MAKI POV
Nakita ko ang isang babae na ngumingiti habang nasa daan at napangiti din ako dahil sa kanya.Kaya sinadya ko na iharang ang sarili ko sa dinadaanan niya ng hindi niya napapansin. Maganda siyang babae itim ang buhok na mahaba. Napaka-ganda din ng kanyang boses at hanggang balikat ko siya.
THIRD PERSON POV
Nakangiti si Maki ng hindi niya namamalayan .Kaya ang mga babae na nakakakita sa kanya sa may paaralan ay nagtitilian at naghihiyawan.Si Maki ay sikat rin sa mga babae hindi lang sa lalaki. May maganda siyang katawan at kulay kayumangging kulay. Napansin ni Maki na ngumingiti sa kanya ang mga babae kaya nagmadali na itong pumunta sa gym.
"Maki,pre nagugutom na ako pahinga na tayo",wika ni Kiyota
"Sige, magpahinga na tayu",wika ni Maki
At ikinagulat naman yun ng team.
"Uy pre, parang maganda ang araw ngayon ni captain ahh", wika ni Kiyota kay Jin
Pinagmasdan naman ni Jin si Maki at pansin niya rin na iba ang mood ni Maki ngayon.
Lumipas ang maghapon at uwian na. Nakita nila Maki ang team ng volleyball players na samasamang umalis."Mukang may pupuntahan ata ang mga volleyball girls ng ating school ah",wika ni Takasago
"Oo nga pre, at tignan mo napakagaganda nila pero ni isa wala akong kilala sa kanila",kiyota
"Ako wala ding kilala sa kanila",sabi ni Muto
"Ako din",sang-ayon ni Takasago
"Mas lalong ako",singit ni Jin sa usapan
"Tama na yan,lahat tayo hindi natin sila kilala kahit na nasa iisang paaralan lang tayo, dahil mas pino-focus natin ang larong basketball kaya nawawalan na tayo ng alam sa paligid natin", wika ni Maki
At sumang-ayon ang lahat sa kay Maki..
"Pre, dadating daw uli ang team ng Shohoku,Ryonan at Shoyo sa bahay niyo dahil wala namang pasok bukas", kiyota
"Oo,nasabi na nila sakin dun na din kayo malaki naman bahay ko kaya pa kayo suportahan",wikang pabiro ni Maki
"NYAHAHAHAHAHA talaga ba lolo napakabait mo namang nilalang NYAHAHAHAHA", wika ni Sakuragi na ikinagulat nila
"Huy!!unggoy bakiT nandito ka?", Inis na sabi ni Kiyota pero dedma lang siya kay Sakuragi
"Oh, Sakuragi bakit nandito ka?hindi pa ba kayo nauna sa bahay?",takang tanong ni Maki kay Sakuragi pero inakbayan siya nito at sinabi..
"Ano kaba lolo,nag-uulyanin kana ba antagal mo dumating nandun na silang lahat ,,nakatayo lang sa gate buti nalang nandito ang Henyo para kunin sayo ang susi ng bahay mo NYAHAHAHAHA,"Paliwanag ni Sakuragi
At napakamot naman ng ulo si Maki
"Huy!unggoy ang inggay mo bakit nandito kaba ha,Kainan lang dito!",inis na sabi ni kiyota
"Manahimik ka matsing daig mo pa ang pwet ng manok kakaputak!",sigaw pabalik ni Sakuragi
At nagbangayan na ang dalawa...
"BLAG"
"PAK"
"BOOM"
Napakamot naman ng ulo si Muto at Takasago habang nakangiti lang si Jin na nakatingin kay sakuragi at kiyota..
*BLAG*
Malakas na umbag ni Maki sa dalawa,at napahawak naman sila sa kanilang ulo
"ARAYY KO LOLO,,SABI KA MUNA BAGO UMBAG,ANSAKIT!!",maktol ni Sakuragi
"Huhuhu, Maki sorry," paawang sabi ni Kiyot
"Hayy", wika ni Muto at Takasago
"Tara na,naghihintay na sila dun", sabi ni Maki
THIRD PERSON POV
Sa kabilang panig naman,nakarating na sa pagkikitaan ang bawat grupo ng volleyball girls at nagsaya sila (SAKA KO NA PO IPAPAKILALA YUNG IBANG CHARACTERS KAPAG NA-IPUBLISH NA YUNG IBANG KWENTO) pagkatapos umuwi na sila upang makapag-pahinga na.
MAKI POV
"Anjan na sila Maki, iba rin to si Sakuragi at sinundo pa ang team nila Maki",nakangiting tingin ni Sendoh sa paparating na grupo nila Maki st Sakuragi
"NYAHAHAHAHAHA talaga ba lolo napakawalang kwenta naman pala talaga nitong si Matsing NYAHAHAHAHA",malayo palang pakinig na ang tawa ni Sakuragi
"Manahimik ka unggoy, ikaw nga palyado din tumira,"inis na sabi ni Kiyota na namumula ang pisngi
"NYAHAHAHAHA",tawang tugon ni Sakuragi
Nakatingin sa kanila ang buong team at lumapit si Rukawa sakanila at kinaladkad si Sakuragi papalayo kay Kiyota na lalong ikinainis ni Kiyota
"Gungong manahimik ka nga malayo palang pakinig na ang tawa mo",sabi ni Rukawa
"Magkabati na pala sila", wika ni Hanagata
"Hay naku, mahabang kwento",pabuntong hininga na sabi ni Riyota na sinang-ayunan ni Mitsui
"Pasensya na kayo natagalan kami,pasok na tayo",wika ni Maki
"Hay, Salamat",wika nilang lahat na ikinatawa ni Maki
"Sige na ibaba niyo na gamit nyo, toka-toka tayo sa gagawin",wika ni Maki
"Sendoh,Sakuragi at Rukawa kayong tatlo bumili ng iluluto natin", sabi ni Fujima
"Teka pre,bakit hindi ako kasama?"tanong ni Kiyota
"Mag-aaway na naman kasi kayo ni Sakuragi", paliwanag nila Maki at Fujima sa kanya
"Pero maki pre, Si Sakuragi at Rukawa din naman ahh", himutok ni Kiyota
"Pero medyo ok na sila ni Rukawa kayo ni Sakuragi nagpapatayan pa",sabi ni Jin at tumawa ang Team
"Pero....."
"Wala nang pero,magbalat ka sibuyas dito", utos ni Maki at sinunod naman siya ni Kiyota habang umiiyak dahil sa sibuyas
Makalipas ang ilang minuto dumating na sila Sakuragi..
"Oh Mr.Subtitute ito na yung pinabibili mo",sabi ni Sakuragi kay Fujima
"Bakit ganun tawag ni Sakuragi kay Fujima!",takang tanong ni Ikagame kay Ryota
"Wala kang alam Ikagame sadyang especialty ni Sakuragi ang mangbansag ng pangalan Hayss",Wika ni Riyota
Tumawa naman si Ikegami dahil alam niya na binansagan din ni Sakuragi si RyotaNatapos ang kasiyahan nila at isa-isang natulog sa bahay ni Maki, dahil malaki at mala-mansyon ang itsura nito.Ngunit nagsisiksikan parin sila sa isang gilid na parang mga bata lalo na si Sakuragi na halos kainin na lahat ng pwesto pero nagrereklamo pa din.
"WAHHHHHH ANSI.........",putol na sigaw ni Sakuragi dahil sinupalpalan ni Rukawa eto ng damit at tinabihan naman siya nito
"GOODNIGHT!!!!!!!!",sigaw ni Sendoh
"MATULOG KA NA PRE!!!!!!", sigaw din ni Kiyota
Nagtakip naman ng tenga ang iba dahil sa ingay na ginawa ng tatlo......at nakatulog na matapos ang magulong araw nila
BINABASA MO ANG
JUST YOU AND ME
FanfictionKilala si Shinichi Maki ng Kainan na magaling na manlalaro sa larangan ng basketball paano kaya siya magkakagusto sa babae na isa ding manlalaro sa larangan ng valleyball na ang pangalan ay Hanabi Hanana..