Kabanata 22

59 4 0
                                    

(Chapter 22)

SUNOD-SUNOD na kalabog pa ang narinig namin sa ibaba, at parang mawawasak na ang pinto sa malakas nang ginagawang pagkalabog dito kaya maging ako ay nawawala na sa sarili. Ang bala rin ng baril na kumawala sa hangin ay hindi maawat sa pagputok. Nasa gitna na kami ng panganib, ngunit imbis na kami ay kumalma ay pare-pareho rin kaming natataranta at nababahala sa pagikot ng oras. Tila nakatingala kami ngayon sa alon ng suliranin na unti-unti nang lumalapit at bumabagsak sa amin.

"Reitero mi pregunta, ¿está aquí Danico Jiménez y su familia?!" (I will repeat my question, is Danico Jiménez and his family here?) Marahas na tanong muli ng isang guardia civil kaya mas lalo na lang silang naalarma at hindi na lubos maisip kung ano ba ang dapat nilang gawin. Hindi na matigil ang ginagawang kalabog sa baba dahil nakakakando ang pinto at mukhang nahihirapan pa ang mga kastila na buksan ito nang tuluyan, kaya umusbong pa ang pag-asa ni Danico para makapag-isip ng maaaring paraan sa problema na ito. May matitira pang kaunting minuto para matakasan nila ang panganib na tumatawag sa kanila.

"K-kuya, anong gagawin natin? S-siguradong dadakipin tayo ng mga kastila," Nanginginig na tanong ni ate Dulce sa kapatid at humawak sa kamay nito na nanginginig din. Napadako nalang ang malungkot na tingin ni Danico sa kaniyang ina na hindi na makapagsalita, samantalang ang kaniyang ama ay inis na napahimas sa mukha nito, dulot ng pag-iisip sa susunod na maaaring mangyari. Ang kaniya namang dalawang nakababatang kapatid ay nakaupo sa isang gilid, at parehas na nangangamba. Hindi lang siya ang maaaring sumabit sa sitwasyon na ito, pati na ang kaniyang mahal na pamilya.

"Danico Jimenez, prepárate porque para cuando te veamos a ti y a tu familia, todos moriréis" (Danico Miguel Jimenez, get ready because by the time we see you and your family, you will all die) Narinig ko pa ang malakas at malalim na boses ng isang guardia civil mula sa ibaba, at ang mga salitang binitawan nito ay puno ng pagbabanta na mas nagdulot pa ng kaba sa akin. Mas lalong nataranta si Danico at napaupo nalang sabay napahawak sa ulo niya na amino'y masisira na dahil sa kaganapan na ito kaya agad ko na lang siyang pinagsalinan ng tubig at tinapik ang balikat niya. Kahit ako ay hindi ko alam kung paano ko sila matutulungan na magtago ngayong napapaligiran ng mga kastila rito ngayon, imposibleng makatakas sila sa lagay na ito.

"Danico, kayo'y gumawa na ng paraan upang hindi kayo maabutan ng mga kastila! Huwag ka munang tumulala, pakiusap. Buhay niyo ang nakasalalay dito!" Tarantang wika ni kuya Crisostomo ngunit sa kalmadong paraan para hindi marinig ang kaniyang boses. Maging siya ay hindi na mapakali. Tumayo naman si Danico at kinuha ang mahabang espada na nakasabit sa pader ngunit napabitaw rin siya rito. Imposible na manalo siya, kahit na paulit-ulit niya pang subukan, hindi napapasakaniya ang tagumpay lalo na't mga kastila ang kalaban niya. Ngunit, hindi dapat na sumuko lang siya, sapagkat naniniwala ako na may maitutulong pa ang tadhana kahit na siya mismo ang pasimuno ng suliraning ito.

"Tito Romeo, tita Delfina, huwag po kayong mataranta. Kalmahan niyo lang muna po, hindi ako maaaring magkamali na maaaring posible pa na maitago niyo ang mga sarili niyo" Wika ko naman at inabutan rin ng tig-isang basong tubig si don Romeo at si tiya Delfina na hindi na mapakali pa. Tumango pa ako sa kanila para sabihin na nararapat silang magpakatatag ngayon sa sitwasyong lumalason sa kanilang lakas.

"No te preocupes, pronto podremos abrir esta puerta también. Vamos a averiguar" (Don't worry, we'll soon be able to open this door too. Let's find out) Saad pa ng isang panibagong guardia civil na nasa ibaba habang patuloy lang na kinakalabog ang pinto. Mas nagitla ang lahat nang magpaulan ng bala ang mga kastilang guardia sa bintana kahit nakasarado ito. Parang mabibingi ako sa walang tigil na tunog ng baril. Nang dahil sa nagaganap ay parang lumulutang na ang aking isip, natulala ako sa kawalan, at nanginginig ang aking mga kamay. Ang pangyayaring ito ay tila humahatak sa akin pabalik sa kadiliman.

Selina (Heartless: The Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon