THIRD PERSON POV
Habang hawak ni Sakuragi si Amoi sa kwelyo ng damit nito...at tila nag-iiba na ang awra dahil sa sinabi ni Amoi,,agad naman siyang nilapitan ni Sendoh at Rukawa dahil nababahala sila sa pwedeng gawin ni Sakuragi...
"Sakuragi.....", wika ni Sendoh habang hawak ito sa balikat
"Wag ka mag-alala Sendoh, ang lalaking to ay hindi ako kayang takutin", wika nito
"........", walang imik si Rukawa
"Hindi kita kilala, pero kaya kung tandaan yang muka mo, sa oras na gawin mo uli ang bagay na yun sa girlfriend ni lolo, MAG-DASAL KA NA", wika ni Sakuragi na may pag-didiin at sabay inihagis si Amoi sa mga kasamahan nito na parang bagay lang
Natahimik ang lahat dahil dun samantalang, si Hanabi ay lalong naiyak dahil sa sinabi ni Sakuragi para tigilan siya ni Amoi..
*BLAG*
Malakas na bukas sa pintong sira ng mga dumating na babae ....
"HANABI!!", sigaw ng buong team ng Volleyball girls ng Shoyo
"Anong nangyari dito?!", wika ni Kiko ng makita ang paligid na napaka-gulo
"Nasan si Hanabi?!", sigaw ni Toki at tinuro ng buong team ng Basketball ang kinaroroonan nila Maki at Hanabi
Nang makita nila si Hanabi at ang itsura nito agad nila itong pinuntahan at niyakap ngunit naiwan si Toki at nakita nitong naka-upo ng pahiga si Amoi sa sahig kaya nilapitan niya ito....
"Sabihin mo, ikaw ang gumawa nito diba?", seryosong tanong ni Toki kaya napatingin ang team ng basketball ganundin, si Maki at ang mga babae habang yakap si Hanabi
"Tsskk, Eh ano ngayon kung ako, ala.....", biglang putol ni Amoi sa sinabi niya dahil bigla itong sinipa sa tiyan ni Toki ng napakalakas
"AHHHHHH!!", sigaw ni Amoi dahil sa sakit
Nagulat ang lahat sa ginawa ni Toki.....
"HAYOP KA!!!!ILANG BESES NA KITANG SINABIHAN NA TIGILAN MO NA SI HANABI...ILANG BESES NA!!! HAYOP KA!! KUNG SI HANABI NATITIIS NIYA ANG GINAGAWA MO PERO AKO BILANG CAPTAIN AT KAIBIGAN NIYA AY PIGANG-PIGA NA SAYO HAYOP KA!!!! TATLONG TAON TINIIS NI HANABI ANG MGA GINAGAWA MO SA KANYA,,ALAM MO BA YUN!! PATI SI TITA AT TITO AY DINAMAY MO HAYOP KA!!!! TINIIS DIN NILA LAHAT NG PAGBA-BANTA MO SA KANILA DAHIL MAHAL NILA SI HANABI!!!! DAHIL DYAN SA YAMAN MO WALA KAMING MAGAWA HAYOP KA!!! ARAW-ARAW LAGING BANTA PARA KAY HANABI ANG MGA SINASABI MO TINITIIS NIYA YUN DAHIL AYAW NIYANG MAY MADAMAY NA IBA DAHIL LANG DYAN SA KABALIWAN MO!!! ILANG BESES NA AKONG NAGMA-KAAWA NA TIGILAN MO NA SI HANABI!!!! NAPAKA-GAGO MO HINDI KO MAISIP NA AABOT SA GANTO ANG GAGAWIN MO KAY HANABI HINDI KA PA NAMATAY!!!",
sigaw ni Toki kaya biglang nagulat ang lahat lalo na si Maki"Hayop ka pala pre,," galit na sabi ni Kiyota
"Kulang pa ata ang bugbog ni Maki dyan ehhh", inis na sabi Sawakita
"Tama ka", wika ni Morishigie
"Bakit ano ba ginawa nito kay Hanabi", wika ni Fukatso
"Oo nga, at bakit parang napaka-dami niyang ginawa kay Hanabi", medyo galit na sabi ni Fujima at tumingin si Maki kay Hanabi na takot na takot
"Ganto kasi yan...", wika ni Kiko na nagpata-himik sa lahat
"Mula nang makatungtong si Hanabi sa high school, napaka-dami nitong manliligaw noon dahil sa ganda niya, magaling si Hanabi sa larangan ng volleyball at pag-sasayaw kaya hindi na nakapag-tataka na wala itong admirers.....pero may isang lalaki na grabe ang pagkaka-gusto kay Hanabi at yun ay si Amoi ang lalaking yan....Lahat ng mag-tangka na lalaki ang lumapit at manligaw kay Hanabi ay binubugbog niya minsan nga malala pa ehhh...pinagbabantaan din niya ang mga ito....Lagi niyang nilalapitan si Hanabi kasama ang kanyang mga barkada,, walang iba kundi yang pito na kasama niya ngayon.....Hindi lang basta lapit ang gingawa nito kay Hanabi....kaya walang magawa si Hanabi kundi mapa-luhod nalang sa takot at hindi lang yun,,pinag-babantaan niya ang magulang ni Hanabi na kung hindi ito ibibigay sa kanya papatayin niya lahat ng malalapit dito,,hindi pumayag si Tito sa sinabi sa kanya ni Amoi kaya binugbog niya ang papa ni Hanabi kasama ang mga yan.....ilang beses na din naming sinubukan na tulungan si Hanabi,,,,pinagsama-sama namin lahat ng makakaya namin sa pinansyal na tulong para lang may magawa kami para lang matigil na ang mga kabaliwan na ginagawa ni Amoi...pero,,,, kahit anong gawin namin wala kaming magawa dahil sa yaman niya...minsan ang isa samin ay binugbog niya...at yun ay Aki ng subukan nitong kalabanin si Amoi,, wala siyang awa kahit babae pa si Aki.....natagpuan namin si Aki sa isang bakanteng lote na nakatali paitaas ang kamay at puro galos at pasa ang natamo ng katawan niya dahil sa ginawa ni Amoi at mga kaibigan nito.....walang malay ng maisugod namin sa ospital si Aki at lalong natakot si Hanabi sa pwede pang madamay kung susubukan pa ng isa samin na tulungan siya.....wala kaming magawa kahit gustuhin namin na tulungan siya kahit ang buong team ng Volleyball na kaibigan namin sa ibang school,,,,dahil isa lamang kaming mga babae at hindi kami mayaman ....hindi ko lang akalain na aabot sa ganto ang gagawin ni Amoi...natatakot na kami para sa kaligtasan ni Hanabi....KA-KAYA PARANG AWA NIYO TULUNGAN NIYO KAMI,,HINDI NAMIN MAPAPATAWAD ANG GINAWA NI AMOI KAY HANABI AT AKI......", paliwanag ni Kiko sabay luhod sa harapan ng buong basketball team habang umiiyak
BINABASA MO ANG
JUST YOU AND ME
FanfictionKilala si Shinichi Maki ng Kainan na magaling na manlalaro sa larangan ng basketball paano kaya siya magkakagusto sa babae na isa ding manlalaro sa larangan ng valleyball na ang pangalan ay Hanabi Hanana..