1 message.
Fr: 09010203040
Haii foo.. ;) KhAeN kHa nHa hUh.. wAg pPaLipAssz ;)
Eto na naman. Kelan ba 'to titigil!? Hindi ko siya nirereplayan kahit naka 1 month unli pa ko. Manigas siya. Tss.
" Rica! Kain na, aba! Hindi pinaghihintay ang pagkain. " sabi ni Mama.
Bumaba na ko atsaka nagpunta sa kusina. As always, isda na naman ang ulam. Ano pa bang aasahan dito!
" Isda na naman Ma!? Kelan kayo mauumay diyan. Kainis. " sabi ko at umupo na.
" Anak, alam mo namang mahirap ng kumita ng pera ngayon diba? Labandera lang ako at ang tatay mo isang delivery man lang.. " ayan na naman ang walang katapusang daldal ni Mama.
" Sa inyong apat na magkakapatid ikaw pa lang ang nakakatapak sa College. Ang mga kapatid mo? Ang Ate at Kuya mo hanggang high school lang ang kinayanan at naghanap na ng trabaho para sa pang College mo, kaya sana naman wag ka ng umangal kung isda lang ang kinakaya natin. " mahabang litanya niya.
Hindi naman kase kami ganun kayaman. Tulad nga ng sabi ni Mama, labandera lang siya at mahigit 800 lang ang kinikita niya. Si Tatay naman weekly ang sweldo, laging 5,500 ang sweldo. Yung 3,000 sakin, pagkakasyahin ko na ng isang linggo. To the point na dun ko na din kinukuha ang pang project ko. Tss. Si Ate, andun sa ibang bansa. Pero nagpapadala naman ng pera. Di ko nga alam kung paano nakapuntang ibang bansa yun eh! Basta ang alam ko, nag asawa tapos ayun, gora na.. si Kuya naman, waiter sa isang karinderya, weekly 3,500 tapos minsan kapag wala siyang magawa, sa kanya nagpapagawa ng mga project ng mga high school dito oh kaya elementary.. minsan kumikita siya ng 1,500.
" Nga pala, magpapadala na ang Papa mo, baka naman pedeng 2,500 muna ang baon mo ng isang linggo, mapuputulan kase tayo ng kuryente kapag di pa ko nakapag bayad sa isang araw. " -Mama
" Ma naman! Di na nga magkasya yung baon ko tapos babawasan niyo pa. Ugh. Sina Ate at Kuya wala pa bang naibibigay!? Kainis. " sabi ko. Nawawalan na ko ng ganang kumain. Amp.
" Pasensya na Rica.. pero ang Kuya mo kase natanggal sa trabaho.. ang Ate mo naman sa isang linggo pa.. " sabi ni Mama.
" Aish. Ewan ko sa inyo Ma, matutulog na ko. "
" Teka Ate, di ka ba kakain?? " tanong ng apat na taong kapatid ko.
" Wala na kong gana. " sabi ko at pumunta na sa kwarto ko. Kainis.
Fr: 09010203040
2lOg kHa nHa foO bHa? GuD nYt foo. swiT drImszsx.. ;)
Isa pa 'to. Leche!
---
" May alam ba kayong pedeng pag work'an? " tanong ko kina Luna at Gail. Andito kami sa field, sa may puno puno. Pack lunch kami ngayon eh. At buti naman may hotdog na tira sa amin kaya yun ang baon ko -.-
" What? Bakit naman girl? " -Luna
" Nakakapanibago ha.. " -Gail.
" Aish! Nakakainis kasi eh, babawasan baon ko. "
" Oh, I see. I guess dun sa karinderya malapit sa park! Pwede pa. May nakita ako kahapon dun eh, need waitress daw. Kahit ano. Hehe. " -Luna.
" Talaga? Sige pupunta ko. "
" Samahan ka na namin! " -Gail
" Nako, wag na. Salamat na lang. Kaya ko naman eh. "
Fr: 09010203040
BkT nKa pAcK lUncH kHA nGauN...? daTi nMn nAg pUpunTah kHang mCdO..?
Ugh. Lahat na lang alam niya. Kainis! Hanggang tanghali lang ako ngayon since Wednesday. Kada Monday kase at Wednesday hanggang tanghali lang ako, naisip ko ding mag part time job para naman makatulong ako kina Mama. Naisip ko kase yung bunso namin, baka hanggang elementary lang ang matapos niya, ayoko namang mangyari yun, sina Ate at Kuya nga, hanggang High School lang para makapag College ako eh, kaya dapat may maitulong man lang ako.. Kaya sana matanggap ako.
Nagpaalam na ko kina Luna at Gail. Dali dali naman akong nagpunta sa karinderya malapit sa Park daw.
" Ahm, ano po yun? " tanong sakin ni Ate.
" Ah eh, itatanong ko lang sana kung available pang maging waitress. "
" Ay nako ineng, pasensya na ha. Naunahan ka na kase nung dalwang babae. " sabi ni Ate.
" Hala, ganun po ba. Sayang naman. Kailangan ko po kase ng trabaho. "
" Ah. May kaibigan akong kabubukas lang ng Cafe niya! At for sure matatanggap ka nun! " -Ate.
" Talaga po? Saan po ba? "
" Well, ang pagkaka alam ko, sa pangalwang Street pagkatapos sa Petit University. " -Ate.
" Ah, dun po ako pumapasok. Marami pong salamat! " sabi ko at tumakbo na. Baka maunahan na naman ako mahirap na.
Andito na ko sa harap ng Cafe. Ang.. ang ganda.. Pumasok ako sa Cafe. Sobrang tahimik. Wala pang katao tao. Except dun sa may counter.
Nakita naman ako nung lalaki na nakasalamin. Ngumiti ito sa akin at lumapit.
" Ikaw siguro ang sinasabi ng kaibigan ko na gustong mag apply? " tanong niya sakin.
" Ah opo. Pwede pa po ba? "
" Actually ikaw ang first na nag apply dito. Kaya I guess, tanggap ka na sa trabaho. " -sabi nung lalaki.
" Wala na pong kailangan? Mga file document? Ganun? "
" No need. Tsaka I think College ka na because of your uniform. So, anong day ka free para makagawa na ko ng mga sched sa mga matatanggap ko. And by the way, Im Sir Kiko " -Sir Kiko.
" Ahm, kada Monday and Wednesday po hanggang tanghali lang ako. "
" Ah. Edi kada Monday and Wednesday ka na lang mag work dito by 1:00 -6:00 p.m is that all right? " -Sir Kiko.
" Yes Sir! "
" And anyway, about sa sweldo mo, since 2 days ka lang at ikaw ang kauna-unahang nag apply, I will give you 5,500 kada sweldo mo and that day will always Wednesday. Okay na ba yun? " -Sir Kiko.
" Ok na ok na po yun sakin.. "
" Oh sige, anyway nandun sa Workers Room yung damit na susuotin, pili ka na lang kung anong gusto mo. Ikaw na muna ang bahala sa Cafe ah? Ipopost ko lang 'tong mga poster para marami ng pumunta dito. Maghahanap na din ako ng makakatrabaho mo. Since Day 1 pa lang ngayon, kakaunti pa ang customer. Alam kong kaya mo naman yun, tsaka kapag mga cakes or whatever nakahanda na naman, maliban sa mga coffee, dont worry may mga procedure naman dun. Ok? " -Sir Kiko
" Yes Sir, ako na po ang bahala sa Cafe! " sabi ko at umalis na siya.
Pinagmasdan ko ang Cafe. Ngayon ko lang nakita na ang ganda pala ng view dito. Parang may lake dun sa di kalayuan tapos puno puno pa. Good Luck Rica for your first day of work!
@PixieeeDusty
BINABASA MO ANG
Jeje Lovers
Short StoryHai. TaRah tecsz! esteh cmuLhan nHa nTeN ang sTorI ;) You love a person for who they are, not for what you want. By: PixieeeDust ★ @PixieeeDusty