Kabanata 8

22 4 0
                                    

(Chapter 8)

"SINO ba ang binibining iyan?! Siya ay gumagawa pa ng disgrasiya!" Napapikit pa rin sa sigaw ng panibagong heneral na kahit kalmado lang naman. Kakarating lamang nito at sakay ng kabayo. Nanatili si Danico na nakahawak sa akin, parehas na rin naming naibaba ang mga likod namin dahil sa pagkabigla.

"P-paumanhin po, Kolonel Guerra. Ako na po ang mangangako na hindi na siya masasangkot sa anumang uri ng kaguluhan at kapahamakan," Narinig kong paliwanag ni Danico na unti-unti na naman akong binitawan. Unti-unti kong inangat ang tingin ko sa entablado. Lahat na ng mga kawatan, tuluyan nang natumba at nakitil na ang mga buhay.

"Ako'y umaasa na mag ingat na kayo sa susunod. Maliwanag ba?" Medyo mariin na sambit nung heneral na si Alberto at tiningnan kami ng tig-isa ni Danico na napayuko. Yung mga tao na manonood ay narito pa rin na nakatingin naman sa amin.

"Paano na lamang kapag natamaan yang kasin---ah, kapatid mo ba iyang babae na iyan?" Tanong nung kolonel Guerra kay Danico. Napahimas naman ito sa likod ng kaniyang ulo at napatingin sa akin. Iniwas ko na lang ang tingin ko, hindi ko na tuloy nahabol si Zaraniah! Saan ko nalang ulit siya makikita?!

"Pasensiya na po talaga. Hindi na po mauulit. Kaniya lamang pong hindi napansin ang pagkasa ng gatilyo ng mga guardia. Muli po akong humihingi ng kapatawaran sa inyo," Dagdag pa ni Danico at muling yumuko sa heneral at kolonel. Nang hindi na siya nakatingin sa akin ay ako naman ang gumilid ng tumingin sa kaniya.

What if, hindi niya ako nilapitan? Paano na lang kung hindi niya ako niligtas? Edi sana, mabibigo ako sa mission ko na hanapin yung gamot na para kay Jea. Sana rin, natapos na nang tuluyan ang buhay kong ito sa isang iglap lang.

"Mag ingat na kayo. Kung sana hindi ka dumating kaagad, kanina pa napasama sa kamatayan yang binibining kasama mo" Patuloy pa ni heneral Alberto at pinantaasan ako ng kilay para sabihin na itatak ko sa kokote ko yung sinabi niya. Napaismid nalang ako at hinawakan yung kamay ko. Nakagawa pa tuloy ako ng kahihiyan.

"Mauuna na kami," Paalam pa ni Alberto. Humabol pa naman si Danico at humingi ulir ng sorry.  Nagsisialisan naman ang mga nanood kanina. Nakita ko rin na naglalakad na papalapit sa amin sina Amira. Napahinga nalang ako ng malalim at napatitig sa palad ko.

Muntik ko pa ikamatay yung ginawa kong paghabol kay Zaraniah. Pero, nasisigurado ko na siya talaga yung naglalakad na 'yun! Hindi ako nagbibiro, mas totoo pa sa panaginip mo! Kilala ko si Zara, likod niya pa lang talaga.

"Carlos, sabihin mo sa mga tauhan mo ay sunugin kaagad ang mga labi ng mga katawan na ito. Roon sa tanong lugar. Darating rin raw ngayong araw ang hukbong-presidente" Narinig kong sabi ni Alberto doon sa kolonel na si Carlos. Magkaharap na sila at nag-uusap. Ang brutal naman ng usapan nila

Papakinggan ko pa sana sila pero bigla namang nagsalita si Danico sa tapat ko. Napatingala nalang ako sa kaniya at sa pagkakataong ito ay napatingin ako sa mga mata niya na nasisinagan ng maliwanag na araw.

"Binibini, patawarin mo ako kung hinawakan muli kita. Pero, kasi yung ginawa mo, napakadelikado," Sambit niya at tiningnan rin ako pabalik. Ako naman ang napayuko at hindi makapagsalita. Hindi ko alam kung paano magsosorry sa kaniya. Siya na nga yung nagpaliwanag kanina tapos siya pa yung nag sorry para sa akin, imbis na ako.

"Binibining Selina, nataranta ang lahat nang dahil sa iyong ginawa. Lalo na kami," Wika naman ni Amira nang makalapit siya sa amin. Nanatili naman akong tahimik, walang masabi nang dahil sa nagawa ko. Pati pa tuloy sila kinabahan nang dahil lang sa akin.

"Mag iingat ka na parati, binibini" Saad naman ni Aurelio sa akin. Tanging tango na lang ang naisagot ko sa kaniya at banayad akong nginitian. Kita ko rin sa mga tingin niya ang naging pag-aalala, at hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba ito.

Selina (Heartless: The Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon