Jeje 9

39 1 0
                                    

1 message.

Fr: Jeje boy. :)

kHaeN kHa fOo nG mBuTi huH.. :)

To: Jeje boy. :)

cgeH fOoo. . . :)

Andito ako ngayon sa Mcdo. Mag isa lang. Busy si Luna at Gail sa kani-kanilang mga boyfried. At ma o-op lang ako kung sasama ako sa mga date nila. Habang kumakain ako ng fries ay bigla na lang may taong umupo sa harapan ko.

" You again. " I said while staring at the fries. Psh.

" Yeah. Is there any problem? Wala na kaseng vacant table eh. " sabi ni Mr Yabang at kumagat ng burger niya. Tsk. Sa pitong buwan na yun, itong lalaking ito ang kadalasan kong nakakasama sa lunch kaya naman halatang alam na alam niyang dito ako kadalasan nag la-lunch. Psh. At madalas ay nakakatabi ko pa siya. Amp. Pero nagpapasalamat na din ako dito dahil kapag may kailangan ako or nasa sitwasyon ng mapapahamak, andiyan siya. Para ngang night and shining armor eh. Pagkatapos kong kumain ay umalis na ko at bumalik sa University at nagpunta sa next class ko. Tiningnan ko yung sched and then boom! History ko ngayon!? Naman oh. Aantukin lang ako. Tsk. Wala na kong magagawa. Attendance is important in College life. Pumasok na ko at umupo sa tabi ng bintana sa pinaka huling row. Nasa kalagitnaan ng pag didiscuss ang Prof ko ng may nag excuse sa akin.

Kaya nag excuse ako kay Prof at pumayag naman siya, akala ko si Gail or Luna ang nagpapa excuse sakin pero hindi eh. Isang babae na sa tingin ko ay 1st year college.

" Bakit? "

" Ah eh, may gusto lang pong magpabigay nito. " ini abot niya sakin ang maliit na papel at umalis na. Tiningnan ko kung ano yung nakasulat.

Smile always. That is the best weapon on you. ;)

-A

Tiningnan ko ang hall kung saka-sakaling may tao kaso wala..Ugh. I know its Arron. Nalaman ko din kase na dito siya nag aaral. Ayun nga lang, ayaw makipagkita. Sa tamang panahon daw. Psh.

Pumasok na ulit ako sa class ko at nakinig na lang dahil baka magpa surprise exam si Prof.

Saturday.

Work again.

Inis again.

Paano ba naman, andito na naman si Mr Yabang! Andun yung moment na kapag titingin ako sa kanya ay nakatingin na pala siya tapos nakangiti. Lagi ng umorder kapag available ako. Psh. Nananadya ata to eh. Kainis. At eto nga, aabutan ko na siya ng lagi niyang ino-order niya. Isang coffee and black forest cake. Tsk. Minsan nga inaasar ako nina Fred na baka daw may gusto sakin 'tong si Mr Yabang. Like, eeeww! Asa pa. Tsaka imposible naman siguro.

Natapos ang trabaho ko at nagpaalam na kina Tin. Excited na kong umuwi kase samin ulit tutuloy si Ate Eula, pinagtitripan kase namin si Kuya. Haha. Habang naglalakad ako pauwi, may nakasalubong akong lasing ata, aish! Ayaw ko pa naman ng ganun. Dalidali akong lumakad pero, pakshet kase binangga ako ng lasing na ito!

" Hoy babae! " tawag sakin nung lasing. Hindi ko na lang ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

" Aba, bastos 'to ah! " bigla niya akong hinawakan sa braso.

" Aray! Bitawan mo nga ako! Ano ba! Ang sakit! " eh kase naman, yung kuko niya ibinabaon sa braso ko, ang sakit kaya!

" Alam mo kase, binangga mo ako. Wag ka ngang bastos! Halika, sumama ka sakin! " sabi niya habang nakangiti at hinihila ako. Patuloy ako sa pagpalo sa kanya pero parang wala lang sa kanya. Naman oh!

" Hoy! Bitawan mo siya kung ayaw mong mabugbog! " sigaw nung lalaking naka hoodie? Hindi ko masyadong makita yung mukha niya kase madilim na ang paligid at malayo siya sa street light. Eh ang lalayo pa naman ng ilaw dito sa kalyeng ito. Tsk.

Jeje LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon