(Chapter 3)
NAPABAGSAK-PANGA ako at hindi maaalis ang tingin sa lalaking Aurelio pala ang pangalan. Siya yung tumulong sa'kin kanina! Talaga bang taga dito siya sa tinuluyan ko? Totoo ba? Kapatid pala siya nila ate Amora at Amira! Bakit parang ayaw kong maniwala?
Pareho kaming gulat na gulat at hindi mapakapaniwala na nakatingin sa isa't isa. Maging siya ay hindi na nakapagsalita. Nagbalik-balik ang tingin ko sa kaniya pati sa baso na nabasag ko dahil malakas ang pagkakabagsak nito sa mesa. Nakagawa na tuloy agad ako ng perwisyo. Pa'no na 'to.
Napatikhim ako at tumingin kina ate Amora na bakas ang pagtataka. "S-sorry t-talaga---ay ang ibig sabihin ko ay paumanhin. Ako na lang ang mag lilinis. Pasensya na po kayo" Sambit ko naman at hahawakan na sana yung mga bubog pero pinigilan ako ni Amira sa pamamagitan ng paghatak sa kamay ko.
"A-ayos lamang, binibining Selina. Huwag mo nang intindihan ang basong iyan" Saad niya sa akin. Tumango si ate Amora bilang pagsangayon at siya na rin ang nag dakot nung nabasag na baso gamit ang puting tela at itinapon ito sa basurahan. Nakabasag pa tuloy ako.
"W-wala naman itong kaso sapagkat marami pa naman kaming mga baso. Ngunit, bakit tila'y gulat na gulat kayo ni Aurelio sa isa't isa, Selina?" Tanong ni ate Amora sa akin at tumingin rin kay Aurelio na nanatiling nakatayo sa hadgan. Hindi nanaman ako makapagsalita, paano ko ba sasabihin?
"Kayo ba ay nag kita na noon pa man?" Patuloy pa niya na pinupunasan na ang mesa. Napaiwas ako ng tingin. Actually, kanina lang naman. Tinulungan niya nga akong makatakas sa mga kastila. Mabuti naman at tanggap pa rin siya ng mga kapatid niya kahit ang sabi niya sa Ní hǎo ay inihaw. Tss, it's 'hello' or 'hi' in chinese.
"Selina, Selina, Selina....." Mahinang wika ni Aurelio pero narinig ko dahil malapit ako ng kaunti sa kaniya. Bakit ba? May problema ba siya sa pangalan ko?
"Ginoong Aurelio?" Tawag muli sa kaniya nung matandang payat kaya napasinghap si ate Amora dahil kanina niya pa tinatawag ang kapatid pero ang bagal bagal pa bumababa. May iniisip pa ata siya ha?
"Aurelio! Kanina pa nag hihintay sa iyo si manong" Ulit pa ni ate Amora kaya napahimas naman sa mukha si Aurelio at kaagad nang bumaba. Napalunok ako at sinundan siya ng tingin hanggang sa tumigil siya harap nung matanda.
"Magandang gabi po. Ano po ang inyong sadya?" Magalang naman na tanong ni Aurelio sa matanda at lumingon sa tatlo niyang kapatid. Muli naman siya nitong binati ang nginitian.
"Ipinapadala ito ni señora Kristina De Castro, mula sa Calamba. Sa katunayan ay ipinasabay niya lamang ito sa akin" Paliwanag ng matanda at inabot kay Aurelio yung brown na box na ang lakas maka vintage.
Nang marinig ko ang lugar na Calamba, parang nagbago nanaman ang daloy ng pakiramdam ko. May kailangan akong maalala pero hindi ko naisip sa dami ng sumasagi sa isipan ko. Parang may kulang.
"Kailan raw po makakauwi sina tiya?" Tanong naman ni Aurelio. Nanatili akong nakatingin sa kaniya. Ganiyan na ba siya kagalang?
"Wala siyang nabanggit kung kailan sila makakauwi" Sagot sa kaniya ni manong. Ang lalim naman sila mag salita. Pwede naman sabihing 'hindi pa', pinahaba pa.
"Kayo ho ba si Mang Lucio Añasco? Maraming maraming salamat po" Mahinang saad pa ni Aurelio at sa pagkakataong ito ay lumingon siya sa akin na nakatayo sa tabi ni Amira. Napayuko nalang ako, bakit sa'kin siya titingin e hindi naman niya ako kinakausap? Eme masyado.
"Ganoon na nga, ginoo. Salamat sa iyong oras. Mauuna na ako" Winakasan naman ni Mang Lucio ang usapan nila dahil sa gabi na. Sabi kanina ni Amira ay alas dies imedya na, anong oras na naman kaya?
BINABASA MO ANG
Selina (Heartless: The Series)
Mystery / ThrillerDahil sa isang masamang nangyari kay Jea, pito niyang mga kaibigan ang maiipit sa isang sitwasyon kung saan kailangan nilang hanapin ang gamot---isang extinct na gamot na siyang matatagpuan lamang sa lumang panahon. Si Selina ay matulungin at masiy...