Jeje 4

62 2 0
                                    

1 message.

Fr: 09010203040

hALaH!!!!!! naG rePlY kHa!!!!! :D

Grabe naman 'tong Jeje na 'to. Wagas maka exclamation noh!?

To: 09010203040

Hindi, hindi. Tumawag ako -.-

Grabe, parang nung isang araw lang.. inis na inis ako tapos ngayon? Minsan magulo din utak ko eh. Haha!

Fr: 09010203040

HeHeh.. sOriE nMn pHoe.. pErsT tAym mUh foO kcEng maG rePly... :D ;)

Medyo natawa naman ako, sa simpleng tuldok lang na nareply ko, wagas na react niya. Haha. I dont know but I found myself smiling while waiting a reply from that number.

Maya maya may pumasok sa Cafe. Tumunog kase yung pinto. Kukunin ko na sana yung Menu kaso sumigaw na yung lalaki.

" Just one hot coffee and one slice of black forest cake! " sabi nung lalaki. Wagas naman 'tong si Kuya! Habang ginagawa ko yung kape napagmasdan ko siya, edi siya na! Naka laptop pa kase. Parang ang sungit sungit pa. Tss.

" Are you done checking me? " hala! Nahalata niya! Dyusme.

" Ahm, no Sir... --- "

" So di ka pa tapos titigan ang gwapo kong mukha? " aba! Aba! Ang yabang netong lalaki na 'to! Asar lang ha. Kainis!

Di ko na lang siya pinansin at kinuha na lang yung cake pati yung bill kung magkano ang babayadan niya. Lumapit ako sa kanya atsaka ini abot at nagmadaling pumunta sa may cashier. Tss. Tiningnan ko yung phone ko, wala pa ring reply. Parang kanina lang... tss. Nakakabadtrip naman! Inis.

Maya maya tumunog na naman yung bell sa pinto. Akala ko customer pero si Sir Kiko pala. May kasama siyang 2 babae at 2 lalaki. Wow ah. Siguro katrabaho ko na ang mga ito. I guess.

" Oh Rica, musta ang Cafe? " tanong sakin ni Sir Kiko.

" Ayos naman po Sir. Madami na pong naka pasok sa Cafe. "

" Ah good. Nice costume ah. Sabihin mo lang kung masikip yan magpapagawa pa ko ng isa. " -Sir Kiko.

" Ah, ayos na po sakin 'to. " sabi ko kay Sir.

" Ah, good. So gusto ko sanang ipakilala sa iyo sina Tin at Yen " turo niya sa mga babae. Ngumiti naman ako sa kanila at ganun din sila. " Ito naman sina Roy at Fred. " turo niya dun sa mga lalaki.

" Sila ang makakasama mo sa Monday and Wednesday kapag 1:00 - 6:00 p.m ok? " -Sir Kiko

" Ah, no problem Sir! " sabi ko at ngumiti sa kanila. Mukha naman silang mababait kaya ayos lang. Hehe!

" Oh sya, kayo muna ang bahala sa Cafe ah, dun lang ako sa Manager Room, marami pa kase akong kailangang gawin ok? " sabi ni Sir Kiko at umalis na.

" Hi! " bati sakin ni Tin.

" Hello.. " sabi ko naman sa kanya.

" Ahm, Rica right? " tanong sakin nung Roy

" Yup, bakit? "

" kaklase mo ko, in history subject. Di mo naaalala?? Sabagay pawala wala ka eh.. " sabi niya na natatawa pa.

" Aww. Sorry, but your face looks familiar. Hehe. " nahiya naman daw ako dun! Kaklase ko pala siya ng di ko man lang alam!? Sa lahat kase ng subject ko, history lang ako madalang makita, pero di ko alam kung anong magic powers ang nagagawa ko kase nakakapasa pa ko! Haha.

" Anyway, andun sa Workers Room yung mga susuotin niyo, pili na lang kayo.. " sabi ko atsaka naman sila nagpuntahan dun.

Tumunog bigla yung bell sa pinto kaya naman napatingin ako.. Mukhang may hinahanap siya ah?

" Ahm, yes Sir? What can I do for you? " ako na ang pumansin, baka kase naliligaw lang.

" Ah eh, mag a-apply sana ako. Asan ang manager dito? " tanong niya sakin.

" Ah ganun ba, sunod ka sakin. " sabi ko at nagpunta sa Manager's Room

*knock *knock

" Sino yan? " -Sir Kiko

" Ahm, Sir Kiko si Rica po ito, may gustong mag apply. " sabi ko.

" Papasukin mo.. " -Sir Kiko.

" Narinig mo naman ang sabi niya diba? Oh sige na, pasok ka na. Good luck! " sabi ko at iniwan na siya dun.

Pumunta ulit ako sa counter, andun pa pala si Kuya na parang masungit. Yung umurder ng 1 coffee at black forest cake. Ugh. Nasusungitan talaga ako dito! ATSAKA! Ang yabang! Ugh.

" Hi Miss.. " sabi niya with smile pa. Feeling niya killer smile yun? Ugh. I keep my poker face on him

" This is my bill. Keep the change. Until I go again here. " sabi niya at nakatingin pa rin sakin. Kinuha ko yung pera at nilagay sa may cashier. Tinaasan ko naman siya ng kilay dahil di pa siya umaalis sa counter.

" May kelangan pa po kayo Sir? " I said in a sarcastic tone.

" None. Baka kase mamiss mo ko kapag umalis na ko. " -Guy

" Excuse me!? Asa ka pa. " sabi ko at tumalikod na sa kanya. Lilinisin ko pa kase yung mga plates.

Tumawa na muna yung lalaki atsaka umalis ng Cafe. Asar eh! Tss. Pagkatapos na pagkatapos kong mahugasan yung tasa ay siyang labas nina Yen with cute costume ng Cafe. Haha. Ang cute nila, pati nina Roy!

" So... is it nice? " tanong ni Yen..

" Uhh, yeah! Sabihin niyo lang kay Sir Kiko if may problem sa suot niyo, magpapagawa pa kase daw siya ng isa. " sabi ko naman.

" Ah ok, so sinomg naka assign bilang waitress, nasa counter, dishwasher and whatevs~ " sabi ni Roy. Natawa naman kami dun sa whatevs.

" Hmm, ako waitress! " sabi ko.

" Ako din! " -Tin

" Sa counter ako. " -Fred

" Ako din, sa counter. " -Yen

" So, ako ang magiging taga linis nito?? " -Roy

" Obviously. Hahaha " -Yen

" Guys, I want to say na may bago kayong ka members in Monday and Wednesday. " Sir Kiko said to us. " This is Marky ok? I need to go, kayo na muna ang bahala sa Cafe. Pasalamat kayo kase hindi ako masyadong strict sa inyo, di tulad sa iba na nag a-apply. Gotta go. " sabi ni Sir Kiko at umalis na.

Nag ngitian kaming lahat at nag group hug. Ini welcome pa namin si Marky, and also, siya ang taga paglinis. Hahaha.

---

Outfit of Rica and Tin on the media. Kay Tin yung blue then kay Rica yung pink. :)

@PixieeeDusty

Jeje LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon