THIRD PERSON POV
Agad namang pumasok si Hanabi, matapos ang nangyaring kiss sa dalawa.....
"Ma, nandito na po ako", wika ni Hanabi na pilit pinapakalma ang sarili sa harap ng magulang nito
"Oh, anak kamusta ang laro", tanong ng papa ni Hanabi
"Nanalo po kami, papa ang ganda ng laban namin sa pagitan ng Kainan", masayang wika ni Hanabi
"Aba kung ganun, sasarapan ko ang luto ko", ngiting sabi ng mama ni Hanabi
"Ang totoo po niyan nag-celebrate po kami kela Maki ng buong team, pero dahil ipagluluto niyo po ako kakain uli ako, hindi ko pedeng palagpasin ang luto niyo", ngiti ni Hanabi
nagkatinginan naman ang papa at mama niya at biglang natawa"Maki, pala ha", ngiti ng papa ni Hanabi na may pang-aasar na itsura
"Ma, si papa oh", sumbong ni Hanabi habang namumula ang muka
"Hahahhaha", tawa ng mama at papa niya
Natapos silang kumain, at umakyat na sa kwarto si Hanabi at biglang tumalon...
"Wahhhhhhh", mahinang sigaw ni Hanabi sa kwarto upang hindi siya mapakinggan ng mama at papa niya
"Totoo ang nangyari diba?", wika nito sa sarili
"Subrang saya ko, nakuha niya ang first kiss ko, Ahhhh, please wag niyo na akong gisingin sa panaginip ko", sabay higa sa kama ni Hanabi
"A-ano kaya ibig sabihin ng halik niya"
"Ganito pala ang feeling ng inlove ka, ansarap napakasarap ibang saya ang ibinibigay nito sakin, bakit ganto napaka-lakas ng tibok ng puso ko, Wahhhh"
Nakatulog si Hanabi habang kinakausap nito ang sarili
Kinabukasan, araw ng sabado nagplanong lumabas si Hanabi para mamasyal tila nagtitinginan ang bawat tao na nakasalubong sa niya dahil sa ganda at pormang suot nito
Nasa baba ang litrato ng suot ni Hanabi:
"Ang ganda niya"
"Sana all sexy"
"Hi ate"
"Hi miss"
"Napaka-ganda mo"
"Model ka ba"
Samu't-saring papuri at komento ang naririnig niya sa daan habang naglalakad siya kaya ngumiti na lamang si Hanabi para magpasalamat sa magagandang sinasabi nila
BINABASA MO ANG
JUST YOU AND ME
FanfictionKilala si Shinichi Maki ng Kainan na magaling na manlalaro sa larangan ng basketball paano kaya siya magkakagusto sa babae na isa ding manlalaro sa larangan ng valleyball na ang pangalan ay Hanabi Hanana..