Chapter 23

105 5 2
                                    

THIRD PERSON POV

Nagising sila Maki, Kiyota , Rukawa , Mitsui , Ryota ,Minami , Sawakita , Sendoh , Ikegami, Moroboshi at Hasegawa...

Nakita nila ang bawat isa sa kanila ay may mga sulat sa muka na kung anu-ano
Wala silang maalala sa nangyari dahil sa kalasingan nila...

"A-ano i-ito", tingin sa salamin na wika ni Maki

"Ahhhhhh!! Sinong katawang lupa ang gumawa nito sa muka ko mga, Preh", sigaw ni Kiyota

"Mukang alam ko na kung sino ang gumawa nito", wika ni Ryota na nakatingin din sa salamin

"Gung-gong talaga ang lalaking yun, pati ako dinamay", wika ni Rukawa

"Ang lalaking yun....", wika ni Minami

"Hay......", ngiti lang na sabi ni Moroboshi

" Ano ba kasi ginawa natin kagabi?", wika ni Sawakita

"Ang pagkakatanda ko, nag-inuman lang tayo", wika ni Moroboshi

"Hahhhh....inaantok pa ako", wika ni Sendoh na nakahilata pa

"Huy bumangon kana nga dyan", wika ni Rukawa kay Sendoh

"Babe, itayo mo ako", wika ni Sendoh kaya binato siya ni Rukawa ng unan sa muka

"Napaka-landi naman nito daig pa ang babae, Preh", wika ni Kiyota

"Kaya ayaw kung uminom eh..", sisi sa sariling sabi ni Ikegami

"Tama ka.....", sang-ayon ni Hasegawa

"Nasan na ang mga yun?", tanong ni Maki

"Nasan na ang unggoy na yun, Preh", inis na tanong din ni Kiyota

"Mukang nasa guest room mo Maki", wika ni Ikegami

"Baling dun matulog", mahinang imik ni Rukawa

Pinuntahan nila Maki ang mga kaibigan nilang natutulog sa kwarto

Pag-bukas nila sa guest-room tila natameme ang lahat dahil napaka-sarap at napaka-himbing ng tulog ng mga ito.....

"Ang mga ito.....", wika ni Maki

"Makatabi nga", wika ni Rukawa at humiga sa tabi ni Sakuragi

"Ako din pasama", wika ni Sendoh at natulog din sa tabi ni Sakuragi

"MGA HUNG-HANG KAYO MGA PRE!!!!!!!!", sigaw ni Kiyota ng malakas kaya nagising ang mga ito

"Huyyyy...ang ingay niyo......", putol na sabi ni Jin at nagulat sa mga itsura nila Maki

"Wag kayo mang-gising ng......hahhhh!", putol ding sabi ni Hanagata at napasigaw

"Anong meron.....", natameme ding sabi ni Fujima

"Huy Matsing aga-aga para kang manok......NYAHAHAHAHAHAHAHAHA", imik ni Sakuragi at biglang tumawa ng malakas

"Anong nangyari sa mga yan?", walang alam na tanong ni Morishigie

"Kala ko mga aswang", wika ni Fukuda

"HAHAHAHHAHAHAHAHA"
Tawa nila Fujima, Fukatso , Hanagata ,Jin , Takasago, Muto , Koshino , Fukuda , Morishigie at Sakuragi

Nagdilim naman ang mga mata nila Kiyota, Minami, Ryota , Mitsui at Ikegami

"Sinong may gawa nito sa muka namin?", tanong ni Maki

"Mga mapansamantala kayo", wika naman ni Ryota

"Ahh, mga siraulo kayo preh", wika ni Kiyota

"...pati muka ko dinamay", inis ding sabi ni Mitsui

JUST YOU AND METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon