Kabanata 6

32 4 0
                                    

(Chapter 6)

"BINIBINI, saan ang iyong destinasyon?" Natigilan naman ako nang tanungin ako ng kutsero na siyang nag papatakbo ng kabayo mula sa labas. Napatingin ulit ako kay Danico na napaiwas na ng tingin habang hawak hawak ang kaniyang salakot. Saan niya naman nakuha yung pangalan ko?

"Ahm ano po sa..." Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil hindi ko naman alam kung saan yung eksaktong address ng bahay nila Aurelio. Anong street ba sila? Or phase?

"B-basta ituturo ko nalang po kung saan ako bababa" Sagot ko nalang at napaismid at saka muling binaling ang tingin kay Danico. Hindi ko alam kung bakit wala akong lakas ng loob na tanungin siya kung paano nga niya nalaman na ako si Selina. At sino rin pala siya para tawagin ko?

"H-hoy, ikaw, teka nga. Paano mo nalaman ang pangalan ko? Wala akong naalala na sinabi ko sayo 'yun" Mariin ko namang tanong kay Danico na nasa labas lang ang tingin. Nakita kong nagpipigil siya ng ngiti na parang ewan. Ayusin niya lang talaga sagot niya sa'kin.

"Basta, labas ka na roon, binibining Selina" Sagot niya sa akin. Napapikit nalang ako sa inis at niyakap yung bayong na hawak ko. Sige sabi niya e.

"O-okay fine! Sino ba naman ako para sagutin ng maayos" Asta ko naman at napairap. Ngumisi lang si Danico ng kaunti at napasandal sa kalesa. Akala mo talaga ikinapogi niya yan, hindi ano!

Nang matanaw ko na yung palayan nila Aurelio ay kaagad na akong nagsabi sa kutsero. Muli akong gumilid ng tingin kay Danico na nagpapatunog ng daliri. Naghahamon ba siya ng suntukan?

"M-manong, rito na lang po ako. Thank you" Wika ko naman at humawak sa mahaba kong saya na lagpas sa lupa. Nagpasalamat rin naman sa akin si manong kutsero. Grabe talaga yung haba ng mga palda rito sa spanish era. Kahit na dulo ng daliri ko sa paa halos natatakpan na.

Nung makababa ako ay naramdaman ko ang prensensya ng pagbaba ni Danico na nakasunod sa akin pero hindi ko nalang siya pinansin. Pero, saan kaya pupunta 'tong Jimenez na 'to? Kala niya makakalimutan ko na pinagbibintangan niya akong spy.

"Saan ka ba pupunta? Bakit ka sumunod sa akin?" Tanong ko kay Danico dahil isang hakbang ko pa lang ay sumusunod na pala siya sa akin. Napahimas naman siya sa mukha niya at napahinga ng malalim bago sumagot. Ang hilig niya mag suot ng white kamiso, hindi naman maputi yung laba.

"A-ah, kung iyong mararapatin ay pupunta ako sa tahanan ng aking pinsan na si Aurelio. Iyon lang" Diretsong sagot sa akin ni Danico at sinabayan ako maglakad. Nagsalubong ang kilay ko. Tahanan ng pinsan niya na si Aurelio?

"Ha? Aurelio?" Naguguluhan kong tanong. Sino bang Aurelio ang tinutukoy nitong mokong na 'to?

Tumango naman si Danico. "Oo, kay Aurelio Delgado De Castro. Siya ay aking pinsan, kapatid ng aking ina ang kaniyang ina," Napatayo ako ng tuwid ng marinig ang sinagot niya. Ano kamo? Pinsan niya si Aurelio? Sila ate Amora at Amira? As in legit? At pupunta pa siya roon?

Binuo niya pa talaga yung pangalan. Ang kumpleto naman nito kausap.

Sinabit ko nalang yung bayong sa balikat ko at tumakbo para unahan siya kina Aurelio. Tinawag pa ako ni Danico pero hindi ko siya nilingon. At yun na nga, parehas pa kami ng pupuntahan.

"UY, Danico balita ko raw wala ka pa ring kasintahan. Galaw galaw naman! Napag-iiwanan ka na ng panahon" Narinig ko naman nagsasalita si Bonita sa ibaba. Mukhang kilalang kilala na nila yung Danico
'yun. Nakatayo lang ako malapit sa may hagdan at nakikinig sa kanila. Nakakahiya bumaba.

"Ay sus, Bonita. Isa ka rin namang walang kasintahan. Patas lang" Saad naman ni Danico mula sa baba. Medyo maingay rin sila dahil sa naguusap-usap sila na may halong tawanan. Samantalang ako rito sa taas ay tulala at iniisip kung saan mahahanap yung extinct leaf.

Selina (Heartless: The Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon