THIRD PERSON POV
Araw ng sabado at naisipan ng Volleyball team kasama si Ayako at Haruko na magtipon-tipon sa bahay ni Hanabi...
"Hi tita/tito", wikang bati ng mga babae
"Oh mga hija, hindi kayo nagpasabi na pupunta pala kayo", wika ng mama ni Hanabi
"Oo nga , edi sana napag-handaan namin ng inyong tita ang pagpunta niyo dito", ngiti ng papa ni Hanabi sa kanila
"Ayy, naku tito hindi na po kelangan", wika ni Suna
"Pasensya na po, at naabala namin kayo hehe", ngiti ni Sakura
"Ano ba kayo mga hija, namimiss na nga namin kayo ng tito niyo ehh", lapit ng mama ni Hanabi sa mga dalaga
"Hahaha ang tita talaga", wika ni Temari
"Nandun si Hanabi sa taas puntahan niyo mga bata ", wika ng papa ni Hanabi
"Sige po tito, aakyat po kami sa taas", wika ni Konan
Pag-akyat ng mga babae nakita nila si Hanabi na nakangiti habang nagbabasa ng libro.....
"Hanabi", wika ni Kiko at nagulat si Hanabi dahil lahat sila ay nasa kwarto niya
"Ha,, nakakagulat ka Kiko,, kanina pa ba kayo dyan", tanong ni Hanabi
"Hindi naman Hanabi, kapasok lang namin ang ganda naman ng kwarto mo napaka-linis tignan", wika ni Ayako na first time lang makapunta sa bahay ni Hanabi
"Oo nga", sang-ayon ni Haruko
"Bakit nakatayo lang kayo dyan, pumasok nga kayo haha", tawa ni Hanabi sa mga kaibigan niya na nakatayo lamang
"Upo lang kayo sa sahig at kama kasya naman tayo dito", dagdag pa ni Hanabi
"Malapit na pala ang laban niyo Shoyo team ahh", wika ni Towa
"Ahmmm, oo medyo kinakabahan nga kami ehh", wika ni Aki
"Malakas ang makakalaban namin ngayon", wika naman ni Lin Lin na seryoso ang muka
"Oo nga", wika naman ni Kiko
"Hindi namin pedeng baliwalain ang kuponan na kakalabanin namin lalo na at galing sila sa Osaka Prefecture", sabi naman ni Toki na team Captain nila
Biglang natahimik ang atmospera sa loob ng kwarto ni Hanabi kaya nagsalita si Ayako
"Ano ba kayo, tiwala lang , wala akong alam sa larangan ng Volleyball dahil isa akong manager ng team ng basketball, pero naniniwala ako na makakaya niyo sila talunin, at susuportahan namin kayo ng buong team", cheer ni Ayako sa grupo nila Hanabi at biglang gumaan ang loob nila
"Ayako....", Tanging sambit ni Hanabi
"Salamat Ayako sa suporta mo, pangako gagalingan namin", wika ni Toki
"Susuportahan din namin kayo", wika ng mga babae
"Maraming salamat sa inyong lahat", ngiti ni Hanabi
"Ano ba kayo wag kayong magpapadala sa tensyon, tandaan niyo ang sumuko ay talo agad", wika ni Ino
"Tama!", wika ng lahat at nagtawanan
" Hanabi, may tanong ako", biglang imik ni Hori sa kaibigan at napatingin ang lahat sa kanya
"Ano yun?", tanong ni Hanabi
BINABASA MO ANG
JUST YOU AND ME
FanfictionKilala si Shinichi Maki ng Kainan na magaling na manlalaro sa larangan ng basketball paano kaya siya magkakagusto sa babae na isa ding manlalaro sa larangan ng valleyball na ang pangalan ay Hanabi Hanana..