Chapter 17

169 3 2
                                    

HANABI POV

After ng mga pangyayari about samin ni Maki parang ayaw ko na gumising pa.
Hindi ko alam kung illusion ko lang ba ito pero isa lang ang masasabi TALAGANG NAPAKA-SAYA KO.....kinikilig ako

*KNOCK*

*KNOCK*

*KNOCK*

"Hanabi anak, pwede ba akong pumasok?", biglang katok sa pinto at tawag sakin ni mama

Nagmadali akong buksan ang pinto, pag-bukas ko nakita ko si mama na may mga dalang gamit at nakapang-alis na damit,,kaya nagtaka ako

"Ahmm,,bakit ma? Saan po ang punta niyo?",
tanong kong sabi kay mama

"Anak,,pasensya na ha, biglaan ang alis namin ng papa mo, pupuntahan kasi namin ng papa mo ang kaibigan niya sa Tokyo, dahil sa biglaang pagkamatay nito", wika ni Mama na nagmamadali

"Ha,,ehhh Ma sasama po ako", wika ko kay mama

"Anak, pasensya na hindi ka namin pwedeng isama, magtatagal kasi kami dun ng isang buwan", wika ni Papa na kakatapos lang magayak ng gamit

"Isang buwan?", tanong ko

"Oo anak, iiwanan ka na lang namin ng papa mo ng pera, para may allowance ka at pang-gastos dito sa bahay", wika ni mama sabay abot sakin ng sobre na may lamang pera

"Tyaka anak, huwag ka mag-alala nakisuyo na din kami kay Maki na bantayan ka", wika ni papa

"Ahhh-ehh ano Pa,, kaya ko na ang sarili ko dapat hindi niyo na po sinabi", wika ko kay papa na namumula ang muka

"Haha, oo na anak,, pero iba pa din yung nakakasiguro", wika ulit ni papa

"Hmmmm", tanging imik ko

"Siya sige na anak, baka mahuli pa kami sa byahe", wika ni mama

"Sige po Ma, Pa magiingat kayo,,", wika ko ng nakangiti

"Sige na anak, I love you Bye, Muwahh", wika ni Mama sabay halik sa pisngi ko ganundin si Papa kaya ngumiti ako sa kanila at yumakap

"BYE", tanging sambit ko habang kumakaway sa kanila

Ako na lang mag-isa sa bahay, pakiramdam ko napaka-lungkot ng nag-iisa, kaya bumalik ako sa aking kwarto para mahiga....

*DING*

Biglang nag-notif ang cellphone ko, kaya tinignan ko kung sino ang nag-message
Then, nakita ko si Maki kaya natuwa ako
dali-dali kong binasa ang message niya

MAKI♥️

Hanabi, sinabihan pala ako ng mama at papa mo na bantayan ka, pero pasensya na hindi kita mapupuntahan ngayon may training kasi kami.
Pero pupuntahan kita kapag natapos kami ng maaga. I LOVE YOU.

Bigla akong napangiti dahil sa message niya, kinikilig ako dahil sa sinabi niya tyaka nakakatuwa dahil kahit na may practice sila hindi niya ako nakalimutang i-text....

FASTFORWARD________________

*RINGGGGGG,,,RINGGGGGGG*

Ahmmmm....hikab na sabi ko

Nagising ako dahil nagri-ring yung phone ko kaya kinuha ko to nagulat ako dahil 6:00 pm na
Kaya napatingin ako sa bintana at nakita kong madilim na ang paligid
Nakatulog pala ako habang iniisip si Maki.....

JUST YOU AND METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon