Chapter 27

87 4 2
                                    

THIRD PERSON POV

Habang nagkakamayan ang dalawa napansin ni Reiju na tila kakaiba ang ekspresyon sa muka ni Hanabi habang nakikipag-kamayan kay Iwabe. Dumapo ang kanyang mga mata sa kanilang mga kamay at laking gulat ni Reiju na may makita siyang dugo na tumutulo mula sa palad ni Hanabi. Walang alin-langang hinigit niya ang kamay ni Hanabi at kinuha ang kamay ni Iwabe at galit na galit, ngunit hindi niya ito pinakita sa iba. Nagtaka naman ang ilan kung bakit biglaang nakipag-kamayan si Reiju kay Iwabe....

"Rei-ju.......", sambit ni Hanabi at hinawakan si Reiju sa balikat gamit ang kaliwa nitong kamay habang tinatago ang kanan nitong kamay sa kanyang bulsa

"Ackkk.....", mahinang sambit ni Iwabe

"AKO DIN KINAGAGALAK DIN KITANG MAKILALA IWABE", madiing sambit ni Reiju habang nakangiti

"A-ako din ackk...kinagagalak kitang ma-makilala", nasasaktang sabi ni Iwabe

Tila hinigpitan ni Reiju ang kapit sa kamay ni Iwabe gamit ang kaliwang kamay nito.
Isang player si Reiju kaya hindi naka-pagtataka na malakas ang pulsuhan nito at kayang pigain ang isang kamay  katulad ng ginagawa niya kay Iwabe. Nasasaktan na si Iwabe sa ginagawa ni Reiju kaya pinipilit nitong higitin ang kanyang kamay ng hindi nahahalata ng iba. At nakita ni Toki ang ginagawa ni Reiju kaya bigla niya itong tinapik at hinigit ang braso.

"Reiju....", mahinang sambit ni Toki

"Tsk...", bumitaw si Reiju sa pagka-kapit nito sa kamay ni Iwabe at sabay lumabas sa gym habang hila si Hanabi

"Wait....anong nangyare?", walang kaalam alam na tanong ni Himawari

"Pasensya na nagma-madali kami....dumalaw lang sadya kami sa inyo", paliwanag ni Toki

"TEKA ANG BILIS NAMAN ATA.....", maktol ni Sakuragi

"Oo nga pre...kadating niyo lang eh", imik din ni Kiyota

"Pasensya na talaga importante lang pinapatawag kasi kami ng aming coach", pagda-dahilan pa ni Toki

"Teka.....wala namang...", putol na sabi ni Lin Lin dahil bigla itong senenyasan ni Toki

"Sundan mo si Reiju at Hanabi......", bulong ni Toki kaya hindi na nagtanong pa si Lin Lin at sinundan nga nito si Hanabi at Reiju

"Hatid na namin kayo", wika ni Maki

"Naku huwag na, madami naman kami kaya na namin ihatid sarili namin", sabat ni Suna dahil tila may napapansin ito sa kilos ni Toki dahil sa biglaan nitong pagpa-paalam

"Oo nga Maki...hayaan mo na sila", sabat ni Iwabe ngunit hindi siya pinansin ni Maki

"Tskk...", wika ni Fujima na medyo naiinis kay Iwabe

"Alam niyo hindi ko alam kung bakit gusto ni Toki na umalis tayo at kung bakit biglaang lumabas si Hanabi at Reiju.....pero sa tingin ko kelangan na lang din nating sumakay kay Toki at alamin kung bakit siya nagmamadali umalis", wika ni Konan kaya sumang-ayon ang lahat ng mga babae

"Mukang nagmamadali na nga ata kayo", imik ni Hanagata

"Sayang yayayain pa naman sana namin kayong mamasyal", ngiti ni Sendoh

"Puro ka gala", wika ni Koshino

"Pasensya na talaga", paumanhin ni Toki

"Toki.....pwede ko bang malaman kung bakit umalis si Hanabi at Reiju", biglaang sabi ni Maki kaya medyo natahimik si Toki

JUST YOU AND METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon