A/N: Sorry for the long wait! Well, paano ba? kasi Nagka problema Thesis namin, so inasikaso pa namin kaya natagalan. Also, Ang daming ginagawa sa school. so yeah, sorry ulit! Tsaka, pansin niyo? Tinanggal ko ang pagkaka- Onhold neto? Ewan ko ba. Haha! Gulo ko eh! Hahahaha!
Enjoy Reading! Love lots!
*Aya*
"Hmmm.. Umm.." pupungas ako. Teka, anong oras na ba? Inextend ko ang kamay ko pero hindi ko maabot ang side table ko. Tsawka may matigas na bagay akong nakakapa.
Teka?? Matigas?! O____O
"Aaaaaaaaahhhhhh!!!!!!!" tili ko nang maalala kong tabi nga pala kami natulog ni Kristoff. ugh! Patay!
"Ssshhhh!! Wag kang maingay Honey, natutulog pa ko!" angil niya at yumakap sa bewang ko.
"Argh! Bumangon ka na! Lagot tayo kay Mama neto!" inis kong sabi at inis na tinanggal ang braso niyang nakayakap sa bewang ko.
*tok tok tok*
"Aya, bakit ka sumigaw? Anong nangyari? May problema ba?" tanong ni Mama sa labas ng kwarto ko.
"Wala po ma, may ipis lang po akong nakita." sagot ko.
"Ganun ba? O sige, bumaba ka na dyan. Ay sya nga pala, kanino yung kotse sa labas ng bahay?" tanong niya.
"Kay Kris po yun Ma. Mamaya nalang po, pagbaba nam- ko. Pagbaba ko nalang po tsaka ko mag kwento!" sabi ko.
"Osige, dalian mo na't bawal pag hintayin ang pagkain." sagot pa ni Mama. Siniguro ko munang nakaalis na si Mama bago ko gisingin ang lalaking to!
"Aish! Kristoff! Wake up! Ano ba! Gising! Oy!" sigaw ko ng mahina-kung meron nun- sa kanya habang hinahampas siya ng unan.
"Argh! Ang gulo mo Aya!" inis niyang sabi at nauna pang bumangon sakin at pumasok sa cr ng kwarto ko.
"Aba! Ikaw pa may ganang magalit! Grr!" inis kong sabi.
Habang hinihintay siyang lumabas ng CR KO. Nagligpit ako ng higaan. Tsss! After 5 mins. lumabas na din siya.
Naka-ngisi itong tumingin sa akin para bang nang iinis! Argh! Bwisit talaga!
"Lumabas kasa kwarto KO! Pasaway ka!" sigaw ko at hinagis kung ano man ang hawak ko. Pero mali ata yun.
"Seriously? Liit naman neto. Well, no wonder, maliit din naman yan." sabi niya sa tonong nangaasar na ewan!
"Bastos! Labas! Labas! Wag na wag kang papasok ulit sa kwarto ko!" sigaw sabay agaw ng bra ko sa kanya at pinagtulakan siya palabas ng kwarto ko.
Narinig ko pa ang pagtawa niya ng malakas! Argh! Nakakainis!
Naligo na ako at nagayos bago bumaba sa dining area.
Palapit palang ako sa dining area naririnig ko na ang tawanan nila.
"Saya niyo ah?" bungad ko sa kanila. Kaya lahat sila napatingin sakin.
"Andyan ka na pala. Halika't kumain ka na, sumabay ka na samin." pag aya ni Mama sakin. Napatingin ako kay Kristoff at nakangisi ito at parang natatawa pa. Iniripan ko lang sya at umupo na sa bakanteng upuan na unfortunately sa tabi pa ng Kristoff na to!
"Good Morning Honey." bati niya pagkaupo ko. Imbis na sagutin siya, inirapan ko siya ulit.
"Anak, may problema ba kayo ni Toffee?" tanong ni Mama.
"Wala po." maigsi kong sagot at nagsimula nang kumain.
"Wala naman po Mmy, baka po may sumpong lang tong si Aya." sagot naman niya. Mommy ang tawag niya kay Mama. Sosyal eh! Nadaig pa ko. Umirap nalang ako ulit. Grabe. Nakaka-ilang irap na ba ko? Tss.

BINABASA MO ANG
Trap Between Three Guys
Teen Fiction[H-I-A-T-U-S] Paano kung bumalik ang Ex mo pero naka move on ka na? Eh ang kaso, gusto niyang makipag balikan ka sa kanya? Paano kung magparamdam sayo ang dati pa palang may gusto sayo? Paano kung yung gusto ng bestfriend mo, ligawan ka? An...