(Chapter 15)
"MASAYA akong makita kang muli, Danico," Habang nakatago sa pader ay narinig ko ang nagsalita, si Leonero. Tumaas pa ang gilid ng labi nito habang nakatingin lang ng diretso kay Danico na seryoso ang mga mata. Hindi ko akalain na makita ko muli siya sa pagkakataong ito, na nagawa niya nanaman akong masagip sa binggit ng kapamahakan.
"Masaya rin akong maka-usap ka muli, Leonero. Kamusta? Hanggang ngayon ba ay taksil ka pa rin?" Sarkastikong wika rin ni Danico at unti-unti nang lumapit sa dalawang lalaki. Nanatili naman ang paningin ko sa kanila, na hindi ko na rin maiiwas. Bakit iba sila kung mag-usap? Magkagalit ata sila, pa'no ko naman sila susuwayin?
"Heto, nabubuhay pa rin. Ikaw, kamusta ka ba? Wala ka pa rin bang silbi sa pamumuno?" Mariin na wika pa ni Leonero at ngumisi kay Danico na napayukom na ang kamao. Napatikhim nalang ako, baka mamaya bigla silang magsapakan, ang talim ng mga tinginan nila. Tatakbuhan ko lang ba sila?
"Leonero, itigil mo na ito. Baka may makarinig na mga kastila. Nahanap na rin naman natin ang kasagutan sa ating katanungan. Kilala ng binibining iyon 'yang si Jimenez. Nakita mo na rin naman, hindi ba?" Pumagitan naman ang kasama ni Leonero sa kanila biglang pag awat. Naging kalmado pa rin si Danico sa usapan na iyon, kahit na gusto niya nang pumatol nang dahil sa mga salita na siyang natatanggap niya rin.
"Ito ang tatandaan mo, Danico. Ang panig mo pa rin ang babagsak. Wala kang panikabang na pinuno, at hinding hindi na ako aanib pa muli sa iyo!" Asta pa ni Leonero kay Danico na napapikit nalang at napahawi sa buhok. Nagbalik-balik naman ang tingin ko sa kanila dahil sa painit na nang painit ang kanilang nagiging alitan.
"Sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin, Leonero. Pakikinggan ko lahat ng kahibangan mo," Giit pa ni Danico at muling tumingin ng malalim sa kausap. Nasaksihan ko naman na lumapit si Leonero kay Danico at bumulong, pero narinig ko pa rin 'yun.
"Isa lang naman ang nais kong sabihin, Jimenez. Hindi kita tinatanggap bilang kakampi," Usal ni Leonero at muling ngumisi nang puno ng pagkakasarkastiko. Hindi rin maitatanggi ang tinataglay na kagwapuhan ni Leonero, 'yun nga lang, malagim ang dila niya sa pagsasalita.
Ano nga yung pinag aawayan nila? Sa pagkakaintindi ko, ay nonsense daw si Danico bilang leader---ng rebeldeng grupo? Ibig sabihin, mag kaaway talaga 'yang dalawa na iyan? At may nagtatrayduran?
"Ganoon rin ako, Leonero" Bawi rin ni Danico sa malumanay na tono. Bakit ganoon, ang bait niya pa rin? Siya lang yung nakita kong nakikipagbarahan nang chill lang. Ibang iba siya.
Nagpakita naman ulit ako sa kanila kaya napatingin silang tatlo sa akin. Tumingin muna ako kay Danico bago kay Leonero na nasa akin lang rin ang paningin. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit sila magkagalit.
"Haharapin kita balang araw. Paghandaan mo ang iyong pagbasak." Habol pa ni Leonero saka umalis na rin ng tuluyan. Nang makalayo layo sila ay lumapit naman ako kay Danico na napailing-iling. Kung nakabalik na siya, ibig sabihin nandito na rin si ate Dulce?
Napatingin rin ako sa kaniya, parang nanibago ako sa kaniya dahil naka suot siya ng puting polo na naka tock-in at itim na pantalon. Makintab rin ang sapatos niya at meron rin siyang orasan na kwintas.
"Ayos ka lang ba, Selina?" Tanong niya sa akin. Napahalukipkip ako at napayuko. Ang tagal ko rin siyang hindi nakita, ah?
"I-ikaw?" Imbis na sumagot ako ay iyon ang lumabas sa aking bibig. Narinig ko ang mahinang pagbuntong-hininga ni Danico at napansin ko rin ang sulyap niya sa akin dahil nakaharang sa mukha ko ang buhok ko.
"Oo naman. Pagpasensiyahan mo na iyon si Leonero. Malalim ang galit niya sa akin, ibig niyang pabagsakin ang aking panig" Wika niya naman at ngumiti. So, ano pa reason kung bakit sila magkagalit? Gusto kong malaman.
BINABASA MO ANG
Selina (Heartless: The Series)
Mystery / ThrillerDahil sa isang masamang nangyari kay Jea, pito niyang mga kaibigan ang maiipit sa isang sitwasyon kung saan kailangan nilang hanapin ang gamot---isang extinct na gamot na siyang matatagpuan lamang sa lumang panahon. Si Selina ay matulungin at masiy...