1 message.
Fr: Jeje boy. :)
oHh.. nAsaV qOh nHa HuH... bKt dIi kHa pHa nAg reRepzzxs? :((
Yan agad ang bumungad sa akin pagkagising ko. Nagpunta muna akong banyo atsaka nag ayos ng sarili. Pagkatapos ay bumaba at nakita si Kuya na busy, siguro nagpapagawa yung kapitbahay nung project or anything. Si Jomak naman tulog pa. Hay. Walang magawa ngayon. Sisimba sana ako kaya lang huli na ako sa ikatlong misa. Kaya ang ginawa ko na lang ay kunin ang mga notes ka para mag review. Exam na kase namin sa susunod na linggo at ayokong bumagsak ako, scholar lang kase ako kaya dapat mapanatili kong maayos ang grades ko. Naisipan ko munang mag reply kay jeje boy.
To: Jeje boy. :)
So, aRron paLa hA.. :)
At hindi ko pa nabubuklat ang notes ko ng tumunog agad ang phone ko.
Fr: Jeje boy. :)
aHiiHhii.. gAndA nG nEyM qOh dIbAh...? ;)
Medyo nagpigil ako ng tawa. Ang adik lang eh. Hahaha.
To: Jeje boy. :)
HahHaha... pNo m nmn nasav?
Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko at nahawa na ata sa jeje niya >3< 2015 na pero jeje pa din. But I like his company. Kahit jeje parang mas exciting magbasa. Nahahasa yung utak mo. Haha. First time ko lang kaseng mag jeje. And I know karamihan sa tao ay dumaan din sa pagiging jeje.
Fr: Jeje boy. :)
kSe mY bBg aqOh.. :D tEkKa.. nAg jeJejE kHa nHa dn aHh.. ;)
To: Jeje boy. :)
HahHa.. nAhAwA kHa nHa sYo.. kAin kHa nHa.. :)
Fr: Jeje boy. :)
ikw dn. :)
Tulad nga ng sinabi niya, nag almusal muna ako. Medyo gutom na din kase ako. Si Kuya busy pa rin. Ang kapatid ko naman ayun pababa na habang nagkukusot ng mata..
" Kuya, kelan ba dadating si Ate? " tanong ko sa kanya bago umupo ulit sa sofa.
" Malay ko dun, kinalimutan na siguro tayo. " sabi niya ng di man lang tumitingin sakin.
" Halos apat na taon na yun ah. Ang tagal. "
" Huwag mo ng pakialman si Ate, hayaan mo siya sa gusto niya, natitiis niya tayo eh, dapat natitiis din natin siya. " -Kuya
" Kuya wag naman ganun, atleast may pera siyang ibinibigay diba? " sabi ko sa kanya.
" Tss. " yun na lang ang nasabi ni Kuya at saktong pasok ni Mama sa bahay, siguro naki tsismis na naman sa kapitbahay.
" Mga anak, good news! Uuwi ang ate niyo! " -Mama
" Paano naman kayo nakakasiguro? " -Kuya
" Nag text siya sakin! Andito na siya sa Pilipinas. At sa isang araw na siya dadating. Hindi ba kayo masaya? " sabi ni Mama
" Ako masaya Ma! " -Jomak
" Tss. Sa dinami daming taon na lumipas, ngayon lang siya magpapakita? " -Kuya
" Bakit ba Kuya parang galit na galit ka? Bakit di ka na lang maging masaya na sa wakas makikita na natin siya? " takang tanong ko sa kanya. Meron ba akong hindi alam?
Tumayo si Kuya at niligpit ang mga gamit atsaka nagtungo sa hagdan.
" Nang dahil sa kanya, nagkahiwalay kami ng girlfriend ko! " atsaka nagpupunta sa taas.
BINABASA MO ANG
Jeje Lovers
Short StoryHai. TaRah tecsz! esteh cmuLhan nHa nTeN ang sTorI ;) You love a person for who they are, not for what you want. By: PixieeeDust ★ @PixieeeDusty