boses ng isang hindi pamilyar na ginoo na tila handa kaming balatan ng buhay. Napatingin nalang ulit ako kay Danico na gumilid rin ng tingin sa akin dahil sa narinig naming pagsigaw.

"Mauudlot na ang ating plano! Hindi na ito matutuloy gayong may mga tao rito! Hanapin niyo sila!" Sigaw pa nung nakakatakot na lalaki, boses pa lang nito ay nararapat ka nang kabahan. Ano bang plano ang sinasabi nila? Pati ba sila ay may masamang balak na gustong gawin?

"Señor, hindi na po namin sila matuklasan!" Wika pa nung babae na unang nakakita sa amin ni Danico kanina. Ramdam ko na malapit na siya sa amin dahil lumalapit na rin ang boses niya. Siguro ay hinahaluglog pa nila ang buong paligid para mahanap kami. Paano nalang kapag nahuli kami dito? Saan na kami lulugar?

"Hintayin muna natin silang makalagpas," Bulong sa akin ni Danico na hinihingal rin ng kaunti at pawisan ang noo. Tahimik na lang ako na tumango sa kaniya. Hanggang ngayon ay sobrang lakas pa rin ng pintig ng dibdib ko na kaunti nalang ay sasabog na sa sobrang lakas at bilis. Lalo na nung hinawakan ni Danico ang kamay ko, tila kakawala na yung puso ko sa loob ng dibdib ko.

Habang inaabangan namin ni Danico na makalayo yung mga naghahanap sa amin, napansin ko na parang may kung anong nakadikit sa bandang balikat ng suot kong puting bestida. Bigla namang lumuwa ang mga mata ko at parang gustong-gusto ko pang sumigaw sa nakita ko. Nagtaasan pa ang mga balahibo ko sa sobrang gulat!

There's a beetle!

"Salagu--" Sisigaw na sana ako ngunit kaagad na tinakpan ni Danico ang bibig ko kaya natigilan ako. Napapikit ako at diring-diri na inuga ang kanang balikat ko para mapabitaw yung beetle (salagubang) sa pagkakakapit sa damit ko. Takot ako sa salagubang! Ito ang isa sa mga insekto na kinakatakutan ko sa buhay kong ito! Isang dapo pa lang nito sa akin, hihimatayin na ako sa takot!

"S-selina," Kalmadong wika ni Danico na hindi pa rin inaalis ang palad sa bibig ko na walang preno at lilikha pa sana ng ingay. Kasi naman, paano nagkaroon ng salagubang dito! Bakit ang lakas ng loob niya na kumapit sa akin!, Ews, nakakadiri! Kadiri talaga! Damn!

Habang nakalapat pa rin ang isang kamay ni Danico sa bibig ko ay dahan-dahan niyang inalis yung salagubang na nakakapit sa balikat ko at idinikit niya na ito sa isa pang puno ng niyog na malapit sa kinaroroonan naming dalawa. Napahawak nalang ako sa mukha ko, because of nervous. Ayoko nang makakita pa nu'n, ano man ang mangyari!

"Kadiri!" Mahinang asta ko at naiiritang pinagpagan yung bandang balikat ko. Higit sa expensive akong tao, I admitted naman na maarte ako! Oo, lalo na kapag spider at beetle ang makikita ko! Willing na akong magpapalibing nalang ako ng buhay.

Nakita ko na lang na umiling-iling si Danico at pinulot yung hindi kalakihang bato at direstong ibinato sa dahon mula sa puno kaya nakalikha ito ng isang ingay na ikinatingin ng dalawang lalaki at isang babae na walang awat sa paghahanap sa amin.

"Dito! Naroon sila!" Saad nung babaeng uto-uto at sabay sabay na nga silang nagpunta sa lugar na iyon sa pagaakala na naroon nga kami. Nang makalayo sila ng kaunti ay sabay nalang kaming napatayo ni Danico at napahinga ng malalim. Para akong natanggalan ng  nakabarang tinik sa lalamunan ngayon na narealize ko na pwede na kaming nakauwi. Sa wakas naman!

"T-tayo na," Wika ni Danico na nauna na pala sa akin. Napansin ko ang sarili ko na nanatili pa rin na nakatayo. Napaismid nalang ako at sumunod na rin sa kaniya.

Selina (Heartless: The Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon