(Chapter 16)
NANGINGINIG ang mga kamay ko habang nakahawak sa baril na siyang nakatapat naman sa isang punong-heneral na halos kabahan at matakot na. Hindi ko naman alam kung ko ito nagawa, at hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko ngayon na tila nababaliw sa kawalan.
"Estúpida...¿Qué está haciendo esta
mujer?"(Stupid...What is this woman doing?) Mahinang nagbulungan naman mga kababaihang insurales kahit na hindi ko masyadong naiintidihan ang kanilang mga pinag-uusapan ngunit hinuhusgahan nila ako gamit ang mga tingin."Selina!" Narinig kong tinawag ako ni Danico na balak pa akong lapitan ngunit hinarang siya ng dalawang guardia civil. Maya-maya rin ay dumating rin si ate Dulce tinawag rin ang pangalan ko ngunit kahit siya man ay walang nagawa, hindi siya makalapit sa akin.
"¡Baja el arma! ¡Aléjate de nuestro líder!" (Put the gun down! Stay away from our leader!) Nabitawan ko nalang yung baril na hawak ko dahil mas lalo pang nanginig ang mga kamay ko dahil sa sigaw sa akin ng isang guardia. Natuklasan ko rin kaagad ang lihim na pagtakas ni Leonero sa isang tabi. Sapagkat maaari siyang madamay kung mapagalaman pang kasamahan siya ng mga namatay na kalalakihan sa grupong rebelde upang patumbahin ang pamahalaan ng mga kastila.
Sa panghihina ng tuhod ko ay napadapa nalang ako. Nakita ko ang wangis ni professor Alexander Mith kanina, habang naririnig ko ang bawat pagputok ng mga baril ay nakangiti pa siya sa akin ng nakakaloko na para bang nang-aasar, o nakikipaglaro sa akin.
Iyon rin ang dahilan kung bakit ako nagkasa ng baril na ngayon ko lang nagawa sa buong buhay ko. Ngunit sa isang kisapmata, ay nawala rin si professor Mith sa aking paningin. Natapatan ko ng baril ang punong-heneral na ito sa pag-aakalang siya ang scientist na gumugulo sa aking isipan. Akala ko, narito si Alexander Mith, pero nagkamali ako sa pag-aakala. Mali ako ng tingin.
"Congratulations, Selina!" Mas lumakas pa ang tawa ni professor Mith at inalalayan ang daliri ni Jea para kalabitin ang gatilyo ng baril ng pareho nilang hawak. Napasigaw nalang ako sa kawalan nang diretsong tumama ang bala ng baril na tumama sa tapat ng aking puso.
Hindi. Panaginip lang naman iyon, ngunit bakit parang may bumabagabag sa akin? Bakit parang masama ang kutob ko? Bakit ganito?! Hindi iyon pwedeng mangyari, napaka imposible no'n!
"¡Arresten a esta mujer! (Arrest this woman!) Mariin na wika ng punong-heneral na nakasuot ng presentableng uniporme at itinuro ako kaya kaagad akong ginapos. Inutusan niya pa ang iba guardia civil sa pamamagitan ng wikang espanyol.
I'm now arrested. And I don't know what to do. Mga kastila ito, hindi ko sila basta-basta nalang lalabanan. They are the the most powerful people here in the Philippines in this era! What should I do? May magagawa pa ako sa lagay na ito?
"Espere! (Wait!) Sambit pa ni ate Dulce at lalapit pa sana sa akin ngunit pinigilan rin siya ng mga guardia. Habang ginagapos ako, nagtugma rin ang mga tingin namin ni Danico. Habang nakatingin ako sa kaniyang mga mata, may nabasa ako mula roon. Ibig niya raw akong samahan.
SA isang opisina ako dinala. Tulad kanina ay marami pa ring mga nakapaligid na guardia. Tinanggal pa ng isang guardia civil ang gapos sa aking mga kamay at pinaupo ako sa silya kung saan malapit ang mesa ng punong-heneral, na umupo rin sa silya. May watawat pa ng spain sa likuran ng inupuan niya.
Hanggang ngayon naman ay patuloy akong sinisiklaban ng kaba at takot sa kadahilan na baka ipakulong nila ako nang dahil sa nagawa kong iyon.
"¿Por qué hiciste eso? ¡¡Por favor explique!" ((Why did you do that? Please explain!) Mariin na tanong sa akin ng isang kastilang heneral na may mataas rin na ranggo, o katiwala ng punong-heneral. Hindi ko naman naintidihan yung mga itinatanong sa akin dahil Mandarin, Filipino at English lang ang alam kong wika. Hindi ako bihisa sa iba pang languange lalo na ang spanish.
BINABASA MO ANG
Selina (Heartless: The Series)
Mystère / ThrillerDahil sa isang masamang nangyari kay Jea, pito niyang mga kaibigan ang maiipit sa isang sitwasyon kung saan kailangan nilang hanapin ang gamot---isang extinct na gamot na siyang matatagpuan lamang sa lumang panahon. Si Selina ay matulungin at masiy...